PROLOGUE
PROLOGUE
NATASHA'S POV
“THE HECK!” malakas ang sigaw ko sa labas ng university. Hindi! Hindi! Mabilis kong tinawagan si mommy, ngunit hindi naman niya ito sinasagot! How dare she?!
Sa lakas ata ng pag-iinarte ko sa harapan ay marami na akong naagaw na pansin mula sa mga nag-aaral rito. Pinagtinginan ako ng mga papasok na estudyante, ang iba ay nagbubulungan pa habang nakatitig sa akin. Nakakainis! Bakit ba nila ‘to ginagawa sa akin? Wala naman akong ginawang masama!
Mahina akong napahikbi… now all of my cards are frozen, tanggap ko kung si Elsa may gawa, e! Kaso hindi! Ang kumag kong nanay at ang mukhang pera kong tatay! They freaking want me to marry a man na parang tatay na nila? Yuck! Ew! Over my dead body na lang!
Gusto nilang itali ako sa isang matandang mas mayaman! D'yos ko, parang tatay na nila 'yon, pero hinding-hindi ako papayag. Manigas silang lahat!
“You know what? Fine! I can live here! Sinabi nga ni Lola na kaya niyang mabuhay sa Pinas without a penny! I can do it, duh!” Hinawakan ko nang mahigpit ang aking bag at saka naman naglakad papasok ng main entrance ng university.
Yes, I lived in Germany… pero pinanganak ako sa Pinas, kasi feeling ng nanay ko nasa w*****d siya at tinago ako sa German kong tatay. Sadly, busted ang plano niya… nahanap ako ng tatay at kinuha ako at siya, dahil mahal naman pala siya ng daddy.
But f**k happens sometimes, right? Tatlong taon na nang ipag-date-date nila ako sa kung sinu-sino! Inilalako nila ako sa mga negosyante at anak-mayaman na parang paninda. There was one time na may naka-date ako na kapag hinipan ko parang tatangayin sa sobrang payat, but his eyes? Damn those eyes, ang gwapo niya siguro kung may laman-laman at hindi apat ang mata.
“Hi!” Nagulat ako sa gilid ko nang may lumapit sa akin na babae. “You speak Tagalog?” sunod niyang tanong sa akin.
Hindi ako makapagsalita agad, mas’yado akong nagulat at ngayon na lamang may kumausap sa akin ng lovely ang bati. Just so you know, madalas akong bully-hin sa Germany. Since perfect tan ako, pitch black hair with blue eyes? Maraming galit sa akin, kasi nakuha ko ang bet nilang features! Sorry, girls! Pinay beauty wins!
“Y-yeah! Pinay naman ako,” sagot ko.
“You speak fluently… nice to meet you!” bati pa niya.
“‘Cuz… I’m genetically Filipina? Well, my dad is German… so, uhm… yeah!” Hindi ko man lang masabi ng buo! Nakakainis, nagtanong pa siya kung nagsasalita ako ng Tagalog, kung English din pala ang gagamitin niya.
“Babi,” pakilala niya.
Nilatad niya ang kaniyang kamay sa harapan ko. Inayos pa niya ang kaniyang salamin gamit ang isang kamay nito, habang color pink naman ang bag pack niya. Napahinga na lamang ako sandali at tumingin din sa kaniyang kamay at tinanggap iyon.
“Natasha…”
“Ganda ng name mo!” puri naman niya.
“I’ll be frank… hindi ako marunong makipagkaibigan. I have no friends back where I grew up.” Natikom naman niya ang kaniyang bibig at umiling naman sa akin at sandaling tumawa nang hindi ko inaasahan. Is she crazy? Wala namang nakakatuwa sa sinabi ko? Pinagtatawanan niya ba ako, dahil wala akong kaibigan?
Nang makita niyang hindi na ako natutuwa ay umiling naman siya.
“Me, too!” sambit niya. “In my case, walang gustong makipagkaibigan sa akin. Ang rami ko raw kasing sinasabi, totoo ba?” Huminga ako ng malalim at ngumiti na lang sa kaniya.
Nalimutan ko na wala nga pala akong pera at matutuluyan! Gosh! Hanggang bukas na lang ang nabayad ko sa hotel! Well, may free breakfast naman iyon, kaya bahala na! Baka sakaling makahanap ako ng kahit anong sideline o part-time job bago man lang ako mailabas sa hotel room ko.
“Bakit ka pala nandito sa labas?” tanong niya ulit habang inaayos ang kaniyang salamin. “Anong subject mo ngayon?”
“BM 101,” sagot ko habang nakatingin sa hawak kong registration paper.
Gulat na napatingin sa akin si Babi at biglang napapalakpak.
“OMG! Pareho pala tayo! Tara, sabay na tayo!” masayang aya niya sa akin.
Wala na akong nagawa nang kabigin niya ang braso ko at hilahin ako papasok sa napakalaking building ng university. Emergency situational friendship muna 'to habang zero balance ang buhay ko. Tutal pareho naman kaming walang kaibigan, hindi na rin masama.
Pagpasok namin sa malaking lecture hall, mabilis kaming pumuwesto sa may likuran. Gutom at puyat ako sa haba ng biyahe at sa sobrang stress sa pamilya ko, kaya ayokong maupo sa harap para lang maging target ng recitation.
“Sabi nila, terror daw 'yung prof natin dito,” bulong sa akin ni Babi habang inilalabas ang notebook niya. “Bago lang daw siya rito sa university, pero sobrang talino at... balita ko, sobrang gwapo rin daw.”
“Ahh…” I don’t care if he’s a genius or a supermodel, Babi. Gutom ako at kailangan kong mabuhay. I don't have time for eye candies… iritable kong gusto sabihin sa kaniya. Mas marami pa akong importanteng bagay na dapat isipin kaysa sa hitsura ng prof.
Natawa lang nang mahina si Babi bago huminto nang biglang tumahimik ang buong silid. Naputol din ang pag-ikot ng mata ko dahil sa biglaang katahimikan ng halos limampung estudyante sa loob ng kwarto.
Bumukas ang pinto sa harapan.
Bumagsak ang mabibigat na hakbang ng isang lalaking nakasuot ng napakalinis na dark navy suit. Matangkad, malapad ang balikat, at may hawak na leather briefcase. May suot siyang eyeglasses na lalong nagpapatitig sa kaniyang matatalim at seryosong mga mata. Direct, imposing, and dangerously attractive.
Narinig ko ang halos sabay-sabay na paghinga nang malalim ng mga female classmates ko sa paligid. May ilan pa ngang napasinghap sa gulat.
Pero ako? Napatingin lang ako sa mukha niya... at halos maubo ako sa sarili kong laway nang mag-angat siya ng tingin at dahan-dahang inayos ang kaniyang salamin.
No way.
'Yung boses sa utak ko, biglang napahinto. 'Yung puso ko, parang gustong lumabas sa dibdib ko sa sobrang gulat.
'Yung lalaking ipinag-blind date sa akin ni Mommy tatlong taon na ang nakararaan sa Germany... 'yung tinawag kong apat ang mata at payatot... ngayon ay nakatayo sa harap ko, looking like a total hunk. Wala na 'yung payat na pangangatawan, papalitan iyon ng malalapad na balikat at tindig ng isang taong batak sa gym.
Inilagay niya ang briefcase sa mesa, inayos ang salamin, at dahan-dahang inikot ang malamig niyang tingin sa buong klase, hanggang sa huminto iyon sa akin. Direct and unblinking.
Isang mabilis at nakakalokong smirk ang lumabas sa mga labi niya na nagpatayo ng balahibo ko sa leeg.
“Good morning, class. I am Professor Levi Raphael Hoffman.”