“BAKIT ba hindi sumama si Achill?” tanong naman ni Keith. Nakaahon na sila maliban na lang kay Adam at Xander na nasa tubig pa rin. Nandito sila ngayon sa baybayin— may apoy pa sa gitna nila. Bonfire. Ang ganda lang tingnan at sa apoy lamang naka-focus ang mga mata ni Fabella. Ang mga kaibigan niya ang nag-set up nito. “Adam said to me that Achill needed to do something important," sabi naman ni Misael. “Bakit galing kay Adam?” Keith asked. “Mas malapit ang bahay mo sa bahay ni Achilliance.” May point naman si Keith doon. Bakit kailangang manggaling pa kay Adam? “Hindi naman na kami nagkausap ni Achill. Wala rin siya sa kanila no’ng nagpunta ako. Ang sabi ni Tita Marilyn ay hindi niya naman daw alam kung saan nagpunta. I texted him, but he didn't answer, and Adam later informed

