Kim POV Tuluyan na akong nakauwi sa condo habang basa ang katawan, hindi ko ito ininda dahil hindi ko naman ramdam ang lamig, feeling ko nga ay namanhid pa rin ang aking katawan kasi kahit nasugatan na ako hudyat sa pinto ng elevator, eh hindi man lang ako nag react. Papasok na sana ako sa loob nang may napansin akong envelope sa sahig, napatingin pa ako saking paligid nag babakasakali na may nakahulog lang pero wala naman tao. Tinignan ko pa ito nang mabuti bago kuhain dahil baka isa itong bomba mahirap na, kaso mga ilang segundo pa ang nakalipas tanging logo lang ng lotus ang aking nakikita. Sino ba naman niloko ko diba? Alangan naman gagalaw kapag tinignan mo lang. Kaya wala sa oras kinuha ko ito at tuluyan na lang pumasok sa loob upang makapag ayos na rin.

