Kim POV
"Hello kim kamusta ka na?"
"Ito mas lalong gumanda kuya"
"hahaha kahit kailan palabiro ka pa rin"
"Totoo naman ah"
"kailan ka ba babalik dito? matagal na panahon na ang nakalilipas ah."
"Sa pagka kalam ko 3 days pa lang ang nakalilipas na wala ako dyan sa pilipinas kuya ken.”
Aking litanya habang itinago sa aking pouch ang aking bitbit. Narinig ko naman maya-maya ang pag tawa nito na ikina iling ko na lang.
“Oo nga ano, eh kalian ka ba kasi babalik dito? Wala ka man lang kasi balita dyan, hindi ka rin nag p-post or update sa social accounts mo.”
“I will go back there, once napag tripan ko ng bumalik”
“kalian naman kaya yun?”
“I don’t know, maybe four years?”
“Klase yan??”
Nahihimigan ang gulat sa kanyang boses, hudyat nang aking pag ngiti ng malaki, dahil kahit kalian ang bilis pa rin nyang maniwala.
“Kidding kuya ken, Of course uuwi ako, before na mag pasukan na ulit. But for now gusto ko muna mag relax.”
"Ah ganun ba sige ah, hihintayin ka na lang namin ni babe dito sa condo"
"Ah, o s-"
"Babe sino yan?"
Singit ng boses na babae sa pag uusap namin ni kuya dahilan upang di ko rin natapos ang sasabihin ko. Narinig ko naman sinagot ito ni kuya ken, pero naka focus lang ako sa endearment nila. Because that’s mean sila na pala.
Akin rin narinig na parang gusto ipakausap ni kuya ken sakin ang babaeng iyon kaya bago pa man mangyari ito ay agad na akong nag alibi dito.
"Ay kuya ken sige una na ako may gagawin pa ako"
"Ah, kim te-"
Putol ko sa kanyang sasabihin matapos ko syang pinatayan ng tawag. Even though its rude, hindi rin naman ako ang unang tumawag at ang mhal kaya ng load kapag tatawag, Mabuti sana kung sa messenger sya tumawag eh pero ang pinsan ko mukhang ipina nganak pa ata in 18’s dahil hindi nya daw gusto sa apps, nag l-lag lang daw sya.
Tinago ko na ang cellphone ko sa akin bulsa at pinag patuloy mag lakad dito sa park upang picturan ang mga magaganda at masisiglang cherry blossom. ang ganda talaga sakto lang na buti pumunta ako dito at pumayag sila mama at papa.
Habang ako'y nag lalakad sumasalubong rin ang simoy ng hangin sa aking katawan, Kitang-kita talaga sa expression nang mga taong naandito ang kasiyahan. Maganda nga talaga siguro na may kasama kang tao na importante sa iyo ang masilayan ang ganitong kagandahan tanawin.
Subalit, kumusta na kaya sila doon? Na e-enjoy rin kaya nila ang kanilang sembreak?
Tanong ko sa aking isip, habang patuloy pa rin ang pag kuha ko nang litrato hanggang sa hindi ko namalayan na meron na palang bata na nakatayo saking harapan, at kung hindi ko pa iyon mahihintuan ay parehas pa kaming madadapa sa daanan.
“Kon'nichiwa” (magandang hapon)
Putol nito sa ilang Segundo naming katahimikan habang patuloy pa rin ang aming titigan.
He’s cute!
“K-kimi mo” (y-you too)
Mahinhin kong balik dito, ngunit tanging tango na lang ang sinagot nito sakin hanggang sa nakaturo na sya sa dala kong camera.
“Kamera” (camera)
“Hai, issho ni shashin o torimasu ka?” (Yes, do you want to take a picture together?)
Masaya kong imbita habang pumaupo pa sa harapan nya upang mapantayan lang ang kanyang ulo.
“Daijōbudesuka?” (Is it okay?)
“Mochiron, koko ni kite kudasai” (of course, come here.)
Aking senyas na malugod naman nyang sinunod kaya ngayon ay mag katabi kaming naka pwesto sa likudan ng cherry blossom at nag simula nang kumuha ng litrato.
“Chinamini anata no namae wa nanidesu ka?” (what’s your name by the way?)
“Watashinonamaeha erosudesu” (my name is eros.)
“Hajimemashite, erosu. Watashinonamaeha Kimudesu.” (Nice to meet you, Eros. My name is Kim.)
Aking kusang pakilala, hanggang sa lumipas ang ilang oras ang pag papatuloy naming sa kwentuhan ni eros. Ayun sa kanya ay isa rin pala syang dayuhan dito sa japan, natuto lang daw sya mag nihonggo sa tulong ng kanyang kuya.
Eros is a 6-year-old child, kaya aking ipinag taka kung bakit wala syang kasama. Ayun naman sa kanya nalligaw daw ito dahil natuon ang kanyang atensyon sa cherry blossom hanggang sa hindi na nya nakaligtaan ang kasama nya. at ang laging bilin ng kanyang kuya na kapag sya ay naligaw wag sya aalis sa kanyang pwesto. Kaya kahit nasa gitna sya ng daanan ay tanging ang mga dumaraan na tao na lang ang nag a-adjust para hindi sya matamaan.
“Anata ga nozomunara, watashi wa anata no kyōdai o mitsukeru tame ni anata ni dōkō suru koto ga dekimasu” (If you want, I can accompany you to find your brother).
“honto?” (Really?)
“Hai” (yes)
Naka ngiti kong litanya, dahilan upang mapangiti rin ito sakin at malugod na tumango. Maingat ko nang hinawakan ang kanyang kamay habang sya ay inayos na muna ang kanyang tindig, nang mapansin kong komportable na sya, sisimulan ko na sanang mag lakad subalit..
“Eros!”
Agad akong nahinto saking gagawin nang may tumawag sa aking kasama na hindi kalayuan samin. Sabay pa naming nilingon ito ni eros at isang nag aalalang mukha ng lalaki ang bumungad samin.
“Nee-chan!” (brother)
Balik sigaw rin ng bata sabay ang pagkalas nito sa aking kamay upang malapitan ang kanyang kuya na nag hahabol pa ata ng hininga.
“Mabuti naman at nakita na kita”
Mahihimigan ang pagka relief sa kanyang boses habang hinahagod nito ang buhok ni eros bago napalingon sakin.
“…A-arigatou” (t-thank you)
“You’re welcome”
Ang tangi ko na lang nasabi habang napag isipan nang umalis, wala naman na siguro akong dahilan upang mag tagal pa dito diba? Tutal mag ga-gabi na rin.
“Watashi wa saisho ni iku hitsuyō ga aru to omoimasu.” (I think I need to go first.)
Putol ko sa kanilang moment, dahilan upang mapalingon sila sakin, na tanging isang ngiti na lang ang aking na plastar.
“S-sandali, bago ka umalis pwede bang yayain ka muna naming mag dinner?”
“Ay, maliit na bagay lang naman iyon, hindi na kailanga---"
“I insist, I’m sure na gusto rin ni eros yun.”
Kanyang putol saking sasabihin habang hindi ko namalayan na nakalapit na pala si eros sakin upang hawakan ang aking kamay at hilain para mapalapit sa kanyang kuya.
Sabagay, oras na rin naman nang pang hapunan kaya ayos na rin siguro ang makalibre.
“Ako nga pala Reigo.”
“My name is Kim”
“Nice to meet you kim. Dito ka ba naninirahan? "
“Hindi, pero yung magulang ko oo.”
“Kaya pala marunong ka mag tagalog, Mabuti na lang pala at isang kabayan ang kasama ni eros, pasensya na nga pala sa abala ah”
“Wala iyon, Hindi naman makulit si eros eh, kung tutuusin ay na enjoy ko syang makausap”
Nagagalak kong paliwanag hanggang sa tumagal na rin ang aming usapan, na kagaya rin ni eros kanina, marami rin akong nalaman sa kanya katulad na lang na parehas kami ng edad at sa vergold university rin sya nag aaral as BS Engineering.
Tuluyan nang dumaan ang gabi ng sakto kaming matapos sa dinner at kwentuhan ni reigo, na kahit si eros ay nakatulog na sa kanyang balikat kaya kailangan na talaga naming umuwi, ang saya pala kapag may kausap ka na na-aayon sa gusto mo. Like he is also a fan of manga and anime kaya halos lahat nang aming usapan eh ayun ang topic.
“Maraming Salamat ulit sa time kim nawa’y sana mag kita ulit tayo.”
“Siguro naman magiging possible yun, lalo na’t mag kaparehas lang tayo nang pinapasukang paaralan.”
“Oo nga pero mas Mabuti na rin siguro na hanapin ka na lang para nga magka totoo”
Natutuwa netong suhestyon na aking ikinahawa at napailing.
“Kung iyan ang plano mo hindi kita, pipigilan. Mag iingat kayo ah.”
“Ikaw rin kim, it’s really so nice to meet you.”
Sinsero nitong pahayag habang nakatingin sakin, hindi ko naman mapigilan na ngitian ko rin sya nang maganda dahil sa gesture nya. Ang sweet lang kasi nang sinabi nya saking pandinig, siguro kung sa ibang babae man nya sabihin ito ay posibleng ma fall sa kanya
Although, babae rin naman ako kaso hindi naman ako ganoon kadali mahulog sa mga salita lang. Isang kaway na lang ang aking ibinalik bago tuluyan na umalis sa harapan nila.
Hays, I think this is the best moment that happen to my vacation, sa wakas meron na rin akong ideya na maisusulat pag pinagawa kami ng reflection paper nang mga prof.
-------------
mashiro99~