CHAPTER 5

1829 Words
NAKAUSAP ni Fabella si Keith kanina. In-update lang siya nito na pabalik na siya ng Tastotel. Sinabi rin ni Keith kay Fabella na matagumpay niya nga itong sinabi sa kaniyang Lola. Nagalit daw ito no’ng una sa nalaman pero kalaunan ay sinabing tanggap ito at tutulungan pa. “I told you, kasi. Kahit parents mo talaga ganiyan ang magiging reaksyon. Magagalit lang sila but trust me, hindi ka itatakwil ng Dad mo. Anak ka pa rin niya at taga-pagmana ka ng A. Company.” Kausap niya pa rin ito sa telepono. “Nandiyan pa rin naman si Kate.” “Kahit na,” sagot lang ni Fabella. Ang tinutukoy niyang komapanya ay ang pagmamay-ari mismo ng mga Armalana. Gusto sanang sabihin ni Fabella kung gaano ka-duwag ang kaibigan niya ngunit pinigilan niya na lamang ang kaniyang sarili. Lakas ng loob kasi ang kailangan ni Keith. Kung ano man ang mga mali niya ay malamang ay pinagsisihan niya na. Seryoso talaga si Keith na bigyan siya ng karapatan sa bata. “Iyong tungkol nga pala sa Tito kong abogado…” panimula niya. “Ibinigay ko naman na sa iyo ang contact number niya ‘di ba? Kayo na ang bahalang makipag-communicate. Sinabi niya rin sa akin na may habol pa raw kayo,” sabi pa ni Fabella. Tutal nandiyan naman na si Lola niya. Alam na nito ang problem ani Keith kaya hanggang doon na lang siguro ang pagtulong niya… siguro. “Yes. Thanks a lot, Fabella,” sabi ni Keith sa kaniya. “Welcome.” Pagkatapos iyon sabihin ni Fabella ay nagpaalam na siyang ibababa na ang tawag sapagkat marami pa siyang kailangan na tapusin. Ilang oras ang lumipas, natapos niya na rin angv mga paper works niya kaya naman napagpasyahan niya nang matulog. NATAWA si Adam nang maabutan niya na namang inaasar ng iba niya pang kaibigan si Kate Blake. Matagal na kasi nitong gustong makita ang pinsan ni Misael at Fabella. The only thing his friends are doing when he arrives is sipping their own beverages. “I will just thank her!” angil ni Kate. Nasa may cafeteria silang lahat sa loob ng school. Madalang lang naman silang magpunta rito. Sa pagkakaalam ni Adam ay si Xander ang nag-suggest na tumamabay na muna roon habang hindi pa dumadating ang klase niya. Mamaya pa naman ang schedule ng practice nila. Papasok muna sila sa kaniya-kaniya nilang mga klase. Kahit naman malapit na ang kanilang tournament ay hindi naman nila pinapabayaan ang mga acads nila. Lalo na si Adam na seryoso talaga sa pag-aaral niya. “Arsye and her sister already thank her,” tipid lang din namang sagot ni Achilliance kay Kate. Nagsamaan ng tingin ang dalawa. “Hindi ako puwedeng mag-thank you?” “Yes.” “F**k you.” Nagkatawanan na naman ang magkakaibigan. “Bunganga niyo…” Napalingon naman silang lahat nang biglang magsalita. The voice was from Fabella. Hindi na siya magtataka kung bakit nandito na naman ang dalaga. Araw-araw naman kasing pinupuntahan ni Fabella ang magbabarkada. Kaya araw-araw din silang magkikita na dalawa. Sana man lang ay hindi na asarin sina Adam at Fabella. Tsk. “Hi, Fabella!” bati ni James sa kaniya. “Hello rin. Tagal nating hindi nagkita, James, kumusta ka na?” nakangising tanong ni Fabella. “G*go,” sabi lamang ng magkakaibigan. Kahit kailan talaga ay may pagka-siraulo ang babaeng 'to. Matagal na hindi nagkita? Kahapon nga lang ay nagkita sila ni James. Napailing na lamang siya. Doon lang napansin ni Adam na kulang pala sila. Where's Keith? Napapansin niya rin ang pagiging weirdo ng kaibigan nitong mga nakaraang araw. Hindi lang siya nagtatanong ngunit nagtataka talaga siya. May ideya naman siya. Malamang tungkol na naman ito sa babae. Naalala bigla ni Adam na nagsimula lang ang pagiging weirdo nito nang mabalitaan din niya ang pagbalik ni Mikai. Nag-enroll nga raw ulit ito sa University. Sa pagkakaalam ni Adam ay nag-drop si Mikai tatlong taon na rin ang nakakalipas. Hindi kaya tungkol talaga 'to kay Mikai? Alam ni Adam na may something kina Keith at Mikai Serratore years ago. “So anong balita, guys?” tanong lang ni Fabella. Marami pa namang bakanteng upuan sa malaking round table sa cafeteria. Ang lamesang iyon ay para lamang sa kanilang magkakaibigan. Siya at sina Xander, Keith, Kate, Sael, Achill, James, pati na rin si Fabella. “Nakasalubong ko kahapon iyong mags’yota. ‘Yong sinabunutan mo, Fabella,” sabi lang ni Kate. Fabella just snorted. “Oh, really? Sila pa rin ba no’ng babaeng pinaglihi sa higad?” Naalala rin ni Adam ang nangyari sa tournament last year. There’s a fight between Fabella and the girlfriend of our opponent’s captain. It was started when that captain insulted James and Misael. Nagalit si Fabella kaya naman nagsimula na ng away. “I don’t know. Basta magkasama pa rin sila,” sagot ni Kate. “Sila pa rin daw,” sabi naman ni James. “Alvara always talking about them na tumatatag nga raw ang relasyon nila,” sabi naman ni James. Si Alvara ay ang girlfriend ni James. Sa pagkakaalam nila ay matagal na itong magkarelasyon pero mukhang nagkakalabuan sila ngayon. Si Alvara ay hindi nag-aaral dito sa Tastotel kundi sa school kung saan nag-aaral ang makakalaban namin. “Nakakaawa…” sabi lang ni Fabella. “Hayaan mo na. Hindi naman ikaw ang s’yota,” saad naman ni Sael. “Kahit na, nakaaawa pa rin si guy. Malas niya kay girl,” sabi niya na lang. Bumaling naman si Fabella kay Achilliance na kanina pa tahimik. “Oh, ikaw naman? Bakit ka tahimik?” “May iniisip lang ako,” mabilis lang na sagot ni Achilliance kay Fabella. Adam shrugs. “Anyway, may ideya ba kayo kung ano ang nangyayari kay Keith?” Napansin kaagad ni Adam ang pagtikom ng bibig ni Fabella sa tanong niya. “Wala akong alam,” sagot ni Xander. Lahat naman sila maliban kay Fabella ay napatingin kay Kate. “Wala rin akong alam. Palagi rin siyang wala sa bahay simula nang bumalik si Mikai,” sabi naman ni Kate. Siya kasi ang kapatid kaya akala nila’y may alam din ito. Pero napansin din pala ni Kate... na parang may kakaiba na sa kapatid niya simula nang bumalik si Mikai. “Alam niyo. Parang hindi siya kaibigan. Bakit hindi niya sa atin sinasabi kung may problema ba siya o wala? Para naman makatulong tayo,” sabi na lang ni Xander. “Hayaan niyo siya,” – James. “Right,” pagsang-ayon niya naman sa sinabi ni James. “Okay na ‘yon. Basta siguraduhin niya lang na magpapakita siya sa mga susunod na practice natin,” dagdag pa ni Misael. “Yeah. Kung gusto niya talagang sabihin sa atin. Sasabihin at sasabihin niya,” sabi naman ni Xander. “Wala rin siguro siyang tiwala sa atin,” Achill said. “Hindi naman siguro…” sabi ni Fabella. “Baka may pinagdadaanan lang siya tapos hindi pa siya handang sabihin sa inyo.” “Kahit ako na kapatid, hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa kaniya,” sagot naman ni Kate. “Change topic na nga!” sabi na lang ni Fabella. Naalala ni Adam na nag-usap si Keith at Fabella no’ng isang gabi. Hindi kaya… may alam si Fabella? Napailing-iling na lang si Adam. Hindi niya na lang ito inisip nang inisip. “Kailangan na namin umalis. Magsisimula na ang mga klase namin.” Sabay-sabay na nagsi-tayuan sina Sael, Kate, Achill, James at Xander. Pare-pareho kasi ang kinuha nitong course. Business administration. Isa-isa na silang naglakas papalabas ng cafeteria. Naiwan sila ni Fabella ro’n. Parehong naka-iwas ang mga tingin nila sa isa’t isa. Biglang nagsalita si Fabella. “A-anong oras ang klase mo?” He raised his left eyebrow. Akala niya pa naman ay alam nito ang oras ng klase niya ngayon. “Maya-maya pa. Ikaw?” tanong naman pabalik ni Adam sa kaniya. Doon lang niya tiningnan ng diretso si Fabella ngunit hindi naman ito sa kaniya nakatingin. He could say that Fabella is pretty. Everyone knows that. Kaya nga marami ang gustong manligaw sa babaeng ‘to pero napapangunahan lang ng takot. Literal na siga kasi ito. Sa paglalakad niya pa lang ay pansin na. Ang alam niya’y noon pa ay talagang mahilig makipag-away si Fabella. Kasa-kasama niya pa palagi iyong pinsan niya na si Carmie. Matanda ang mga ito kay Carmie ng ilang taon pero nasa college na rin si Carmie. Sa pagkakaalam niya rin ay umiiwas na talaga sa gulo si Carmie. Good for her. Si Fabella kaya? “Two hours from now pa,” sagot ni Fabella. Hindi niya maiwasan na magtaka. Nakatingin si Fabella sa kung saan sa labas ng cafeteria. Glasswall kasi kung kaya’t kitang-kita talaga m,ula sa kinauupuan nila ang buong labas. Wala naman siyang nakikitang kakaiba. Pagdaan lang ng magilan-ngilan na estudyante ang makikita sa parting iyon. “What are you looking at?” hindi niya naiwasang magtanong. “Achill and Carmie. Look,” sabi niya. Tinuro niya pa para makita ni Adam ang tinitingnan nito. Napataas naman ang kilay ni Adam. Nandoon nga si Achill at Carmie. Nakatalikdod sila sa kanila ngunit mapapansin naman na sila nga ang mga ito. Nakaupo sila pareho sa bench. “Akala ko ba may klase na ‘yon?” sabi na lang ni Adam. “Parang hindi mo naman kilala si Achill. He always made excuses,” mabilis na sagot na Fabella. “May relasyon ba sila?” “Wala,” Fabella answered. “’Yon ang huli kong alam. Wala silang relasyon. Best friend daw sila,” she added. Best friends? Ngunit sa tingin ni Adam ay higit pa ro’n ang relasyon nila. Oo nga’t alam niya ang tungkol sa pag-aasar ni Achill kay Carmie. Pakiramdam niya talaga ay may relasyon ang dalawang iyon. “With benefits ba? They’re holding hands. Lagi pa silang magkasama. Paanong hindi pa rin nakikita ni Kate si Carmie, eh, ang liit-liit lang din ng mundo natin,” sabi na lang ni Adam. They’re studying with the same school. Pero ano pa nga ba. Tumutulong nga rin pala si Adam para hindi magkita ang dalawa. Ayaw din naman ni Misael— well, speaking of Misael. Natigilan si Adam nang matanawan niya ang binata na naglalakad na papalapit sa kanila. “Maliit nga ang mundo natin pero panay pigil naman kayo sa pagkikita ng dalawa. Madamot kasi kayo,” sabi na lang ni Fabella. Hindi naman na nakasagot si Adam. Nakatingin lang siya sa papalapit na Misael. Napansin na rin iyon ni Fabella. “Bakit ka bumalik?” tanong ni Fabella nang makalapit na si Misael sa kanila. Wala namang ekspresyon na mababakas kay Sael habang nakatingin sa kanilang dalawa. “May naiwan lang,” Misael said. Mabilis niyang kinuha ang braso ng pinsan niya at hinatak na ito papaalis. Iniwan si Adam ng dalawa sa lugar na iyon. Napailing na lamang siya bago tumayo at umalis na rin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD