NAGSUOT lamang siya ng cotton na shorts at saka oversized shirt. Paglabas ni Fabella sa silid niya ay agad naman niyang pinuntahan ang mga kaibigan niya at sabay-sabay silang naglakad papunta sa dalampasigan upang maligo. Talagang naisipan pa nila na mag-night swimming pero okay lang din naman kay Fabella. “Gusto ko nang tumira rito!” sigaw naman ni Xander at mabilis na tumakbo papunta sa may karagatan. Nauuna na siya sa kanila. Pinanood lamang siya ng magkakaibigan hanggang sa mabasa na ang buong katawan ni Xander. Natawa lamang si Fabella. “Alam niyo na, hindi natin siya isasama paa-uwi,” sabi naman ni Keith. “Mabuti nga kung dito na lang siya sa Palawan,” sabi naman ni Fabella. Para walang maingay. Para walang magulo. Gusto sanang idagdag iyon ni Fabella ngunit hindi niya

