C26 TSW JEZZ POV “Best, grabe ang cute talaga nila,” wika ni Charlotte habang kalong niya si Cain at nasa akin naman si Cairo. Samantalang busy naman si Caleb at Isaiah sa paghahanda ng mga pagkain, sila na rin kasi ang nagluto, dahil ayaw din ni Charlotte kumain kapag hindi si Isaiah ang nagluluto sa kanya. “Naman, saan pa ba magman ‘di sa akin,” ngiting wika ko naman sa kanya. Sumimangot naman siya dahil sa sinabi ko. “Sira, kamukhang-kamukha nga sila ni Caleb,” inirapan ko naman siya dahil sa kanyang sinabi at humalkhak lang ito. Na miss ko siya, ang laki ng ipinagbabago niya. hindi na rin siya nagsusuot ng salamin. “Iwan ko nga ba eh, bakit sila nagmana sa ama nila,” maktol ko namang wika sa kanya. “Excited na rin akong makita ang anak ko best,” ngumiti naman ako sa kanya dahil s

