Hindi ako tuluyang bumaba nang matanaw si Lennox na kausap si Mena at Rico sa sala. Naririnig ko sa kusina sina Mama at Along na nagluluto. Nakasundo niya ang mga kapatid ko dahil sa araw-araw na paghatid-sundo niya sa akin sa bahay. Kahit walang pasok, nandito siya. Mayroon pa siyang dalang mga pagkain o laruan at ni minsa'y hindi nagpunta sa bahay na walang bitbit. "It should be placed here because it's his hand." "It's the foot," si Rico. "No, I'm telling you it's the hand." "It's the foot," pilit ng kapatid ko. Nagtatalo sila. Tumawa si Lennox. Itinuro niya kay Rico kung nasaan ang mga paa na ikakabit nila. Sa huli, natawa ulit si Lennox dahil si Rico ang tama. Matalino si Rico. Mabagal nga lang niyang matutunan ang mga bagay-bagay. Hindi ko siya napag-aral sa eskuwelahan ng mga k

