NAPATAYO si Haya sa kaniyang kinauupuan nang dumating si Xander. Bahagya ‘tong yumuko sa bata. "Magandang araw po, Senyorito Xander.” May Senyorito pa talaga 'to sa pagtawag sa kaniya? Tumingin lang si Haya kay Fabella at sinenyasan na aalis na. Nagtaka naman siya bigla. Ganoon ba ang pakikitungo niya kina Xander? Hindi na hinintay ni Haya na makasagot si Xander dahil nagmadali na rin ‘tong iwan sila. Napakunot lang ang noo niya. “You’re talking to Haya,” saad niya. Kilala niya nga ‘to. Tumango naman si Fabella sa kaibigan. "You know her?" “Dito na siya lumaki. Her sister is one of my brother’s closest friend, I guess. Sila kasi ang magkakasama no’ng mga bata kami. I didn't become friends with them either." Naging interesado na naman siya. “Maaari ko bang malaman kung bakit

