Kinabukasan, kabado ako nang buksan ko ang pinto ng classroom sa subject niya. Hindi ko alam kung paano siya haharapin. Ngunit pagkabukas ko, wala siya. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Nakahinga ba ako ng maluwag dahil wala siya o mas lalong sumikip ang dibdib ko dahil inaasahan kong makita siya pero wala siya. Sa sumunod na tatlong araw, ganoon din. Hindi siya nagpakita pagkatapos niya akong halikan. Nag-iwan lang siya ng mga gagawin at pag-aaralan. Pinagsisihan niya ba iyon? Nabigla lang ba siya no'n at natakot din siyang baka may makahuli sa amin at mawalan siya ng trabaho? Nang umabot ng dalawang linggo na wala siya'y naalis ko rin naman siya sa sistema ko. Lalo na't naging abala sa mga requirements na kailangan sa mga subjects. Kung hindi na siya papasok at hindi ko siya

