Tainted Hearts 11

1631 Words

Madilim at ilaw lang sa kalangitan ang makikita. Buong grupo, sa iisang bahay tumuloy. Iisa ang kuwarto kaya't napagpasyahan na sa sala matutulog ang mga kalalakihan. Sa kuwarto naman ang mga babae. Nakahiwalay ang banyo nila kaya lumabas pa ako para makagamit ng banyo. Maglilinis lang ako ng katawan bago matulog. Nasa kamay ang mga damit ko at gamit panligo nang lumabas ako. Madilim pero kita ko naman ang daanan hanggang sa makalabas ako sa bahay. "Where are you going?" Napasinghap ako at napahawak sa dibdib nang magsalita si Lennox sa likod ko habang sinasara ko ang pinto. Hindi ko alam na may gising pa. Puro hilik na kasi ang naririnig ko sa sala nang madaanan ko. Nasa labas pala siya't mukhang nagpapahangin pa. "Maglilinis lang ako sandali ng katawan." Tiningnan niya ang mga hawak

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD