Kim POV Makalipas ang ilang oras, ay naisipan na nami ni Reigo na pumunta sa kanya-kanya naming subj. Mag kaiba na kasi ang papasukan namin, kaya sya ay papunta sa building 2 habang ako naman ay balik sa bldg. 3. Subalit, habang ako’y nag lalakad hindi ko pa rin maiwasan isipin ang mga bagay na nangyari kani-kanina lang. Akalain mo yun may nag kakagusto pa pala sa simpleng taong katulad ko? Pero hindi ko naman maitatanggi na meron rin naman akong ma ipag mamayabang, sadyang nahihiya lang talaga ako ipagmalaki ito. Pero bukod pa doon, akin rin na aalala ang mga nangyari sa classroom, hindi ko kasi maiwasan mag alala kay kuya ken, kapag nabalitaan nya ito. Lalo na’t mabilis pa naman kumalat ang mga ganun issue sa social media, kaso mukhang walang pakielam si Candic

