“NAPAKADAYA.” Keith said. Natawa naman kaagad si Fabella. “Tama na ‘yan, lasing na kayo. Sinong iiyak?” biro pa ni Fabella. Sigurado siya na may iiyak na naman sa mga kaibigan niya. Iyong wine naman na iniinom nila—matapang din. Hindi pa nga nauubos ng mga kaibigan nila ang laman ng bote ng wine ay may mga tam ana ‘to. Si Fabella lang talaga ang hindi umiinom. Hindi niya rin naman sinasayang. Hindi lang napapansin ng mga kaibigan niya na softdrinks lang ang iniimon niya—kung saan, medyo kakulay ng wine na iniinom nila. “Hindi ako madaya. Sadiyang ang hihina niyo lang uminom.” “Bakit ba kasi hindi sumama si James? Mas malakas iyon uminom, eh,” saad naman ni Misael. Napatingin sa kaniya si Fabella. Naiinis pa rin siya sa pinsan niya. She doesn’t really know what her cousin wants.

