Nasa bungad pa lamang ako ng pintuan ng kuwarto ko para lumabas, naririnig ko na ang tawa ni Lennox sa ibaba. Inaasar nila si Mena kaya umiiyak ito habang tuwang-tuwa silang dalawa ni Rico. Sumandal muna ako sa hamba ng pintuan ko at pinakinggan ang tawanan nila. Nakatitig ako sa kawalan at nag-iisip. Should I talk to him and stop him from coming here? If I do that, isn't that unfair? Kaya lang kasi masiyado na siyang malapit sa pamilya ko. Kung sakali na may mangyari o kung sakali'y biglaang huminto na siya sa pagpunta rito, ayokong madamay at masaktan ang mga bata kapag wala siya at hinanap ang presensya niya ng mga ito. "Kanina pa iyan dito. Maaga pa't tulog ka pa nang dumating siya kaya hindi na kita ginising." Nabungaran ako ni mama pagka-akyat niya sa hagdan. Napatayo ako ng maayo

