Chapter 6: Vacation

1531 Words
Kim POV         7 weeks na ang nakakalipas nang matapos ang insidente na nakita ko sa condo ni kuya ken, simula rin yun ay hindi na ako ginambala ni Candice, maybe siguro na realize nya ngang relatives ako nang man liligaw nya at nakaka turn off naman kay kuya yun kapag nalaman nyang sya pala ang dahilan kung bakit naging magulo ang school life ko in a past few years.         And right now, na andito ako sa classroom upang hintayin ang announcement ng professor namin about sa semestral break, dahil kailangan ko talaga malaman iyon sapagkat, balak kong bumisita sa Japan. Kung saan doon nakatira sila mama at papa.         Kahit papaano ay win, win situation na rin para sa akin ito, dahil bukod sa mag papa kasaya ako sa akihabara, cherry blossoms, shrines, pagoda. Isang opportunity na rin yun para mapalayo muna ako sa dalawa, lalo na’t nahalata ko rin na lagi akong binubulabog ni kuya para daw magka mabutihan kami ng mahal nya, which he didn’t know na kilalang-kilala na naming ang isa’t-isa kaya useless lang din ang ginagawa nang aking pinsan.          Mga ilang oras na ata ang aming pag hihintay pero wala pa rin si prof. nagiging bubuyog na lahat-lahat nang mga kasama ko dito ay sa tingin ko nasa faculty nya pa rin sya at nag kakape. Geez, sa totoo lang pwede naman i-announce ito sa group page ng school eh, kaso hindi rin naman pwede umalis dahil mag papasa rin kami sa kanya ng plates.         Oh, speaking of that. Hindi ko pa pala na-i-introduce ang aking sarili right? Mga ilang chapters na ang lumipas ngayon nyo pa lang ako makikila. But well, mag papakilala naman na eh, kaya mababayaran ko na ang utang ko sa inyo.         So, first of all, I am Kim Tan Lee pure haponesa. Nakaka pagtaka siguro kung bakit ako naandito sa pilipinas ano, kahit na magandang tumira sa japan. Pero kasi hindi ko rin alam sa magulang ko kung bakit gusto nila ako na dito manirahan. And back to the main topic. I am a student at Vergold University as a Bachelor Science of Architecture.         I’m a 3rd year college and 19 years of age. Kahit papaano ay hindi naman halata sa aking sarili na ganun pa lang ang edad ko dahil nasa 5’6 naman ang height ko. Puwera nga lang sa aking ugali na hindi ko masasabi kung madami na ba akong nakuhang aral o kailangan ko pa mag explore sa mundo. Pero ayos na rin na maging ignorante minsan para kahit papaano hindi ito nakaka dagdag sakit sa ulo.         I love reading books and watching movies, especially sa manga and anime na gawa sa Japan. Pero meron din sa iba’t-ibang bansa of course, depende na lang siguro sa flow ng story. Kaya madalas lahat ng ideas ko ay influenced at inspired sa manga at movies.         Some people call me nerd, pero sa totoo lang hindi naman kasi talaga ako nerd, ganoon ba talaga ang tawag sa mga taong genius na nakasuot lang ng makapal na salamin? Hindi ko naman kasi kasalanan kung bakit kailangan ko mag suot nito eh kahit na hindi Malabo ang aking mata.          May mga dahilan lang naman ako kung bakit kailangan ko mag ayos nang ganito at parang ayaw ko na sabihin yun, dahil matagal ko na rin ibinaon sa limot ang mga ito.  “Guys! Pinapasabi ni sir tamad!! Ipasa nyo na lang daw sa sss nya yung mga plates!”  “What!!” “Ano!? “Oh, my gas!!!”         Sari-saring reklamo nang aking mga kasamahan habang ako ay tila parang nawalan ng boses sa narinig. “Wag mong sabihin naka pdf at pwede ang digital?” “Ah, oo sabi nya rin daw yun.”          Kasabay ang pag sagot nito ang groan nang aking mga kasama, kaya imbis na mapasabay ako sa kanilang inis ay palihim na lang akong natatawa, Sapagkat, klaro kasi talaga sa kanilang mga mukha ang puyat para lang sa sandamak-mak naming plates na noong una lang ay ni required na manual, tapos ngayon digital na.          Oo nga naman, sino bang hindi maiinis na pwede pala gawin sa digital edi sana hindi pa nag kakalyo ang aming mga kamay sa effort nang pag kukulay at pag d-details, pero ano pa bang magagawa namin si sir tamad yun eh, kahit mag reklamo kami sa dean o sa nakakataas hindi pa rin sya pwedeng masisanti dahil pangatlo sya sa nakakataas na may share dito sa campus.          Kaya no choice kami, kung hindi ang umuwi na lugmok at nakasimangot ang mukha, pero sila lang pala dahil ako ay uuwi na sa condo at mag hahanda ng gagamitin para sa bakasyon ko bukas.         Wala naman na siguro akong rason para patagalin pa ang pag alis ko dahil pwede naman agad bumili ng ticket sa internet at itong subj. ko na lang naman na ang naiwan bago ako tuluyan makapag sembreak.  “Kimkim!!”          Tawag sakin ng salarin at hindi pa ito nakuntento nang agad nya akong sinunggaban ng pag akbay, na Mabuti na lang ay hindi nawala ang aking balance.  “Ikaw pala yan, Mara”  “Oo ako nga, kumusta ang plates? Natapos mo ba lahat?”  “Oo naman, Ikaw ba? Teka parang hindi ka pumasok ah?”  “Ay hehe, oo hindi nga madami kasing gagawin na duty eh Mabuti nga at pumayag si sir na i-adjust ang pasahan namin.”  “Mukhang hindi lang naman ata sa inyo mara, kasi alam mo ba kahit kami ay hindi nya pinasukan at inannounce na sa email na lang daw nya naming ipasa ang mga ito.” “hala weh talaga? Eh diba ang sabi nya manual?” “and that’s why mukhang nalugi ang mga classmate natin.”          Kibit balikat kong sabi, habang sya naman ay natawa sa pahayag ko. Siguro naiimagine na nya ang reaksyon nang mga kasama namin dahil kahit nga ako ay napangiti nila  “Eh anon ang balak mo sa sembreak?”  “U-uwi ako sa japan.”  “Wow, talaga!? Pasalubong ko ah!”  “Sige, isang nahulog na petal na cherry blossom ayos na ba?” “Basta ba galling japan”         Litanyan nito na sabay naming ikinatawa habang naisipan namin na sabay na mag lakad dahil parehas lang naman naming tinatahak ang daanan… *******         Makalipas ang ilang segundong commute, tuluyan na akong nakauwi sa aking unit at agad na sinimulan ang aking plano. Siguro naman ayos lang na mamayang gabi na lang ako mag papa alam kay kuya ken o hindi kaya sa pag alis na lang, tutal kaya ko naman nang mag flight mag isa pero maganda na rin na mag pahatid sa kanya para libre pamasahe.         Ilang oras lang ang aking nagamit at sunod na ginawa ko naman ay mag hanap na ng flight. Aking naisipan na mag flight ng alas dyes ng gabi kung saan kapag umuwi si kuya sa kanyang trabaho ay ay isang oras pa sya na pahinga upang mahatid ako.         Naisipan ko na lang muna ipasa lahat sa email ni sir ang aking mga plates nang matapos ko na ang aking gagawin, para kahit papaano ay wala na akong iisipin pag dating ko sa japan, akin na rin napag planuhan na mag sulat ng list para sa gagawin ko bukas.          Hanggang sa tuluyan ng mag 9:30 ng gabi at ang 30 minutes ay ipinang gayak ko na lang para makaalis naman ako sa bahay ng presko.         Sakto ang pag labas ko sa unit nang maabutan ko si kuya na papasok pa lang sana sa room nya, siguro ay ngayon lang sya nag tapon nang kanyang basura kaya ganun. “kuya!”  “oh kim…bakit may dala kang maleta?”         Nag tataka nyang tanong na malugod ko naman sinagot. Pati na rin lahat nang aking mga plano na gagawin ko duon sa japan. Kung bakit ko muna gusto umuwi, maliban na lang sa dahilan na gusto ko munang mawala sila sa paningin ko.         Agad naman naintindihan yun ni kuya ken, subalit hindi pa rin maiiwasan dito ang malungkot at mag drama sa harapan ko, kesyo daw ma mimiss nya ako which is kahit na totoo sa tingin ko mawawala rin yun agad sa isipan nya. Lalo na’t kasama naman nya si Candice. Speaking of Candice, himala ata at hindi nya ito kasama?          Tinulungan na rin ako ni kuya sa aking bitbitin habang ako ay pumasok na sa passenger seat ng kotse nya, sa totoo lang meron rin naman akong sasakyan pero ayaw ko lang talaga mag drive, mabuti na lang at mabait ang aking pinsan.  “Sigurado ka ba at ayaw mo munang kumain?”  “Opo kuya, malapit na rin kasi ang flight ko.”  “Sayang naman at ngayon ka pa aalis na hindi man lang alam ni Candice,”  “Bakit naman sayang?”  Agaran kong tanong, dahil ano ba kinalaman ng babaeng yun dito sa ginagawa ko?  “Eh kasi, mag schoolmate kayo diba?”  “Sa ibang subject lang kuya, doon ko lang sya nakakasama.”          Makatotohanan kong sagot, dahil hindi ko naman alam kung anong course ang pinag aaralan yun eh, ewan ko ba kung nag-aaral nga pero wala akong panahon para alamin ito lalo na’t ayaw ko rin sya maging kaibigan. “Ganoon ba, siguro sasabihan ko na lang sya kung matanong man, at ikaw ah mag iingat ka. Yung pasalubong ko wag mong kakalimutan ah.”  “Oo na”  Agad ko na lang pag sangayon, At hinayaan na ang aking saliri na maging abala sa tanawin sa labas… --------------- mashiro99~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD