CHAPTER 3

1262 Words
KINABUKASAN ay maagang umalis sa kaniyang bahay. Kailangan niya talagang maagang umalis ng bahay sapagkat pinuntahan niya pa ang kaniyang Tiyuhin na magaling na abogado, si Protacio Ruwiz. Siya ang naisip niya na maaaring tumulong sa problema ni Keith. Pagkatapos nilang mag-usap ay nagpaalam na rin siya at nagtungo na sa school campus. Isang oras pa bago magsimula ang klase niya kaya napagpasyahan niya na sa basketball court na lang tumambay, manood sa mga kaibigan niya na nag-e-ensayo. Gusto niya rin naman makita si Adam.  Lihim siyang napangiti, kagabi ay hindi niya naiwasang magpadala ng mensahe. Sobrang natuwa lang talaga siya.  May namuong pag-asa sa dibdib niya na baka may gusto rin talaga ito sa kaniya.  Hindi niya maintindihan ang sarili niya kung bakit umaasa siya?  Una pa lang talaga na nagkita sila ay hinahangaan niya na talaga si Adam. Ang guwapo talaga kasi ng binata kaya hindi naiwasan ni Fabella ang humanga. Paghanga nga lang ba? Tanong niya sa kaniyang sarili.  Sa tingin niya ay oo, imposible naman na mahalin niya ito kaagad. Baka lang katulad lang ito nang naramdaman niya kay Kate Blake noon.  Na 'BAKA' si Kate na ang mahal niya. Sinubukan naman din ni Kate, naging sila naman ng dalawang araw, naghiwalay din sila pagkatapos dahil napagtanto nila na hanggang kaibigan lang sila.  Papasok na siya ngunit bago pa man siya makapasok sa school campus ay natigilan siya nang biglang may pumaradang pamilyar na sasakyan, nasa may parking lot pa lamang siya ng paaralan. Tumaas ang kaliwang kilay niya.  Natigil siya sa paglalakad ay tumingin lang ng diretso sa kotseng pumarada hanggang sa bumaba ang sakay nito. May ideya na siya kaagad kung sino ang lalabas ng kotseng iyon. "Bakit ba kasi panay pisil ka na naman ng pisngi, ha?! Wala ka bang pisngi?! Bakit hindi mo na lang pisilin iyang sarili mong pisngi hindi iyong name-merwisyo ka ng iba?!"  Natawa si Fabella. "Ingay mo, ang liit mo pero ang lakas ng boses mo."  Dalawa ang bumaba ng sasakyan, ito ay walang iba kundi ang pinsan niya na si Carmie at ang kaibigan nila na si Achilliance.  Namumula ang kaliwang pisngi ni Carmie, mukhang nanggigil na naman sa kaniya si Achilliance. Lalo kang natawa si Fabella. Hindi na muna siya nagpahalata sa dalawa. "Ang kapal din talaga ng mukha mo, eh 'no?" sabi ni Carmie. "Mas makapal pa rin kalyo mo sa paa." Umismid sa kaniya si Achill. Sanay na si Fabella sa ganitong set up. Matalik na magkaibigan ang dalawang ito ngunit parang aso't pusa madalas.  "Ikaw ang may kasalanan, Achilliance, 'wag mo 'kong ina-ano?! Matapos mo 'kong pag-suotin ng high heels tapos ngayon aasarin mo 'ko?! Ang kapal talaga ng mukha mo, ha."  Natawa siya lalo nang mabilis na sinabunutan ni Carmie si Achill. Ang aga-aga ay nag-aasaran ang dalawa.  "Aray! Kunwari ka pa, gusto mo rin naman. Akala mo ba hindi ko alam na nagpapa-impress ka kay Santiago?" Halatang may inis na rin sa boses ni Achill.  "Eh, ano namang pakialam mo?!" sagot naman ni Carmie. Umiling-iling si Fabella at saka lumapit sa dalawa, agad siyang napansin ni Carmie. "Hi, Fabella!" bati ng pinsan niya sa kaniya. Ngumisi lang si Fabella kay Carmie tapos ay bumaling kay Achilliance.  "Ano na, Achill? Akala ko pa naman nagpa-practice na kayo sa oras na ito," sabi ni Fabella.  Umismid lang si Achill. "Ang bagal ng pinsan mo kumilos."  "Aba! Aba! Sinabi ko bang hintayin mo 'ko?"  "Tama na nga! Ang aga-aga! Nagsisigawan kayo!" saway ni Fabella sa kaniya. Napa-crossed arms naman si Carmie at saka sumimangot.  "Ang sama kasi ng ugali ni Achilliance!" sabi ni Carmie. Magsasalita pa sana si Achill ngunit pinigilan siya ni Fabella. Wala na namang katapusan ang asaran nila kapag hindi niya pinigilan.  Humarap si Fabella sa pinsan niya. "Anyway, Carmey, narinig ko na nagpapa-impress ka kay Nathan Santiago, totoo ba 'yon? If oo! Tutulungan kita! Gusto mo maging k ㅡ"  Hindi pa man natatapos ni Fabella ang sasabihin niya'y agad na tumikhim si Achilliance. Lumapit si Achill kay Carmie, hinawakan ito sa braso niya at hinatak paalis.  "Halika na, hatid na kita sa klase mo. 'Wag ka makikinig kay Fabella," sabi nito. Hindi naman na nakapalag si Carmie sa kaniya. "Ang bastos ng dalawang 'yon. 'Di pa nga ako tapos magsalita, eh," sabi niya sa sarili niya.  "Fabella…"  Natigilan siya nang may tumawag sa pangalan niya mula sa may likuran niya. Pamilyar nag boses na 'yon kaya medyo may idea na siya kung sino. Dahan-dahan siyang lumingon at tama nga siya ng hinala.  It was Adam.  Nakasuot ito ng uniform ng paaralan at bagay na bagay talaga ito sa kan'ya. Akala niya si Achilliance lang ang late sa practice, si Adam din pala. Napangiti siya. "Good morning," bati niya rito.  "Para sa'n 'yong message? May problema ka ba?" tanong ni Adam kay Fabella. Napakamot naman ng ulo si Fabella.  "Eh, kasi naman, may itatanong sana ako pero nakalimutan ko na," sabi niya sa binata. Alam niya sa kaniyang sarili na hindi totoo iyon. Gusto niya lang talaga sanang magpapansin. Hehe. "Ah, sige. Mamaya pa klase mo 'di ba? Malamang sa gymnasium ang punta mo. Sabay na tayo," sabi ni Adam sa kaniya.  Tayo…  Tayo… Hindi niya maintindihan ang sarili niya kung bakit niya binibigyan ng ibang ibig sabihin 'yon. Napangiti na lang siya't tumango kay Adam. Nagsimula na silang maglakad papasok ng campus at tinahak nila ang daan papuntang gymnasium.  "Kamusta na nga pala si Jaries?" tanong ni Fabella rito. Matagal naman bago nakasagot ang binata sa kaniya.  Ang tinutukoy ni Fabella ay ang kapatid ni Adam na si Jaries. Sa pagkaka-alam niya ay na-confine ito sa hospital nitong mga nakaraang araw. "She's fine now," sagot ni Adam sa kaniya.  "Ah," tumango lang si Fabella sa binata. Natahimik na ang dalawa na naglalakad. Hindi naman talaga naiwasan ni Fabella na kumabog ang dibdib. Hindi niya lang maintindihan, ang awkward sa parte niya but she's glad na nakasabay niya si Adam ngayong umaga.  "Nag-usap daw kayo ni Kate kagabi?" biglang nagsalita si Adam. Napakunot ang noo niya.  "Kate?"  "Oo?"  Umiling si Fabella. "Hindi kami nag-usap ni Kate. Si Keith ang naka-usap ko kagabi," paliwanag ng dalaga.  "I see, baka nabingi lang talaga ako." Hindi na sumagot si Fabella. Lihim siyang napakagat-labi, hindi niya maiwasang kiligin sa hindi malaman na dahilan.  Natihimik na ulit sila hanggang sa makarating sa gymnasium.  "Ayiee, sabay kayo? May secret relationship na ba kayo? Sinasabi ko na nga ba!" pang-aasar sa kaniya ni Xander. Inirapan niya lang ito.  Pagdating nila roon ay napansin niya na wala si Keith. Hindi naman na siya magtataka kung bakit wala ito, ang sabi kasi nito kagabi ay pupuntahan niya ang Lola niya sa Laguna. "Here we go again," sabi ko na lang.  "Just don't mind them," sabi ni Adam sa kaniya at ginulo pa ang buhok ni Fabella. Napanganga siya pero agad niya rin itinikom ang bibig niya.  "Narinig ko 'yon!" tumawa si James. "Don't mind them daw pero affected na affected ka nga Adam!"  "Shut up!" Adam hissed at him. Nagkatawanan naman sila.  Nang mapatingin si Fabella kay Misael ay ang sama ng tingin nito sa kaniya. Napataas siya ng kaliwang kilay.  "What?" she mouthed.  "Let's talk later," sabi ng pinsan niya sa kaniya. Bumaling si Misael sa teammates s***h mga matatalik niyang kaibigan, "Parating na 'yon si Coach Fajardo, bakit wala pa rin si Achill?!"  Hinintay lang nila si Achilliance at ang coach nila. Nagsimula na rin mag-ensayo pagkatapos dumating ni Achill. Si Fabella naman ay nagtataka kung bakit gusto siyang maka-usap ni Misael. Mukhang seryoso, ipinagkibit-balikat niya na lang iyon. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD