Kim POV Pagkaraan ng dalawang linggo, akin na munang naisipan na layuan at iwasan si Candice, sa kadahilanan na nais ko munang obserbahin ang mga bagay-bagay na bumabagabag sa aking isip. Simula kasi noong nangyari sa campus park, eh hindi na ito naalis sa utak ko hanggang sa nakauwi na lang ako sa condo ay ito pa rin ang nag o-occupy sa aking oras, ni hindi ko na nga rin napansin na nalimutan ko nang kumain dahil sa lalim nang aking pag iisip. Lalo na ang lagi kong inuulit-ulit saking sarili na hindi naman siguro counted sa pang huling symptoms of love ni Reigo ang nangyari sa park. Sapagkat, may dahilan naman ako doon, yun ay hindi tama ang makipag lampungan sya sa ibang lalaki habang taken na sya. Although, wala ata itong balak ibalita yun sa iba. Basta, dahil

