NAPAKAGAT-labi na lamang si Fabella. Mag-isa lang siya ngayon sa bahay nila. Umalis na kasi kaninang umaga ang kaniyang ina. Hinihintay niya lang si Misael na sunduin siya nito—katulad ng inaasahan niya. Ngunit bakit wala pa ang pinsan niya? Habang naghihintay siya ay hindi niya maiwasang isipin ang tungkol kay Adam. Hindi pa rin mawala sa kaniyang isipin at mga natuklasan niya sa sarili niya. Gusto niya na 'to. Hindi niya alam... tama ba 'yon? Ngunit mali naman daw na gustunin siya niya si Adam—sabi ng kaniyang pinsan. Maling-mali raw. Hindi raw kasi talaga sila puwede, dahil? Hindi pa sila lubos na magkakilala ni Adam? Pero bakit parang kilalang-kilala niya naman na ang kaibigan niyang si Adam? Nag-aaral si Adam ng civil engineering. He's pursuing that career because he wa

