Kim POV
After 2 weeks ay tuluyan nang natapos ang aking vacation, at ngayon ay nandito na ako sa airport hinihintay ang aking flight. I must say that my vacation is really sweet. Hindi yung sweet dahil sa may ka relasyon ah.
It was a kind of sweet na sa tingin ko ay hindi ako mauumay, matapos kasi ang encounter ko sa mag kapatid na si eros at riego, tila narinig ni bathala ang panalangin ng binata. Sapagkat, hindi lang kasi doon nag tapos ang aming pag b-bonding dahil nasaktuhan rin nila ang mga balak kong bisitahin sa japan ay ganoon din pala. Ewan ko nga kung isa lang itong pagka kataon o sinadya? Pero imposible naman na sinadya dahil wala naman akong connection sa kanila. But, anyway tama rin pala ang suggestion ko na mag bakasyon. Dahil kahit papaano, nabura nito ang iilan na problemang bumabagabag sa isip ko. At sa ngayon ay hand ana ulit makipag sapalaran ang aking sarili sa panibagong problema na darating, lalo na sa acads. But It’s alright marami na rin naman akong na reserba na plano.
Hindi rin nag tagal ay sa wakas na tawag na rin ang aking flight. Agad na akong tumayo saking upuan at sumunod sa aking mga kasamahan na pumila. Because after a few hours ay balik pilipinas na ulit ako.
And that exactly what it did, nakauwi ako nang maayos at walang galos saking condominium. In fairness namiss ko rin ang pilipinas kahit na isang mainit at pollution ang sumalubong sakin.
Mabilis akong binati ng mga trabahador nang ako’y makapasok at agad kinuha ang susi sa kanila. Ayaw ko na rin kasi mag aksaya ng oras lalo na’t parang unti-unti ko ng nararamdaman ang jet lag at gusto ko na lang muna mahiga sa kama.
Pag sakay ko ng elevator at maka punta sa aking floor, una kong na daanan ang comdo ni kuya and wow iba na ang kulay ng pinto nya. Sa pagka kaalala ko color brown ito ngayon ay Teal appeal na.
“Nice door”
Aking litanya sa ere habang dumiretso na papunta sa unit ko, wala lang humanga lang ako sa taste ng pinsan ko sapagkat, sya lang ata ang naiibang kulay ng pintuan ngayon sa floor na ito. Parang gusto ko rin tuloy kulayan ang unit ko, pwede naman eh lalo na kung fully paid mo na ang room.
"I’m home!"
Hindi ko mapigilan sigaw dahil sa saya ko, nga pala hindi ko ba nasabi na 1-month rin akong na sa Japan. Well, yun nga 1-month lang naman kasi ang na bigay na sem break ng campus, pero kahit ganoon may isang linggo pa ako na pwede mag lakwatsa.
Teka anong oras na ba?
Aking tanong sa sarili sabay tinignan ang aking wrist watch, 3pm pa lang pala pwede pa ko mag pahinga dahil 6pm pa naman ang uwian ng pinsan ko. Hindi kasi nito alam na ngayon araw ako uuwi, kahit na panay tanong saya sakin kung kalian, gusto ko rin naman kasing supresahin sya dahil mas marami pang iaabot sakin yun kaysa sa mga pasalubong ko sa kanya.
Nag set na muna ako ng alarm cellphone para di ko maka limutan magising bago ako humiga at hayaan ang antok na lamunin ang aking katawan.
Pag sapit ng six ng gabi agad ko na pinatay ang alar ng phone ko, mas naunahan ko pa kasi itong magising dahil hindi rin ako nakaantok nang maayos. Tapos na rin naman na ako mag gayak at ang tangi ko na lang gagawin ay ang lumabas dito sa condo at puntahan na si kuya bitbit ang aking mga pasalubong.
Ayun sana ang aking plano pero mukhang ako yata ang unang nasupresa nila. Oo nila si kuya ken na may kahalikan na babae at hindi normal ang ginagawa nilang yun. I mean hindi sa nasasapian sila ah sadyang pang rated R18+ lang kasi.
Hay naku ang gandang bungad naman yun, ni hindi man lang sila na kapaghintay at sa labas na gumawa nang milagro.
Pailing-iling kong sabi at binigyan na lang muna sila ng segundo bago ko naisipan gambalain sila. Lalo na ngayon akin nang napapansin ang kamay ni kuya ken na dahan- dahan ginagapang papunta sa dibdib ni Candice. Yung totoo hindi ba sila natatakot na may makakita sa kanila?
Don’t tell me ayaw rin pa istorbo nang kanilang instinct kaya kahit na, nasa harapan na nila ako ay hindi pa rin nila ako pansin. Subalit hindi ko rin naman itatanggi na may kaunting tampo ang namutawi sa aking damdamin. Isipin pa lang na baka ayos lang talaga na wala ako sa harapan ni kuya.
"Ehem"
But I don’t mind that anyway, dahil ang sabi nga nila, kung ikaw ang nasa tama at alam mo ang ginagawa. Ikaw na mag adjust at tulungan rin silang mag karuon ng disiplina sa kanilang sarili.
And that’s what I’m doing right now, hindi naman ako nabigo saking pag papa-pansin nang sabat silang nahinto at lumingon sakin klaro tuloy sa mukha ni kuya ang sobrang pula nang kanyang mukha. Maliban lang sa partner nya na bihasa.
"k-kim?"
Nauutal na sabi nang aking pinsan na parang hindi maka paniwala sa nakikita. Tumango lang ako bilang sagot dahil ayaw ko rin mag aksaya ng laway. Lumapit si kuya ken sa akin at hinawakan ang aking mukha--ay mali pala, pinisil-pisil ang aking mukha at kitang-kita ko sa kanya ang sobrang tuwa, hanggang sa agad ako nitong niyakap ng mahigpit at ginulo ang aking buhok na nakasanayan na nya.
Samantala, ang isa nitong kasama ay nahuli kong nakatingin sa akin na para bang pagod? o namamalik mata lang talaga ako? siguro nga.
“Bakit hindi ka man lang nag sabi na ngayon pala ang uwi mo, edi sana nasundo pa kita.”
“May surprise ba na sinasabi kuya?”
“Wala”
“Ayun pala eh, oh ito pasalubong”
Akin na lang pahayag sabay abot sa aking dala, na malugod naman nyang kinuha at tinignan muna bago ako sabihan ng Salamat.
“The best ka talaga kim! Tara, tara pasok na tayo unit para maihanda ko na rin ito at pag saluhan natin tatlo”
Natutuwang pag aya nito, na hindi man lang ako hinayaan sumagot dahil hawak-hawak na nya ang aking braso at excited akong hinila hanggang sa tuluyan na akong naka upo sa sofa.
“kuya ano kasi may gagawi---”
“Just stay, mabilis lang naman ito eh.”
Kanya pang putol sa aking alibi kasabay ang kanyang pag mamaka-awa kaya walang magawa na tanggapin na lang ang kanyang alok at hinanda na lang ang aking sarili na tiisin ang mga mangyayari na naman mamaya, lalo na’t kaharap ko na naman ang mortal kong kaaway, s***h ang taong pinaka pervert na nakilala ko.
Napansin ko na gusto rin paupuin ni kuya si candice pero ayaw naman nito kaya hindi na lang sya pinilit, which is good dahil ayaw ko rin naman syang makatabi.
Habang si kuya ay nasa kusina na at sinisimulan ang pag hahanda. Kasabay yun ang bigla pag daan nang katahimikan sa pagitan naming dalawa ni Candice.
Sabi na eh, ito talaga ang pinaka iiwasan ko, yung awkward atmosphere. isama mo pa ang taimtim nyang titig sakin na kahit hindi ko nilalabanan. alam kong, sa akin lang nakatuon ang nakaka paso nyang tingin.
Wala na bang paraan para mahawi ito? Kung pwede lang sana tumayo at lumabas gagawin ko na eh, pero kasi parang nalimutan ata ng utak ko kung paano tumayo at mag lakad sa sobra ko rin kaba. Pero bakit ba kasi ako kinakabahan si Candice lang naman yan eh!
Reklamo ko sa aking sarili at walang nagawa kundi mapatingin na lang sa sahig nag hihintay ng ligaw na himala.
Ting!
Isang tunog na umalingaw-ngaw sa paligid at nang gagaling yun sa aking phone, kaya dali-dali ko itong tinignan at isang message ang nag pop out sa screen. Agad ko naman itong binuksan at wala sa oras na mapangiti nang aking mapansin na galling ito kay reigo.
Great!
Hindi ko mapigilan anas saking sarili sapagkat meron na akong mapag lilibangan upang ma set aside ko na may kasama pa ng apala ako dito, wala naman na siguro syang ikaka reklamo dahil klarong-klaro nang wala akong pakielam sa kanya.
Reigo: Hi kim, nakauwi ka na ba ng maayos?
Kim: Reigo! Mabuti na lang at napa txt ka, oo naandito ako ngayon sa condo ng pinsan ko at nagustuhan nya ang pasalubong, Salamat sap ag suggest yun ah.
Reigo: No problem kim, baka nakaka distorbo ako ngayon?
Kim: Ah, hindi, hindi ah!!
“Oh really? Hindi sya nakaka distorbo?”
Pahayag nang isang boses na malapit pa sa aking tenga, dahilan upang mapahinto ako sa aking ginagawa at ang kanina kong ngiti ay biglang nawala.
What the heck? Bakit hindi ko man lang napansin ang prisensya nya!?
Gulat kong tanong saking sarili habang mabilis akong umusog palayo sa kanya nang palihim. Wala na naman ba syang magawa? Bakit kaya hindi na lang nya puntahan si kuya sa kusina.
Akin pang suhestyon ngunit agad rin natuon ang aking atensyon sa phone nang tumunog ulit ito.
Reigo: Mabuti naman kung ganoon, namiss ka na ni eros.
Marahan kong basa sa message nya dahilan upang manumbalik ulit ang aking ngiti habang mag titipa n asana ng reply. Subalit, hindi rin ito nag tagal nang biglang nawala sa aking kamay ang hawak kong phone.
Dahil wala lang naman permiso na hinablot ito nang aking katabi kaya agad akong napatingin sa kanya nang nakasimangot, bastusan lang ba kami dito?
“Give me back my phone”
“You know what I hated the most, nerdy.”
“And I don’t care”
“Oh. I’m sure you would because you know me.”
Pranka nyang anas na aking ikina-inis, isama mo pa ang ginagawa nya sa harapan ko ngayun, ayun ay mangi-elam sa privacy ng iba na akala nya hindi big deal iyon.
“Just give me back my phone, Candice ayaw ko ng gulo.”
“Who’s this jerk? Boyfriend mo? Did Kenneth know about this?”
“He is not a jerk! at mas lalong wala kayong karapatan kung anong namamagitan samin dalawa. Give it back.”
Mariin kong bulong habang sinubukan kong hablutin ito, subalit mabilis nyang hinawi ito kaya naka-ilag.
“I see, you already have a gut to fight me ah, porket naka uwi ka lang sa japan?”
“I always have a gut, sadyang nilalagay ko lang sa tamang sitwasyon hindi kagaya mo.”
“Kagaya kong alin nerdy?”
Her follow up question na ngayon ay nakatingin na rin sakin na may matalim na titig, pero imbis na matakot ay tila mas ginanahan pa akong labanan sya sapagkat, totoo naman kasi ang sinabi ko. Hindi ako takot sa kanya, pero mabait rin akong tao.
“You already know what I mean Candice, You’re such a b***h. Now give me that.”
“Oh, really? Alright, catch it then”
“Hey!”
Aking Singhal kasabay nun ang mabiling kong pag dagan sa kanya para lang maiabot nang aking kamay ang papahulog ko ng phone sa kanyang likudan nang walang preno nya itong binitawan.
Mabuti na lang at nakuha ko pa rin ito, Kahit naman kasi na kaya ko bumili nang panibagong phone marami na rin akong na isave na files dito, at nagamit ko nan ang matagal kaya hindi ganoon kadali na masisira lang ito dahil sa bruha na kaharap ko ngayon.
“What is wrong with you!?”
Pigil inis ko na bulong sa kanya kahit gusto ko na syang sigawan ngunit hindi pwede dahil nandyan lang si kuya ken sa tabi-tabi.
“Because I’m a b***h?”
Casual nyang sagot dahilan upang mapalayo ako sa kanya at nang lalaki ang mat ana tinignan sya. Really, for 1 month sobrang laki nang pinag bago nya mas lalo atang lumala.
“I’m glad you know that, pero bakit ba lagi ako ah Candice!? Ano bang ginawa ko sayo?”
“You’re just easy to deal with.”
“Is that a compliment?”
“Yeah”
She’s mean, she is really mean. Wala akong maisip na dahilan kung bakit ako na lang lagi, kung sa kilos at pananamit ko lang naman ang problema nya, bakit ngayon na mukha naman akong disente, eh ang lakas pa rin nang apog nito, kahit na, nasa teritoryo sya nang pinsan ko hindi man lang nya kayang tumino.
“I hope it makes you happy then.”
Bagot kong sagot habang aalis na sana sa aking pwesto na ngayon ko lang rin napansin na, naka kandong na pala ako sa kanya. Useless rin naman kasing makipag usap sa ganitong klaseng tao dahil ikaw lang rin ma d-drain.
“You know what, I really hate you. Hindi naman ako nag kulang na ipakita sayo kung sino ako diba, pero bakit ang tigas pa rin ng ulo mo.”
“At ikaw pang may ganang mag sabi yan? Bakit sino ka ba para sundin ka? Oo, pumapayag ako na pahiyain mo sa harap ng tao at gawing katatawanan sa madla, pero hindi ibig sabihin yun kailangan ko na rin itaya ang natitirang dignidad ko para ma satisfied ka, hindi ko hangarin yun.”
Puno nang pait at inis na binitawan kong salita, habang dinuro-duro ang kanyang balikat, dahil sa tagal ng panahon ngayon ko pa lang rin sya ma c-confront.
“It's still not counted, who told you na maging masaya ka?”
“Unbelievable”
Ang tangi ko na lang nasabi, hindi ko kasi expected na may mas lalala pa pala sa binibitawan nyang salita kanina, pero sino ba kasi sya? Bakit ko rin ba hinahayaan ang sarili ko na sabihan ako nang ganito. This brat, sumosobra na sya.
“Let go”
“Nope”
“I said let go!”
Pilit na kalas ko sa kanyang bisig subalit tila’y mas malakas sya sakin kaya kahit anong likot ko eh mas lalo lang akong napapa hapit sa katawan nya.
“You hypocrite, pathetic lady, let go!”
“No”
“b***h”
“Na ah”
“Ugly”
Singhal ko pa subalit isang ngisi lang ang binalik nito sakin, hudyat nang aking pagka inis pa lalo.
“Flirt, Malandi!”
“I know that already”
“Oh, edi alam mo na rin na useless ka sa lipunan.”
Hindi ko napigilan banggit, na para sakin ay agad akong na kunsensya dahil hinayaan ko ang aking sarili madala sa galit, Isama mo pa ang palihim na ngiti nitong matamlay at ang saglit na pag daan nang kalungkutan sa kanyang mga mata.
“Well, you’re wrong about that nerdy, everyone wants me.”
“Taena naman oh”
Aking bulong at napayuko na lang sa kanya, sapagkat hindi na puot at galit ang lumalamon ngayon saking katawan kung hindi guilty at pagsisisi sa sinabi ko sa bandang huli.
“Come on, ano pa, ayun lang?”
Maya-maya nyang pag engganyo subalit hindi ko ito sinagot, ayaw ko nang madagdagan pa ang kamalian ko.
“Geez, you’re such a weak. Lumayas ka na nga sa paningin ko.”
Mga ilang Segundo nyang litanya sabay ang pag kalas nang dalawa nyang braso saking bewang, dahilan upang ako’y makaalis. Hindi ko naman na inaksaya ang opportunity na iyon pero bago ako tumayo agad ko muna syang binulungan.
“I’m sorry”
At hindi na sya muling nilingon pa hanggang sa dumiretso na rin lumabas sa condo ni kuya ken.
-------------
mashiro99~