KATULAD ng plano ay tatlong araw lamang ang itatagal nila sa Palawan. At ito ang kanilang huling araw doon. Naging maayos naman ang lahat. Hindi... Mali. Hindi naging maayos sa kaniya ang lahat. Dito na nagsimula ang pagkalito ni Fabella. Sa pananatili rin niya sa Palawan ng isang araw ay hindi na siya nito pinapansin—katulad ng kaniyang inaasahan. Mali talaga na lumabas 'yon sa kaniyang bibig. Nagi-guilty siya. She sighed. "Siguraduhin mong wala kang gamit na maiiwan, ah." Napatingin siya sa may pintuan ng kaniyang tinutuluyan nang marinig niya ang boses ng kaibigan niyang si Xander Napangiti na lang din siya sa kaibigan. Sa pananatili nila sa Palawan ay nakuha naman ng magba-barkada ang hinahangad nilang mag-relax. 'Yon din sana ang inaasahan niyang mangyari sa kani

