MARAMI ng tao sa loob ng gymnasium at nagsisimula na ang laro. Nakahalukipkip lang siya sa gilid habang nanonood. Katabi niya rin si Richsza. Malapit din ang kaniyang upuan sa coach ng mga kaibigan niya. Si Coach Fajardo. Nagulat pa siya nang magsalita ito sa kaniya. “Miss Ruwiz,” tawag nito kay Fabella. “This year is their last year in college. What do you think will happen to their friendship after graduation?” Hindi inaasahan ni Fabella ang tanong nito sa kaniya. Napakurap-kurap pa siya nang ilang beses. Hindi naman siya nakatingin ng diretso kay Coach Fajardo. Ganoon din si Coach sa kaniya. Sa laro ngayon nakatuon ang kaniyang mga mata. Marami ang naghihiwayawan na mga nanonood sa gymnasium. Sa nakikita niya ngayon ay si Kate Blake ang may hawak ng bola. Lahat sila ay seryoso sa pag

