C27 TSW JEZZ POV Kumunot ang aking noo ng magising akong wala si Caleb at ang mga bata sa loob ng room namin, nakatulog kasi ako at mukhang napahaba ang aking pagtulog dahil madilim na sa labas. “Caleb!” tawag ko sa kanya habang tumayo na ako. simula kasi ng mabuntis ako ay rito na siya sa bahay nag office sila ni Daddy. “Caleb!” sambit ko ulit pero wala pa ring sumagot. Pansin ko rin na tahimik ang bahay, pero nagtaka akong napatingin sa mga petals ng mga bulaklak na nagkalat sa sahig. “Caleb! nasa’n ka ba?!” tawag ko ulit sa kanya, habang kinakabahan ako. bumaba ako sa hagdan at ganun pa rin hanggang sa baba marami pa ring nagkalat na mga bulaklak pati na rin candle. Unti-inti namang pumatak ang aking mga luha habang nakatingin sa mga ito, dahil sa TV ko lang nakikita ang ganito. N

