C25 TSW JEZZ POV "Are you okay?" Tumingin ako sa kanya at naiiling, dahil masama talaga ang pakiramdam ko sa aking katawan. Gustong-gusto ko ulit kumain ng niluluto niya kahit naubos ko na ito. "How do you feel?" "Nagugutom ako Caleb," sagot ko naman sa kanya habang nakahiga na ako sa aming kama. Ang mga anak naman namin ay dinala ni Mommy at Daddy sa mansion nila. "What? Are you kidding? Inubos mo nga lahat ng niluto ko kanina," napanguso naman ako dahil sa sagot niya sa akin. Eh, anong magagawa ko kung gusto ko pang kumain ulit no'n. "Umalis ka na nga. Bakit ba nandito ka pa? Bakit hindi ka pa pumasok sa office mo?" pansin ko naman ang gulat sa kanyang mukha dahil sa sinabi ko sa kanya. Hindi ko kasi maintindihan ang sarili ko naiinis ako sa kanya, dahil ayaw niya akong pakaini

