TSW C14
CALEB POV
“That’s bullshit! find her or else I kill you all!” sigaw ko sa aking tauhan. Hindi ko mapigilang magalit sa kanila dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin nila nakita ang asawa ko.
“I-Iho baka nasa mga kaibigan niya lang si Jezz,” iyak namang wika sa akin ng Mommy ni Jezz.
Magang-maga na rin ang kanyang mga mata dahil hindi lang si Jezz ang nawawala kundi pati rin ang kapatid nitong si Jell. Ang sabi ng Daddy niya naglayas daw ito dahil buntis. Baka magkasama silang dalawa pero imposible rin ‘yon, dahil walang balita si Jezz sa pamilya niya.
“Daniel, dahil sa ginawa mo nawawala ang mga anak ko.” galit namang wika ni Tita kay Tito, it’s better to call them like that, dahil ayaw ko silang tawaging Mommy at Daddy kahit kasal kami ng anak nila.
“Don’t blame me. because your children are stubborn.”
“Do you have no other relatives?” I ask them dahil baka nandoon si Jezz.
“No Iho, my relatives is not here.” sagot naman sa akin ni Tito. Hindi ko naman maiwasang napa-buntong hininga dahil sa ginawa ni Jezz. Naghahanap talaga ang babaeng ‘yon ng sakit at kapag nakita ko siya ay talagang ikukulong ko na siya at hindi na palalabasin pa.
Nagpasya akong umuwi muna para makapag-isip. Hindi ko naman mapigilang amoyin ang mga damit niya. I already miss her. Damn dapat hindi ko siya pinalabas. Siguro kung hindi ko siya pinapasok ulit nandito pa siya. tsk, hindi mo ako matatakasan Jezz dahil akin ka lang at walang ibang nagmamay-ari sa’yo kundi ako lang.
Hindi ko naman mapigilang basagin ang mga gamit ko sa aking room dahil sa galit na aking nararamdaman.
FLASH BACK***
“Iho Caleb don’t hide there.” wika ni Mommy sa akin habang nagtatago ako sa kanyang likod. I am already eleven years old. I don’t like to go to the party like this. Pero pinipilit ako ni Mommy at Daddy.
“Son, come here.” tawag naman ni Daddy sa akin kaya lumapit na ako sa kanila.
Napatingin naman ako sa lalaking kausap ni Dad at lumapit naman sa kanila ang isang babae. Maybe she’s his wife.
“Son, this is Mr. Lee. One of our business partner.” pakilala ni Dad sa akin ng lalaking kaharap niya. inabot niya naman sa akin ang kanyang kamay kaya nakikipag kamay ako sa kanya.
“Mom, do you see Jell?” agad akong napatingin sa babaeng lumapit sa amin. Hindi ko mapigilang humanga sa kanya dahil sa napakaganda ng kanyang muka. Ang kanyang mga mata na singkit at ang namumula niyang labi ay kay sarap halikan.
“Just find her Jezz,” narinig ko namang sagot ng kanyang Mommy sa kanya. Bigla namang nag-salubong ang aming mga mata ng tumingin siya sa akin kaya ngumiti ako sa kanya. Pero laking gulat ko ng inirapan niya ako sabay alis sa amin.
Napailing naman akong napatingin sa kanya papalayo sa amin kaya sinundan ko siya.
“Hi!” bati ko sa kanya ng naabutan ko siya. pero nilingon niya lang ako at hindi pinansin.
“Hey! I said hi.” ani ko habang patuloy pa rin na sinusundan siya.
“Pwede ba ‘wag mo akong sundan.” galit niya namang wika sa akin.
“Hey I just wanna know your name.” sagot ko naman sa kanya.
“Hoy, pangit wala akong balak sabihin sa’yo ang pangalan ko. at pwede ba ‘wag mo akong sundan dahil naiinis ako sa itsura mo dahil ang pangit pangit mo.” wika niya habang tinutulak ako. damn all my life ngayon ko lang narinig na sinabihan akong pangit. May problema ba ang mga mata ng babaeng ‘to. hindi niya ba alam na halos lahat ng babae ay naghahabol at naghahangad na kausapin ko. samantalang ang babaeng ‘to ang kapal ng mukha niya.
“Ano? Natahimik ka no? kasi totoo ang sinabi ko, kaya kung ako sa’yo ‘wag mo na akong sundan pangit ka. Tsutsustu!” pang-asar pa niyang sabi at tinalikuran ako. mabilis naman akong naghahanap ng restroom at tiningnan ang aking sarili.
“Tsk. she’s crazy because i'm handsome, ahh! Damn that woman!” sa inis ko sa babaeng ‘yon ay sinuntok ko ang salamin sa harapan ko. napatingin din ako sa aking kamao na nagdurugo dahil sa ginawa ko. kasalanan ‘to ng babaeng ‘yon pagbabayaran niya ang ginawa niyang pagpapahiya sa akin.
“Dude, look andyan na naman ang girl na patay na patay sa’yo.” Napalingon ako sa sinabi ni Ryan kay Isaiah. Bigla namang kumunot ang aking noo ng makita ang kasama ni nerd na babae na malaki ang gusto sa kaibigan namin na si Isaiah. Dahil hindi ko makakalimutan ang kanyang mukha. Ang babaeng nagpahiya sa akin sa harap ng maraming tao at tumawag sa akin ng pangit.
“Tsk. don’t mind her.” sagot naman ni Isaiah kay Ryan.
“The girl behind her is pretty,” nag-angat ako ng tingin dahil sa sinabi ni Ryan. Damn pati pala siya nagagandahan dito.
“Do you know the name of that woman?” tanong ko naman sa kanya dahil gusto kong malaman ang pangalan ng babaeng ‘yon.
“Yeah, she’s Jezzel Lee,” sagot niya sa akin.
“Don’t tell me that you are interested on her?” wika naman ni Jaxon sa akin.
“No I’m not.” sagot ko sa kanya.
Napatitig naman ako sa babaeng kinaiinisan ko at bigla naman siyang tumingin sa amin. Nagsalubong din an gaming mga mata kaya nilabas ko ang aking dila at dinilaan ang aking labi habang nakatingin sa kanya. Pero ang magaling na babae ay umirap ulit sa akin.
Tsk, makakaganti rin ako sa’yo at pagsisihan mo ang ginawa mo. Dahil sa oras na ‘yon ay pahihirapan kita ng husto hanggang sa magmakaawa ka na patayin na lang kita.
“Let’s go Dude.” Tumango ako kay Elias dahil sa kanyang sinabi, hindi ko na rin pala namalayan na nauna ng naglalakad sa amin si Isaiah, Ryan at Jaxon.
“You seem to be thinking deeply,” wika ni Elias sa akin.
“Masyado kasing marami ang mga babae mo dude.” tawa namang wika sa akin ni Ryan.
“Gago,” sambit ko sa kanya.
“Dad. I don’t want to marry the woman you like.” galit ko namang wika kay Daddy dahil sa ayaw ko talagang magpakasal sa babaeng gusto nila at isa pa college pa lang ako. wala pa akong balak mag-asawa.
“Son you need to Marry Jezzel Lee, because her father sold her to us.” bigla naman akong napahinto dahil sa sinabi ni Daddy. Jazzel Lee? Is that the girl I hate the most?
“Is that the girl that your business partner’s daughter Dad?” tanong ko kay Daddy dahil sa pangalan na sinabi niya.
“Yeah son, her father sold her to us, and I need you to marry her.”
Tsk matutupad ko na rin ang paghihiganti ko sa babaeng ‘yon tingnan lang natin kung hindi siya magmamakaawa sa akin.
END OF FLASHBACK**
JEZZ POV
“Nay magpahinga po muna kayo,” sabi ko kay Nanay dahil kanina pa siya naglalaba. Paglalabada lang kasi ang hanap buhay namin sa probinsya. Hindi rin ako pwede makapag hanap ng trabaho sa bayan dahil malaki na ang tiyan ko at malapit na rin akong manganak.
Si Christ ay pumasok bilang isang tindera sa bayan kaya kami lang ni Nanay ang naiiwan dito.
“Tapusin ko lang ito anak, kasi kukunin ito mamaya ng kumara ko, dahil kailangan na itong suotin ng amo niya,” sagot ni Nanay sa akin.
“Tulungan ko na lang po muna kayo Nay,” lumapit ako kay Nanay para tulungan sana siya sa pagkukusot.
“Naku anak, hindi na. alam mo naman na bawal sa’yo ang mapagod sabi ng doctor. Lalo na ngayon at kabuwanan mo na.” tama naman si Nanay sa laki rin ng tiyan ko ay hindi ko na rin kaya ang yumuko. Kaya hindi ko mapigilang maawa kay Nanay.
“Pasensya na po kayo Nay ha, wala man lang akong naitulong sa inyo at nagiging pabigat pa ako,” hindi ko namang mapigilang mapaiyak sa harapan ni Nanay.
“Anak, diba sabi ko sa’yo ‘wag mo nang isipin ‘yon. Isa pa anak kita pamilya tayo kaya tayo rin ang magtutulungan,” Pinunasan ni Nanay ang aking mga luha sa kanyang hawak na damit. Ang swerte ko talaga at sila ang pamilyang nakakupkop sa akin.
KINABUKASAN ay isinama ako ni Nanay sa bahay ng amo ng kumara niya dahil ihahatid na niya ang mga tuyo na damit na pinalabhan nito kay Nanay.
“Okay lang ba ang pakiramdam mo anak, kaya mo pa ba maglakad?” tanong ni Nanay sa akin sa nag-alala na boses.
“Okay lang po Nay, kaya ko pa po maglakad at malapit lang naman po ang puntahan natin,” ngiti kong sagot kay Nanay.
“Oh siya, halika na, maganda rin sa’yo ang maglakad anak, para madali ka lang manganak,”
“Oo nga po Nay, ‘yan nga po ang sabi sa akin ng doctor,” sagot ko kay Nanay habang naglalakad na kami.
Mayamaya pa ay narating na namin ang bahay na pinapasukan ng kumara ni Nanay, maganda ito at malaki. Naalala ko tuloy ang bahay namin nila Mommy at Daddy na miss ko na sila at gusto ko n asana silang makita. Pati ang kapatid kong si Jill, siguro tapos na siya ngayon sa kanyang pag-aaral.
“Ano po ‘yon?” dinig ko naman ang isang baritong boses na nagtanong sa amin.
“Sir, nandyan po ba si Helen? Nandito na kasi ang mga damit na pinalabhan niya.” sagot ni Nanay sa kanya.
“J-Jezz?” Napa-angat ako ng tingin sa kanya ng sambitin niya ang aking pangalan.
Hindi ko rin maiwasang kabahan dahil baka mahanap ako ni Caleb.
“H-Harold?” hindi ako makapaniwala na makikita ko si Harold siya ang kaklase ko rati sa college at kaibigan din namin ni Charlotte.
Hindi ko naman mapigilang mahiya sa kanya ng mapatingin siya sa malaki kong tiyan.
“Anak, magkakilala ba kayo?” tanong ni Nanay sa akin kaya tumango ako sa kanya.
“O-opo Nay, magkaklase po kami rati,” sagot ko kay Nanay, kumunot naman ang noo ni Harold habang napatingin sa amin ni Nanay. Siguro nagtataka siya bakit iba ang tinatawag kong Nanay. Dahil kilala niya kasi si Mommy.
“Ah, halika kayo Jezz tumuloy muna kayo,” wika ni Harold habang kinuha niya ang dala ni Nanay.
“Ikaw ba ang nakatira rito?” tanong ko naman sa kanya habang papasok kami sa loob.
“Oo, actually grandparents ko ang may-ari rito nagbakasyon lang ako,” sagot niya sa akin.
“Sir Harold kanina pa po kayo hinahanap ng lola niyo. Oh Riza, nandito pala kayo,” wika naman ng babaeng katulong ni Harold. Siguro ito ‘yong kumari ni Nanay.
“Pupuntahan ko na lang po siya mamaya ate, kausapin ko muna si Jezz, uhm pwede ba tayong mag-usap?” aniya kaya tumango ako sa kanya at tumingin kay Nanay. Tinaguan din ako ni Nanay kaya sumama na ako kay Harold papunta sa sala nila.
“Hindi ko akalain na makikita kita rito Jezz,” aniya sabay upo sa sofa.
“Ako nga rin nagulat,” sagot ko rin sa kanya habang hinawakan ang aking tiyan bago umupo.
“Kumusta ka na?”
“Okay lang ako,” sagot ko naman sa kanya.
“Si Caleb ba ang ama niyan?” Napatingin naman ako dahil sa kanyang sinabi.
“Huwag ka na mahiya magsabi sa akin Jezz, nabalitaan ko rin ang paghahanap ni Caleb sa’yo.” hindi ko naman mapigilang matakot dahil sa sinabi niya sa akin.
“H-Harold, p-parang awa mo na ‘wag mong sabihin sa kanya na nakita mo ako,” pakiusap ko naman sa kanya. Alam kong mabait si Harold pero baka sabihin niya kay Caleb kung nasaan ako, ayokong makita niya ako at ang anak ko baka papatayin niya kami.
“Huwag kang mag-alala Jezz hindi ko sasabihin sa kanya, alam mo ba naawa ako sa’yo noon ng sinaktan ka niya, kaya hindi ka na dapat pang bumalik sa kanya,” hindi ko naman mapigilang napaiyak dahil sa sinabi sa akin ni Harold.
“Salamat ha,” ani ko habang pinunasan ang aking mga luha.
“Ano ka ba, nakalimutan mo na yata na magkaibigan tayo,” ngiting wika niya naman sa akin.
“Oo nga pala, bumalik na si Charlotte at hinahanap ka,”
“Talaga?! kumusta na siya?” tuwang wika ko naman sa kanya, dahil na miss ko na rin si Charlotte.
“Okay lang siya at isa na siyang matagumpay na business woman ngayon,” sagot niya sa akin.
“Talaga? masaya ako para sa kanya,” ngiting wika ko naman sa kanya.
“sya nga pala, sino ‘yong tinatawag mong Nanay kanina?”
“Sila ‘yong kumupkop sa akin noong pumunta ako rito,”
“Mabuti na lang at mabuting tao ang nakakita sa’yo,”
“Oo nga Harold kaya laking pasasalamat ko talaga sa kanila,”
“Anong plano mo ngayon?”
“Siguro magtitinda na lang ako pagkatapos kung manganak. Hindi kasi pwede ako mag apply baka makita pa ako ni Caleb.”
“Sa bagay tama ka, alam mo naman na maraming konikyons ‘yon,”
“Oo nga kaya hindi ko mapigilang matakot para sa anak ko,”
“Bakit hindi mo sabihin sa kanya ang tungkol sa anak niyo?”
“Ayaw niya sa anak namin Harold baka patayin niya ang anak namin,” hindi ko naman mapigilang umiyak habang sinabi ito sa kanya.
Tumayo naman siya at lumapit sa akin.
“Huwag kang mag-alala hindi niya ‘yan malalaman Jezz, ‘wag ka nang umiyak,” napayakap naman ako sa kanya dahil sa kanyang sinabi, mabuti na lang at nakita ko si Harold pakiramdam ko ay safe na kami ni Baby dahil alam kung hindi niya kami pababayaan.