C13 TSW
"Bakit ka pupunta roon kung wala ka palang kamag-anak?" gulat niya naman tanong sa akin.
"K-kasi naglayas ako sa amin," sagot ko sa kanya habang yumuko ako.
"bakit ka naglayas?" tanong niya sa akin.
"Buntis kasi ako at takot akong malaman ito ng mga magulang ko, dahil alam kung magagalit sila sa akin." pagsisinungaling ko naman sa kanya. Ayaw ko kasi sabihin sa kanya ang tungkol kaya Caleb. Mahirap na baka magsumbong pa siya.
"Nasaan ba ang ama ng dinadala mo?" aniya.
"W-wala na k-kasi hindi niya alam." ani ko.
"Akala ko pa naman tomboy ko," ngiti niyang wika sa akin kaya ngumiti rin ako sa kanya.
"Gusto mo sa amin ka na lang tumira?" bigla namang namilog ang aking mga mata dahil sa kanyang sinabi.
"T-talaga? P-pwede ba 'yon?" tuwang tanong ko sa kanya.
"Oo naman ano ka ba, kami lang naman ng Nanay ko ang nasa bahay." niyakap ko naman siya dahil sa tuwa na aking nararamdaman, dahil may matutuluyan na kami ng baby ko.
"Salamat talaga Christina ha, salamat at nakilala kita," hindi ko naman mapigilang maiyak habang kumalas na ako ng pagkakayakap ko sa kanya. Sobrang nagpapasalamat ako sa Panginoon dahil hindi niya kami pinabayaan ng baby ko.
"Walang ano man Jezz," ngiting wika niya sa akin.
Napatingin naman ako sa labas ng bintana ng umandar na ang buss. Hindi ko rin mapigilang napaiyak dahil hindi ko mapigilang mag-alala sa mga magulang ko lalo na sa kapatid ko. Pero hindi ko pwede isakripisyo ang buhay ng magiging anak ko. Ayaw kong mawala siya.
"Ok ka lang Jezz?" tanong sa akin ni Christina at tumango naman ako sa kanya.
***
KINABUKASAN ay nagising ako ng mapansin na huminto na ang buss kinusot ko ang aking mga Mata at tiningnan ang labas. Natanaw ko naman ang ibang mga buss na nakahinto.
"Jezz oh, mabuti at gising ka na. Binilhan na lang kita ng noodles at gatas. Halika na kainin mo na 'to." inabot ko naman ang binigay sa akin ni Christina. Ang bait niya talaga sa akin.
"Salamat Christ ha, na-abala ka pa,"
"Okay lang 'yon ano ka ba," ngiting sagot niya sa akin.
Matapos kaming kumain ay nag-umpisa na ulit tumakbo ang buss. Hindi ko rin mapigilang mapagod dahil sa tagal ng byahe.
Lumipas pa ang ilang oras at napansin ko naman sa labas na gabi na, kaya napabuntong hininga na lang ako dahil sa tagal ng aming byahe. Kampanti na rin ako na hindi na ako makikita pa ni Caleb dahil sa layo ng lugar na pinuntahan ko.
Napatingin naman ako sa labas ng mapansin na huminto ulit ang buss, kaya tumingin ako sa bintana.
"Jezz, halika na," Napalingon naman ako kay Christina dahil sa kanyang sinabi.
"Nandito na ba tayo?" tanong ko sa kanya habang nililibot pa rin ng aking paningin ang labas.
"Oo halika na, wala kabang ibang gamit?" aniya habang nakatingin sa aking likod. Umiling naman ako sa kanya dahil tanging maliit na bag lamang ang dala ko.
Nang makababa kami ng buss ay sumakay agad kami ng tricycle. Hinahawakan ko rin ang aking tiyan, dahil baka mapa'no ang baby ko. Ngayon lang din kasi ako nakasakay nito.
"Halika na Jezz," yaya ni Christina ng huminto ang tricycle na sinakyan namin sa isang gate na gawa sa kawayan.
"Salamat po Manong," wika ni Christina ng. Makababa na kami.
"Nay!" sigaw niya habang pumasok kami sa gate na kawayan. Natanaw ko naman ang isang bahay na 'di kalakihan at gawa rin ito sa kawayan.
"Tina! Anak ikaw ba 'yan?!" Napatingin naman ako sa Ginang na nasa pintuan tingin ko nasa edad singkwenta na ito.
"Opo Nay," tuwang sabi ni Christ ng makalapit na kami sa Ginang.
Niyakap naman niya agad si Christ ng makalapit ito sa kanya.
"Mabuti naman anak at umuwi ka na, hindi ka na ba babalik sa Maynila?" tanong niya at bigla naman siyang napatingin sa akin kaya yumuko ako dahil nahihiya ako sa kanya.
"Hindi na po muna Nay, oo nga pala Nay, si Jezz po kaibigan ko. Dinala ko po siya rito dahil naglayas po siya at buntis po siya." napa-angat naman ako ng tingin at tiningnan ang Nanay ni Christ.
"Ano? Bakit mo naman 'yon ginawa anak?" tanong niya sa nag-alala na boses. Kaya yumuko ulit ako.
"Anak bakit ka naman naglayas?" tanong niya sa akin.
"Oh siya, sige mamaya na lang muna kita tatanungin. Pumasok muna kayo, alam kung pagod kayo sa byahe." aniya at pinapasok kami sa loob.
"Umupo ka mo na anak, Jezz. Maghahanda lang ako ng pagkain." aniya.
Umupo naman ako sa kanilang upuan na kawayan.
Nilibot ko naman ang aking paningin sa loob ng kanilang bahay. Isang simpleng bahay lamang ito at puro kawayan. Kawayan din ang kanilang sahig pati ang kanilang lamesa.
"Pagpasensyahan mo na ang bahay namin Jezz ha," Napatingin naman ako Kay Christ at ngumiti sa kanya.
"Okay lang, ano ka ba, nakakahiya nga sa inyo ng Mama mo," ani ko sa kanya.
"Ano ka ba, 'wag kang mahiya sa amin. Kami lang din naman ang nandito sa bahay, mabuti nga at nandito ka para may makakasama na rin kami," ngiting wika niya sa akin.
"Oh, kumain na mo na kayo, mga anak," Napatingin naman ako sa kanyang ina, dahil sa tawag niya sa akin.
"Jezz, kumain ka na, masama sa buntis ang magutom," ngiting wika niya sa akin habang nilapag sa mesa ang kanin at ulam na hawak niya.
"O-opo salamat po,"
"Nanay Risa na ang itawag mo sa akin anak," napahinto naman ako sa pagsandok ng kanin dahil sa sinabi niya.
"P-po," sambit ko sa kanya.
"Ituring mo na rin akong ina Jezz, dahil simula ngayon anak na rin ang turing ko sa'yo," bigla naman akong napaluha dahil sa kanyang sinabi.
"Oh, 'wag kang umiyak makakasama 'yan sa apo ko at 'Yang damit mo. Palitan mo 'yan. Bakit ka ba nagsuot ng damit ng isang lalaki?" mahabang wika niya sa akin kaya hindi ko naman mapigilang mapangiti.
"Salamat po Nay," Tumayo ako at niyakap ni Nanay Risa, tumayo rin si Christ at yumakap din siya sa amin. Hindi ko mapigilang matuwa dahil nakahanap ako ng pangalawang pamilya na totoong magmamahal sa amin ng aking anak.
CALEB POV
"Where is Jezz?" I ask our maid when I arrive our home. Hindi ko na kasi siya binalikan sa office nang sumama ako Kay Grace. Kailangan ko kasing makausap ang Daddy niya para sa business na gawin namin.
"Wala pa po si Ma'am Sir," kumunot ang aking noo dahil sa kanyang sagot sa akin.
"What do you mean wala?!" sigaw ko sa kanya at napansin ko naman ang kanyang pagkagulat sa aking ginawa.
"S-Sir, hindi pa po umuwi si Ma'am," aniya. Bigla ko namang hinampas ang mesa dahil sa kanyang sinabi. Dali-dali ko ring kinuha ang aking phone para tawagan ang mga tauhan ko sa office. Damn her, 'wag siyang magkakamali na takasan ako. Pagsisihan niya talaga ang ginawa niyang ito. Gusto na naman siguro niyang makatikim ng sakit ng katawan.
"Where's Jezz?" tanong ko agad sa tauhan ko ng sagutin niya ang aking tawag.
"Sir, umalis na po kanina pa," sagot niya sa akin. Agad ko namang pinatay ang kabilang linya at tinawagan ang kanyang ama.
"Damn you Jezz… ginagalit mo talaga ako." galit kong bulong sa sarili.
"Where is your damn daughter?!" inis kong sigaw sa kanyang ama ng sagutin niya ang tawag.
"I-Iho s-she's not here, why are you looking at her?" sagot niya sa akin. Lalo namang nagdilim ang aking paningin dahil sa kanyang sinabi.
"She's not here and my men told me that she is already leaving the office." galit kong sagot sa kanya.
"Iho, maybe she's going to the mall." napabuntong hininga naman ako at pinatay ang tawag ng Daddy ni Jezz. Tinawagan ko rin ang mga tauhan ko para hanapin siya.
Sh!t baka tinakasan na talaga ako ng babaeng 'yon lagot talaga siya sa akin kapag nahuli ko siya. Ang sabi niya susundin na niya ako pero tinakasan na naman ako. Damn that woman.
Nakita ko naman ang CCTV footage na pinasa sa akin galing sa security ng aking office, kaya agad ko na itong binuksan. Napahampas ako sa aking table sa loob ng aking room ng makita ang ginawa ng secretary ko. Sh!t siya pala ang tumulong sa asawa ko para makatakas siya. Malalagot siya sa akin.
Kinuha ko ulit ang aking phone para tawagan ang pinsan kong si Nico I need him now para puntahan namin ang walang hiya kong secretary. Pagbabayaran niya ang ginawa niyang pagtulong kay Jezz.
"Damn! Bro, why are you calling ahh… Sh!t!" napailing naman ako habang nakikinig sa kanya sa kabilang linya. Tsk. Sino na naman kaya ang naloko niya.
"I need you now. Come to my house." madiin kong utos sa kanya.
"Fu*k bro, ohh sh!t y-you know that I'm busy now." sagot niya sa akin sa kabilang linya.
"If you're not going here I tell Tita what you did now." asik ko naman sa kanya. Alam kong ayaw niyang malaman ng Mommy niya kung nasaan siya at lalong ayaw niyang malaman ni Tita na may ka s*x na naman siyang babae, dahil may gusto na si Tita na ipakasal sa kanya katulad ko. Pero ok lang kung si Daddy at Mommy ang pumili kaya Jezz wala naman akong tutol doon lalo na at siya ang napili nila, dahil napaghihigantihan ko na siya sa ginawa niya sa akin dati. Kaya hindi ako makakapayag na makawala siya sa akin. Hindi pa sapat ang ginawa ko sa kanya at gusto ko akin lang siya walang pwede'ng umangkin sa kanya.
"Fine! I go there." singhal naman ni Nico sa akin sa kabilang linya. Kaya agad akong napangiti sa sinabi niya.
***
"What do you need me bro?" kunot-noo niyang tanong sa akin ng makarating siya sa mansion ko.
"Fine this girl and bring her to me." utos ko sa kanya sabay abot ng picture ng secretary ko.
"Why do you need her? She's your secretary right? And your beautiful wife, where is she?" gumalaw naman ang aking panga dahil sa kanyang tanong sa akin.
"She escape." ani ko habang napahilot sa aking ulo dahil hanggang ngayon hindi pa rin nahahanap ng mga tauhan ko si Jezz.
"What? Whooa! Really bro? How?" natatawa pa niyang tanong sa akin.
"Ask that woman." kunot-noo ko namang tanong sa kanya.
"Okay, so how much is this service?" dumilim naman lalo ang mukha ko sa tanong niya sa akin.
"Okay, okay easy bro I will bring this woman to you," aniya habang itinaas ang kanyang dalawang kamay sa akin.
"I need her as soon us possible." sigaw ko naman kay Nico dahil papalabas na ito sa pinto. Kumaway naman siya sa akin habang lumabas.
"Damn Jezz where are you?" bulong ko naman sa kanyang picture na nakalagay sa gallery ng phone ko. Kuha ko ito noong college pa lang kami.
Don't hide me Jezzel. Sa galit ko sa ginawa niya ay hinagis ko ang baso na may lamang alak at naglikha ito ng ingay sa loob ng aking room.
I know I will find you Jezz.
Napatingin naman ako sa aking phone ng tumunog ito kaya kinuha ko ito at sinagot.
"Bro, we're here in my condo unit, and she's already with me. But she is so stubborn bro. She said she doesn't know where your wife is." napakuyom naman ako sa aking kamao dahil sa sinabi ni Nico. Tsk tingnan lang natin ang tapang niya.
"I'm coming there." wika ko at pinatay na ang kanyang tawag.
Agad akong lumabas ng room at tinawag ang driver ko. Ayaw ko ring mag drive dahil nakainom ako at hindi ako makapag-focus.
"Where is she?" bungad ko agad kay Nico ng mabuksan niya ang pinto ng kanyang unit.
Napatingin naman ako kay Katya ng tinuro siya sa akin ni Nico. Kaya agad ko siyang nilapitan at hinila ang kanyang braso.
"Where's is Jezz?!" sigaw ko sa kanya habang umiiyak ito.
"S-sir, h-hindi ko po...alam kung nasa- ahh!" napasigaw siya ng sikmurahan ko siya.
"Tell me where is Jezz if you don't want to die!" sigaw ko ulit habang sinuntok ko ulit siya. Napadaing naman siya habang hinahawan niya ang kanyang tiyan.
"T-tama na po S-sir C-Caleb parang awa mo na po!" pagmamakaawa niya sa akin. Tatadyakan ko na sana siya pero pinigilan ako ni Nico.
"Enough bro, baka mapatay mo 'yan."
"That's better." galit kong sagot sa kanya.
"Don't worry bro, ako nang bahala sa babaeng 'to." aniya.
"Make sure na mapaamin mo 'yan." wika ko sabay talikod sa kanila.
Damn that woman ayaw niya talagang magsalita.