"I'll pick you up at your house." Kanina pa natapos ang klase namin sa kanya. Hinintay niya ako sa parking lot para ihatid ako pauwi. Bukas na ang alis ng grupo namin kaya ngayon ay balak niya akong sunduin bukas. "Bahala ka," inaantok kong tugon. Nakatulog ako sa sasakyan. Ginising niya lang ako pagkarating sa bahay. Sa sobrang antok ko, hindi ko na nagawang maglinis ng katawan. Naghubad lang ako ng uniform. Naka-panty na lang ako nang ibagsak ko ang katawan sa kama. "Xena! Gising na! May bisita ka! Aalis daw kayo!" Napaungot ako. Nakarinig ako ng magkakasunod na katok. Hindi ako nagla-lock ng pinto pero hindi iyon binubuksan ni mama kapag hindi ako ang magbubukas. Nawala ang ingay. Pinilit kong tumayo at binuksan iyon. Mapungay pa ang mata ko nang hindi si mama ang mapagbuksan ko k

