KAYA naman, bago pa tuluyang makawala ang mga salita sa lalamunan ko, nilunok ko ang lahat ng iyon kasabay ng pait ng kape. Pinilit kong ngumiti—isang ngiting mukhang natural ngunit may halong matinding pag-iingat—at ibinalik ang tasa sa platito nito nang walang tunog. "Wala kang dapat ipag-alala, Babi," sagot ko, ang boses ko ay pinilit kong gawing matatag, pormal, at may halong pagka-insulto sa ideya. "Sadyang nakakapagod lang ang academic pressure sa unibersidad ngayon. Alam mo naman kung gaanokataas ang standards doon. Lahat ng galaw ko ay binabantayan niya bilang bahagi ng kasunduan, kaya kailangan kong maging perpekto. Iyon lang iyon. Walang ibang drama tulad ng iniisip mo." Tiningnan ako nang matagal ni Babi. Parang sinusuri ng mga mata nito ang bawat hibla ng mukha ko, hinahanap

