HE smirked. Hindi naman nakasagot ang kaniyang pinsan. “Ano? Tama ako, ‘no?” “Tsk. Huwag ka mag-imbento,” Misael said. Naniniwala si Fabella na tama lamang ang konklusyon niya. Ganoon ang gusto nitong iparating sa kaniya. Ayaw ni Misael si Adam para sa kaniya dahil gusto nito ay si Kate Blake para sa kaniya. “Defend yourself, then,” pagtataray pa ni Fabella. Bigla naman nangati ang kaniyang mga palad. Wala naman siyang inaasahan nap era. Sadyang nangangati lang sapagkat gusto na nitong sampalin ang pinsan niya. Kung hindi lang sana nagmamaneho ang kaniyang pinsan ay kanina niya pa ito ginawa. Nakakainis! Hindi naman sumagot doon si Misael sa kaniya kaya naman nagpatuloy lang siya sa kaniyang pagsasalita. “Kasi sa totoo lang, ang sarap mong sampalin,” pagsasabi niya pa ng t

