Chapter 12

2238 Words
TSW C12 "C-Caleb, pwede ba akong pumunta ng mall?" ani ko habang nakatayo sa kanyang harapan. Nasa laptop niya pa rin ang kanyang atensyon. "Why you want to go there?" kunot-noo niyang tanong sa akin. "A-ano k-kasi may bibilhin lang sana ako," hindi ko naman mapigilang laruin ang aking mga daliri habang nakayuko. Sana payagan niya ako para makatakas ako sa kanya. Baka malaman niya kasi na buntis ako at ipalaglag niya ang anak ko. Ayaw kong mangyari 'yon. "what will you buy there?" "H-ha? A-ano b-books," utal ko namang sagot sa kanya. "Are you hiding something?" mabilis naman akong umiling sa kanya. "You know what I do to you if I found out that you hiding something from me." madiin niyang wika, kaya hindi ko mapigilang kabahan. "W-wala naman akong t-tinatago sa'yo C-Caleb, a-alam ko naman na magagalit ka k-kapag nagsisinungaling ako sa'yo." hindi ko naman mapigilang mapakagat sa aking labi dahil sa sinabi ko sa kanya. "What kind of books do you want to see?" Nag-angat naman ako ng tingin sa kanya dahil sa kanyang sinabi. "Uhm para sa business." gusto ko namang batukan ang sarili ko dahil sa sagot ko sa kanya, dahil baka magtaka siya kung bakit ako binili ng ganong libro. "I have many that on my library. You can see there." gusto ko namang maiyak dahil sa kanyang sagot. Paano ako makakatakas kong hindi niya ako papuntahin ng mall. Ang sabi sa akin ni Katya ay kailangan ko raw mag disguise para makatakas sa kanya. Sinabi ko na kasi may Katya na si Caleb ang ama ng dinadala ko ng sabihin niya sa akin na tutulongan niya ako. “M-may iba pa sana akong bibilhin doon C-Caleb,” ani ko naman sa kanya. Bigla namang dumilim ang kanyang mukha at gumalaw ang kanyang panga. Bahagya naman akong umatras ng makita siyang papalapit sa akin. baka kasi saktan niya ako at madamay ang baby ko sa loob ng aking tiyan. Ayaw kong may mangyaring masama sa kanya, kaya gagawin ko ang lahat ma-protektahan ko lang ang pinagbubuntis ko. “C-Caleb, ‘wag mo naman akong s-saktan, masama pa ang pakiramdam ko please Caleb,” pagmamakaawa ko naman sa kanya, totoo rin naman na masama ang pakiramdam ko at hindi pa naghilom ang mga pasa ko sa aking katawan, mabuti na lang at walang masamang nangyari sa baby ko noong sinasaktan niya ako. Napadaing naman ako ng hinawakan niya ng mahigpit ang aking kaliwang braso kaya ang isa kong kamay ay hinarang ko sa aking tiyan. Napatingin naman siya rito kaya tinanggal ko agad ang aking kamay. “C-Caleb, nasasaktan ako,” iyak kong wika sa kanya. “Then?” “S-sorry na, h-hindi na ako pupunta ng mall,” hindi ko naman mapigilang mapahikbi sa takot sa kanya, hindi para sa akin, kun’di para sa baby na nasa aking sinapupunan. “Alam mo ba’ng naiinis pa rin ako sa pagkagat mo sa akin.” galit niya namang wika habang hindi pa rin binibitawan ang aking braso. “H-hindi ko ‘yon sin-.” “Damn that!” sigaw niya kaya napapitlag ako. “G-gamotin ko na lang,” iyak ko namang sabi sa kanya akala ko hindi siya galit sa ginawa kong pagkagat sa kanya. “Tsk. massage me.” madiin niyang utos habang bumalik sa mesa at naupo sa kanyang swelchair. Mabilis naman akong sumunod sa kanya at pumunta sa kanyang likuran, para masahiin siya. baka magalit na naman ito at saktan niya ako. “Hindi kaba kumain?” “H-ha?” sambit ko naman sa kanya, dahil sa kanyang tanong. “Tsk. gusto mo ba’ng putulin ko ang tainga mo para tuluyan ka nang mabingi?” nilakasan ko naman ang pagpisil sa kanyang balikat dahil sa kanyang sinabi. “K-kumain na ako,” kabadong sagot ko sa kanya. “Bakit wala kang lakas?” “S-sorry, lalakasan ko na,” ani ko, habang pinunasan ang aking luha. Hindi ko naman mapigilang magulat ng bigla niya akong hilahin, kaya napakandong ako sa kanya. “I already told you Jezz, I don’t like if you asking me to go outside.” Napatingin naman ako sa kanya dahil sa kanyang sinabi. Dahil dati hindi naman siya nangingi-alam kung saan ako pupunta basta maaga lang akong makauwi at malutuan siya. Tumango naman ako sa kanya habang hinahaplos niya ang aking buhok. Nababaliw na yata siya dahil kanina lang ay galit na galit siya sa akin. “Babe.” agad akong tumayo ng marinig ko si Grace. Kumunot naman ang noo ni Caleb ng tiningnan niya ako. “What are you doing here?” tanong niya kay Grace sa galit na boses. “Babe, you forget may usapan kayo ni Dad at Mom,” wika ni Grace habang papalapit siya kay Caleb at humalik dito. Hindi ko naman mapigilang masaktan habang nakikita sila, kaya nagpasya na lang akong lumabas. “Jezz, ano na? pumayag na ba si Sir na aalis ka?” tanong ni Katya sa akin ng makalapit ako sa kanya. “Hindi niya ako pinayagan Kat, ayaw ko nang umuwi sa bahay niya, baka saktam na naman niya ako.” iyak ko namang wika sa kanya. “Paano ka makatakas niyan?” problemado niya namang tanong sa akin. “Ewan ko Kat, kanina sinaktan niya ako nong nagpaalam ako na pupunta ng mall.” ani ko habang hinawakan ang aking braso na namumula dahil sa paghawak ni Caleb nito kanina. “A-ano? Sinaktan ka na naman ni Sir?” Tumango naman ako sa kanya, habang nag-umpisa na namang maglandas ang aking mga luha. “Jezz. Bakit mo ba hinahayaang saktan ka ni Sir? Bakit hindi ka lumaban, lalo na ngayong may bata sa tiyan mo.” mabilis ko namang tinakpan ang kanyang bibig dahil baka may makakarinig sa kanya. Bigla naman kaming nagulat ng bumukas ang pintun ng office ni Caleb kaya agad kaming umayos ni Kat sa pagkakaupo. “Cancel all my meeting I have important to do.” maawtoridad niyang utos sa amin. “Yes Sir.” sagot naman sa kanya ni Katya. Hindi na ako tumingin sa kanya dahil masasaktan lang ako kapag titingnan ko pa sila ni Grace. Alam kong masama siya sa akin, pero hindi ko mapigilan ang sarili ko na makaramdam ng selos. At siguro mahal ko na siya, mahal ko na ang asawa ko na walang ibang ginawa kun’di ang saktan ako at ituring na kanyang katulong. “Jezz, okay ka lang?” Tumango naman ako kay Katya habang nanatiling nakayuko at pinunasan ang aking mga luha. “Mahal mo ba siya?” gusto kong umiling sa tanong niya, pero sa huli ay tumango pa rin ako. “Jezz, ito na ang pagkakataon mo para takasan si Sir.” Nag-angat naman ako ng tingin dahil sa sinabi sa akin ni Katya. Tama siya pwede akong tumakas ngayon dahil wala siya. pero paano ko naman malusotan ang mga guard sa baba. “Kat, baka mahuli ako, alam mo naman na maraming guard sa baba, baka sinabihan sila ni Caleb na bantayan ako.” “May naisip ako, halika ka.” agad naman akong tumayo at sumunod sa kanya. Para sa anak ko ay kailangan kong gawin ‘to dahil baka malaman pa ni Caleb ang tungkol sa pagbubuntis ko. “A-anong gagawin natin dito?” tanong ko kay Katya ng pumasok kaming dalawa sa banyo. Kinuha niya naman ang isang paper bag sa gilid at inabot ito sa akin. “Suotin mo ‘to Jezz, kailangang hindi ka nila makilala para hindi ka mahuli ni Sir Caleb.” unti-unti namang pumatak ang aking mga luha dahil sa sinabi ni Katya, hindi ko akalain na tutulongan niya ako. “Katya salamat ha, ‘wag kang mag-alala makakabayad din ako sa kabaitan mo sa akin,” iyak ko namang wika sa kanya. “Ano ka ba naman Jezz, para na kitang kapatid kaya sige na, bilisan mo na at baka babalik pa rito si Sir.” Tumango ako sa kanya at kinuha ang binigay niyang paper bag. Mabilis ko namang isinuot ang mahabang palda at isang t’shirt na binigay sa akin ni Kat. Isinuot ko rin ang isang malaking salamin na kasama nito. Nang tiningnan ko na ang sarili ko sa salamin ay hindi ko mapigilang mapangiwi dahil sa hitsura ko. naalala ko tuloy si Charlotte dahil ganito rin ang suot niyang salamin. Paglabas ko sa banyo ay agad namang napangiti sa akin si Katya habang tiningnan ako mula ulo hanggang paa. “Oh Mee gee! Jezz hindi kita nakilala ha,” tuwang wika niya sa akin. “Salamat Kat,” sambit ko at agad siyang niyakap. “Mamaya mo na ako pasalamatan kung tuloyan ka nang makalayo kay Sir Jezz.” Tumango naman ako habang kumalas sa pagyakap ko sa kanya. “Basta ‘wag mo’ng gamitin ang phone mo ha. Pati ang mga ATM mo kasi baka makita ka ni Sir.” “Oo Kat, s-salamat.” “Sige na, basta ‘yong address na binigay ko sa’yo roon ka pumunta alam kong safe ka roon.” aniya. “Oo Kat, salamat ulit.” Mabilis kong tinungo ang elevator at agad pumasok dito. Nakayuko rin ako para hindi makilala ng ibang employe. Nang makarating ako sa ground floor ay doble ang kaba na aking nararamdaman dahil sa mga nakikita kong guard sa pintuan ng building. “God, sana hindi ako mahuli nila. Tulungan mo po ako,” bulong ko sa sarili habang malapit na ako sa kinatatayuan ng security guard. Niyuko ko pa ang aking ulo para hindi niya makita ang aking mukha. Pero napahinto ako ng bigla na lamang niya akong taningin. “Good afternoon Ma’am. Bago pa po ba kayo rito?” umiling naman ako sa kanya at unti-unti inangat ang aking mukha. “Uhm, h-hindi po kuya pinuntahan ko lang po ang kapatid ko na nagtatrabaho rito.” pagsisinungaling ko naman sa kanya. “Ah, ganun po ba Ma’am, sige po.” Tumango naman ako sa kanya at nag-umpisa na ulit maglakad. Pagdating ko labas ay napahawak na ako sa aking dibdib dahil sa lakas ng kabog nito. Dali-dali naman akong pumara ng taxi at nagpahatid sa mall. Pagdating ko sa mall ay pumunta ako sa isang department store. Naghanap ako ng damit panglalaki at agad itong isinuot. Tinapon ko rin sa basuran ang aking damit na suot kanina. Bumili rin ako ng sombrero para itago ang mahaba kong buhok. Nang matapos na akong magbihis ay agad na akong lumabas at nagtungo sa buss terminal. Gusto ko sanang pumunta sa address na binigay ni Kat, pero bigla akong natakot dahil baka malaman ni Caleb na siya ang tumulong sa akin at matunton ang lugar na pupuntahan ko. Nakita ko naman ang isang buss na may nakalagay sa harap na Leyte, kaya agad akong kumuha ng ticket at sumakay rito. Hindi ko alam kong saan ang Leyte pero bahala na. alam kong malayo iyon dito at sana hindi ako matunton ni Caleb. pero paano na kaya ang mga magulang at kapatid ko, sana hindi sila saktan ni Caleb. hindi ko kayang isakripisyo ang anak ko. mahal ko ang baby ko at alam kong ako lang ang magmamahal sa kanya dahil ayaw sa kanya ni Caleb. alam kong magagalit siya kapag malaman niya na buntis ako. Kaya ko namang tiisin ang pananakit niya sa akin, pero hindi ko kayang pati ang anak ko saktan niya. ayaw kong mawala ang anak ko. “Sir. May katabi ka po ba rito?” agad ko namang pinunasan ang aking mga luha ng marinig ang isang babae. “Uhm w-wala.” sambit ko habang mas binaba pa ang aking suot na sombrero para hindi niya makita ang aking mukha. Napagkamalan rin niya akong lalaki dahil siguro sa suot ko. “Uhm… malayo ba ang Leyte?” mahinang tanong ko sa katabi kung babae. Kung titingnan siya para’ng magkasing edad lang kami. “Oo mga isang araw ang byahe natin papunta roon.” sagot niya habang tumitig sa akin. “Akala ko kanina lalaki ka, tomboy ka pala.” ngiting wika niya sa akin, kaya ngumiti rin ako sa kanya. “Ako nga pala si Christina,” aniya sabay abot ng kanyang kamay sa akin. “J-Jezzel,” mahinang sambit ko. gusto ko mang palitan ang pangalan ko pero naisip ko naman na hindi na ako makilala ni Caleb dahil sa ayos ko. alam kong maraming tauhan si Caleb kaya kailangan kong mag-ingat para hindi niya ako makikita. Alam ko ring lagot ako oras namahuli niya ako. baka tuloyan na niya akong patayin. ‘wag naman sana niya akong makita. “Okay ka lang ba?” napabalik ako sa aking ulirat dahil sa kanyang tanong at tumango naman ako sa kanya. “Wala ka ba’ng dalang baon? Alam mo mahal ang mga pagkain sa karinderya na hihintuan natin.” aniya. Kaya napatingin ako sa kanya. “H-ha, wala akong baon,” ani ko. “Ganun ba, hayaan mo hati na lang tayo sa baon ko.” “N-nakakahiya naman sa’yo.” “Huwag ka na mahiya Jezz okay lang ‘yon. Oo nga pala saan pala ang inyo sa Leyte?” Nag-iwas naman ako ng tingin sa kanya dahil sa kanyang tanong. “H-ha, uhm… ang totoo ngayon pala’ng ako pupunta roon,” ani ko, habang nilalaro ang aking kamay. “Ha? Ibig mong sabihin. Wala kang kamag-anak doon?” gulat niya namang tanong sa akin kaya agad akong umiling sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD