MASAMA ang mga titig ni Richsza sa kaniya nang magsalubong sila sa hallway nang araw ding iyon.
“You're still not answering my calls!” sigaw nito sa kaniya. Sarkastiko lang na natawa si Fabella sa kaibigan niya.
Kaibigan niya si Richsza Arjunco. Medyo may katagalan na rin simula nang maging malapit sila sa isa’t isa. Sa totoo lamang ay malapit din si Richsza sa magkapatid na Armalana sapagkat kabilang siya sa R’s na si Keith mismo nag nagtatag.
“Alam mo kung bakit hindi ko sinasagot ang mga tawag mo? Kasi alam ko na mangungulit ka lang!”
Ilang araw niya na talaga itong pinapansin sa isang rason lang. Pinipilit siya nito na mag-set ng date kay Kate at kay Richsza. Medyo labag sa loob niya, aaminin niya.
Minsan na rin kasi siyang nagkaroon ng paghanga kay Kate Blake Armalana.
May pagtingin na kasi ang kaibigan niyang si Richsza kay Kate. Pinagbigyan niya naman si Richsza no'ng una.
Sinubukan niyang kausapin si Kate.
Hindi naman niya tinanggihan ang kaibigan niya kahit na hindi niya feel na magkaroon ng ganoong conversation with Kate Blake no'ng nakaraan.
Pero, hindi naman pumayag si Kate Blake.
Ayaw nito at wala na siyang magagawa patungkol doon. Ito lang talagang si Richzsa ay mapilit pa rin hanggang ngayon.
“Please?”
“Bakit hindi mo na lang kasi kausapin? Madalas naman kayong magkita, ah? Kasama ka R’s ‘di ba?” Napairap lamang sa kaniya si Fabella. Ilang beses niya na itong si-nuggest sa kaibigan pero hindi pa rin nito ginagawa.
“Oo, kasali nga ako sa R’s. Pero hindi niya naman ako pinapansin. Baka nga sa sunod na linggo ay umalis na ako sa R’s. Maganda naman ang layunin namin pero nahihirapan akong makisama kay Kate. Para bang ayaw niya naman sa akin. Napilitan lang siya na aprubahan ang pagsali ako sa grupong R’s.”
Napabuntong hininga na lang si Fabella sa sinabi ni Richsza sa kaniya.
“Baka naman kasi nagkaka-ilangan lang kayo,” sabi na lang ni Fabella sa kaniya. Richsza shooks her head.
“Paano?” Napatungo pa ito. Tinapik na lang ni Fabella ang balikat niya.
“Fine. I will try to talk to Kate again about this matter,” may ngiting sabi nito. Ngunit sa loob ng kaniyang utak ay napapamura na lang siya.
Manong sabihin na lang kasi ni Richsza nang diretso kay Kate?
“Thank you,” sabi ni Richsza. Naawa na rin kasi siya rito kaya naman pumayag na rin siya.
“Welcome. This would be the last, okay?”
“Okay…” sagot ni Richsza sa kaniya. Napatango-tango lang si Fabella sa kaniya.
“Pauwi ka na ba?” pag-iiba ni Fab sa usapan. Tumango naman sa kaniya si Richsza.
“Yes. Kakatapos lang din ng class ko. Ikaw ba? Sabay na tayo,” Richsza declares.
“Hindi pa,” sagot naman ni Fabella. As usual, dadaan pa kasi siya sa gymnasium. May usapan pa ng apala sila ng pinsan niya na si Sael na mag-uusap sila.
Hindi niya pa rin mahulaan ngayon kung tungkol saan ba ang pag-uusapan nilang dalawa.
“May class ka pa ba or dadaan ka pa sa gymnasium?” tanong nito sa kaniya.
Tumango lang si Fabella. “Dadaan ako sa gymnasium.”
“I wonder kung nakakahabol pa ba sila sa mga acads nila,” sabi na lang ni Richsza. Ang tinutukoy niya ay ang magkakaibigan.
Nagsimula na silang maglakad. “Oo pa naman. At saka alam mo naman, medyo may daya kasi hindi naman sila puwedeng ibagsak,” natatawa pang sabi ni Fabella. Natawa na lang din ang kaibigang kasama niya.
“Pero matatalino naman sila at ibana-bandera pa nga nila ang school natin, eh.”
“Mga anak din kasi sila ng malalaking tao,” sabi naman ni Fabella. Totoo naman ang sinabi ni Richsza.
Kilala ang Tastotel City sa isa sa pinakamayamang lungsod sa buong mundo.
Lahat naman sila mayayaman pero para kay Fabella ay si Xander ang pinaka— mayroong sariling hacienda ang pamilya nila. Hindi lang iyon, mayroon ding sariling hospital ang pamilya Alejandro.
“Sinabi mo pa,” sagot lang ni Richsza. “Ay oo nga pala, mauuna na akong umuwi, ha?”
Fabella raised her left eyebrow. “Bakit pa? Nandoon si Kate, baka pagkakataon—” Pinutol naman ni Richsza ang gustong sabihin nito.
“Huwag na muna siguro, hindi pa ako ready.”
Napa-poker face lang si Fabella. Hindi niya alam kung ano ba ang pumapasok sa utak ng kaibigan niya.
Hindi pa ready? Pero gusto niya nang mag-set-up si Fabella ng date sa kanilang dalawa?!
Akmang aalis na si Richsza ngunit pinigilan niya ito sa pamamagitan nang paghatak sa braso ni Richsza. Nakita niya kung paano napangiwi ang kaibigan.
“Ano ba naman ‘yan, Richsza. This is your chance! Alam mo, paano kayo magiging close niyan kung wala naman kayong communication? Try talking to him, baka naman mali lang ang interpretasyon mo sa kilos niya. Mabait naman si Kate, sa pagkakakilala ko sa kaniya…”
“Eh—”
“Hep! Hep! Kaya mo ‘yan! Para ready ka na kung sakaling papayag siya sa date…”
Tsk! Date. Date. Kakausapin niya na naman si Kate tungkol sa date. Sana rin talaga ay pumayag. Pero kung silang dalawa na ang mag-uusap tungkol doon ay mas mabuti.
Hindi niya talaga maintindihan kung bakit kailangan niya pang ma-involve dito. Minsan kasi talaga ay hindi niya kayang humindi.
“Papayag na kaya siya this time?”
“Malay mo naman,” saad na lang ni Fabella. Hindi naman na nakapalag si Richsza. Sabay na silang naglakad patungo sa gymnasium.
Pagdating nila roon ay naabutan nilang nagsisilabasan na ang mga kaibigan niya. May mga dala rin ang bawat isa ng backpack. Mukhang mga bagong ligo rin ang mga ito kaya malamang ay kakatapos lang din nila mag-ensayo.
“Kumusta?” Natigil ang lahat nang dumating si Fabella. Nakita niya ang sabay-sabay na pagngiti nito sa kaniya. Pati na rin si Adam. Hindi niya maiwasan na kiligin.
Pero may kulang pa rin. Wala pa rin doon si Keith na malamang sa malamang ay nasa Laguna pa rin.
Sasabihin niya kasi sa Lola niya ang tungkol sa issue niya. Sana namamn ay masabi niya na nga.
“Okay lang. Nandito ka na pala,” saad naman ni James sa kaniya.
“Oo. Si Richsza nga pala,” pakilala ni Fabella sa kasama. Napansin niya na parang nanginginig ang tuhod ng kaibigan. Mahilig kasi ito magkape at saka medyo mahiyain din talaga ang kaibigan niya.
“Hi!” the boys greeted her. Sa iba’t ibang tono. Pantamad, masigla at parang wala lang.
Napataas na lang ang kamay ni Richsza uoang kumaway. “H-Hello…”
“Kasali ‘to sa R’s mo… kaya pamilyar na pamilyar,” sambit ni Xander kay Kate.
Napatango lang si Kate na nakangiti ngayon kay Richsza.
Parang ayaw tuloy maniwala ni Fabella sa sinabi ni Richsza na ayaw siya ni Kate para sa grupo. Ngumingiti pa nga, oh!
“It means sa Ar din nagsisimula ang apilyedo mo,” saad naman ni James kay Richsza.
Tumango lang si Richsza sa kaniya. “Y-yes p-po… A-Arjunco,” Richsza stuttered. Napailing lang si Fabella.
“Ano ka ba, Richsza. Hindi mo naman kailangang kabahan. Sila lang iyan! Mga normal na tao rin iyan, ‘no!” sabi na lang ni Fabella pero napangiti siya nang lubos nang makita niya na nagtitigan si Richsza at Kate.
Napatikom na lang ang kaniyang labi. She turned to Achill when he talked. “Hindi nagre-reply sa akin si Carmie. Tapos naman na ang klase niya sa mga oras na ‘to,” sabi ni Achill. Hindi niya maiwasang matawa. Nakisali rin sa tawa niya si Adam kaya parang gusto niya na lang magta-talon sa tuwa.
“Puntahan mo kaya, p’re,” sabi ni Adam kay Achill. Tinapik pa nito ang balikat ng kaibigan.
“Right,” sagot naman nito.
“Teka nga, may gusto ka ba sa pinsan ko?” tanong ni Fabella kay Achill.
Tumikhim lang ito at walang ekspresyon siyang tiningnan bago nito sabihin ang salitang, “Wala.”
“Weh?” hindi naniniwalang tanong ni Fabella. “Hayaan mo na, baka naman kausap niya lang si Nathan Santiago.” May pang-aasar sa boses ni Fabella.
Sumama lang ang tingin ni Achill sa dalaga.
Wala pa lang gusto, ha?
“I hate that guy!” tukoy niya kay Santiago.
“Because you like Carmie, admit it,” mabilis na sagot ni Fabella.
Umiling lang si Achill bago ito umalis.
Natawa lang si Fabella. Sinundan niya pa ito ng tingin bago siya bumaling sa iba niya pang kaibigan pero na-lock kaagad ang kaniyang mga tingin kay Adam na nakatingin din pala sa kaniya.
Magsasalita sana si Fabella pero natigilan siya nang biglang may tumikhim. Sabay pa sila ni Adam na nag-iwas sa tingin ng isa’t isa.
Ang tumikhim ay walang iba kundi ang kaniyang pinsan na si Misael. Hinatak siya nito papalayo sa lugar na iyon. Marahil ay mag-uusap na ang dalawa tungkol sa bagay na gustong pag-usapan ni Misael.
Tumigil sila sa may bench. Malayo-layo na sa may gymnasium ngunit tanaw pa rin ang mga ito. Mukhang nagsisimula nang magkuwentuhan sina Richsza at si Kate. Si Adam naman ay kaharap ang iba sa mga kaibigan nila.
She looked at her cousin. Masama lang itong nakatingin sa kaniya. Binawi niya lang ang braso niya sa pagkakahawak ng pinsan. She furrowed.
“What’s wrong with you?”
“Nothing’s wrong with me. Ask yourself,” mabilis na sagot ni Sael sa kaniya. Napanganga naman kaagasd si Fabella. Wala talaga siyang ideya kung ano ang problema!
Sa pagkakaalam naman niya’y wala siyang ginagawang mali— nitong nakaraan.
“I don’t know what you’re talking about. Diretsuhin mo na kasi ako kung anong problema mo,” she stated.
“Tungkol ito sa inyong dalawa ni Adam.” Hindi inaasahan na sasabihin iyon ni Sael. Hindi niya inaasahan na si Adam ang dahilan!
“What? Why? Hindi ko maintindihan.”
“Kilala na ni Fabello si Adam bago siya mamatay. Kabilin-bilinan niya sa akin na kung sakaling manligaw sa iyo si Adam ay pigilan ko iyon,” wika nito.
Lalo lang siyang napanganga.
Kilala na ng kambal ni Fabella si Adam noon?
At saka bakit naman naisip nito na liligawan siya ni Adam?
“Iyong totoo?”
“Iyon na nga iyon!” singhal ni Misael kay Fabella. Napairap lamang siya.
“Kapag nalaman ko na nagsisinungaling ka. Sige ka, mumultuhin ka ni Fabello. Ginamit mo pa talaga pangalan niya!” sabi ni Fabella sa kaniya.
“I’m telling the truth here,” mahinang sabi ni Misael. “Ngayon, tinutukso kayong dalawa nila Xander. Sana lang ay huwag kang maniwala kasi hindi naman totoo iyon. Walang gusto sabiyo si Adam at wala ka rin namang gusto sa kaniya, naiintindihan mo ba?"
Si Misael ba talaga ang kailangang magdesisyon? Napairap na lang siya.
Gusto niyang isagot na meron…
Meron naman talaga siyang gusto rito…
Ngunit hindi niya na muna ito puwedeng sabihin sa kaniya. She nods at him.
“Ano ako? Gullible katulad ni Carmie? Hindi ‘no! Bakit naman ako kaagad-agad maniniwala, eh, wala namang ebidensya. At saka wala akong gusto kay Adam ‘no!” pagsisinungaling niya.
Gustong-gusto niya nga si Adam! That's the truth!
“Siguraduhin mo lang, Fabella Saira,” Misael warned her. Napairap na lang siyang muli.