BEFORE the first quarter ends. Nagulat naman siya nang bigla na lamang dumating si Carmie—akala niya’y tatabi na ang pinsan niya sa kaniya upang manood ng laro ngunit… “Tara muna sa labas,” seryoso nitong sabi. Hinawakan pa ni Carmie ang braso ni Fabella. Doon pa lamang napakunot na ang kaniyang noo. Nagtataka kung bakit siya nito biglang inaaya palabas. Tumayo na lang din si Fabella. Nakita niya rin si Carmie na napatingin sa mga naglalaro. Napansin naman ni Fabella na nakatingin na rin pala sa direksyon nila si Achill. Tumango-tango lamang si Carmie pagkatapos ay hinatak niya na si Fabella palabas ng gymnasium. Hindi na siya umangal pa. “Anong problema?” tanong ni Fabella sa kaniya. Pinipigilan niya lamang ang sarili niya na kabahan nang sobra. Seryosong-seryoso kasi si Carmie kaya h

