Hindi naman nawala sa kaniyang isipan ang nakakalokong panaginip na iyon. Paulit-ulit lang ang boses ni Carmie. “Hindi niya kinaya. He’s gone. Wala na siya… wala na.” Hindi naman si Carmie ang nag-inform sa kaniya na patay na ang kapatid niya. Walang nag-inform sa kaniya na iba dahil nandoon naman siya sa hospital nang mangyari ‘yon. Nandoon siya—binabantayan ang kaniyang kapatid. Minamasdan ang paghihirap dahil sa sakit. Parang gusto niya na naman tuloy maiyak sapagkat naalala niya na naman ang isa sa mga pinakamalungkot na pangyayari sa buhay niya. No’ng araw na iyon ay napakaraming nagbago sa pamumuhay nila. Nagbago talaga. She missed him. She missed her own happy family. Ngunit alam niyang kahit na balik-baliktarin pa ang mundo ay hindi na niyon mababago ang nangyari sa nak

