SA ginagawa nila ngayon na pagkarera sa paglangoy ay hindi pa rin niya maiwasan isipin ang tungkol kay Adam. Alam niya na na hindi na lamang iyon simpleng paghanga. May gusto siya kay Adam. Nga ba? Sa mga oras na iyon ay talagang nalilito siya. Bakit naman niya kailangang malito ng ganito? Akala niya ay simpleng paghanga lang talaga pero bakit umi-iba na pagtagal? Hindi niya gusto ang nangyayari. Plus, nag-away pa sila ni Misael kanina. Alam niya na sasama ang loob sa kaniya ni Misael dahil sa mga sinabi niya. Ayaw niya rin paniwalaan ang mga sinabi ni James na hindi sila bagay at hindi dapat. Hindi niya ito lubos na kilala? Bakit? Kung masama bang tao si Adam at may ugali itong hindi ka-aya-aya ay kakaibigan pa nila ang binata? Hindi niya talaga alam kung saan ang pinangga

