Chapter 15

2315 Words
C15 TSW JEZZ POV “Nay!” sumigaw ako kay Nanay dahil sa sakit ng aking tiyan. Hindi ko rin mapigilang kabahan dahil baka manganak na ako. “Jezz, a-anong nangyari sa’yo?” alala namang tanong ni Nanay sa akin. “Nay masakit po ang tiyan ko,” ani ko habang naluluha. “A-anak, ‘wag kang umiyak, t-tara pupunta na tayo ng hospital. T-tika lang kukunin ko lang ang mga gamit mo.” wika ni Nanay sa natatantang boses. Naupo naman ako sa kawayan naming upuan at hinahaplos ang aking tiyan. “Baby, ‘wag mo namang pahirapan si Mama,” bulong ko habang hinahaplos ang aking tiyan. Hanggang ngayon ay hindi ko alam ang kasarian ng aking anak dahil check-up lang ang ginagawa ko at hindi ako nagpapa-ultrasound, dahil wala kaming sapat na pera para roon. “Jezz! Nay Riza!” agad naman akong napalingon sa labas ng marinig ko ang boses ni Harold. “Harold!” sigaw ko naman sa kanya habang namimilipit pa rin ako sa sakit ng aking tiyan. “Jezz, anong nangyari sa’yo?” takang tanong ni Harold sa akin ng makapasok siya sa bahay namin. “Harold manganganak na yata ako,” ani ko sa kanya. “H-ha? Bakit nakaupo ka pa diyan?” takang wika niya naman at agad akong binuhat. “T-tika lang si Nanay,” ani ko sa kanya habang palabas na kami ng pinto. “Jezz, anak!” sigaw naman ni Nanay. “Nay, sumakay ka na po sa sasakyan ko, dahil dadalhin na natin si Jezz sa hospital.” ani Harold habang pinaupo niya ako sa backseat. “Oo, anak,” sagot ni Nanay sa kanya. Tumabi si Nanay sa akin, at hinahaplos ang aking likod, pinupunasan niya rin ang aking pawis sa noo. Binuhay naman agad ni Harold ang sasakyan, pero bigla na lang siyang huminto kaya napatingin ako sa labas. nakita ko naman si Christina na kinakatok ang bintana ng sasakyan. “Who are you?” takang tanong naman ni Harold sa kanya ng buksan niya ang bintana ng kotse. “Nay! Jezz, saan kayo pupunta? Bakit sumakay kayo rito?” takang tanong niya sa amin at hindi pinansin si Harold. “Anak, pupunta kami sa ospital dahil manganganak na si Jezz,” sagot ni Nanay sa kanya. Agad niya namang binuksan ang pinto ng kotse at dali-daling pumasok. “Hoy! Bakit ka sumakay?” tanong naman sa kanya ni Harold. “Bakit hindi? Sasama ako sa kanila.” sagot niya rito. Hindi ko na pinansin pa ang iba nilang sinasabi dahil nakatuon ang atensyon ko sa aking tiyan, dahil hindi pa rin tumigil ang sakit nito. Humawak naman ako sa kamay ni Nanay dahil lumalakas lalo ang kaba sa aking dibdib. Nang makarating kami sa hospital ay binuhat ulit ako ni Harold papasok ng emergency. Mabuti na lang at dumating siya paano na lang kung wala siya. ano na kaya ang nangyari sa akin ngayon, siguro hindi pa ako nakarating ng hospital ngayon. “Nasaan ang doctor manganganak na siya.” tanong ni Harold sa nurse na nakasalubong namin. “Sir, dito mo na lang po siya ilagay.” wika naman ng nurse habang itinuro ang gurney. Nilagay naman ako ni Harold dito at ang mga nurse na ang tumulak sa gurney na hinigaan ko. Ipinasok nila ako sa emergency room at pinalitan ng hospital gown. Nang makahiga ulit ako ay doble na ang kaba na aking nararamdaman. “Okay Misis, push.” utos ng doctor sa akin, kaya agad akong umiri. “One more, nakikita ko na ang ulo ni baby,” umiri ulit ako at ilang sandali pa ay naririnig ko na ang iyak ng aking anak, hindi ko naman mapigilang mapaiyak habang nakatingin sa kanya na hawak ng doctor. Pero napangiwi ulit ako ng makaramdam ulit ako ng paghilab ng aking tiyan. “Ahhhh!” sigaw ko ng maramdaman kong may lalabas na naman, kaya agad akong nilapitan ng doctor. “Sige Misis push ulit may isa pa pa lang baby,” aniya kaya umiri ulit ako, nakaramdam na ako ng panghihina pero umiri ulit ako ng matagal para mailabas ko ang isa ko pang anak. Mayamaya pa ay narinig ko na ang kanyang iyak. Hindi ko naman mapigilang mapahikbi habang tinitingnan silang dalawa na nakadapa sa aking dibdib. “Mga anak ko, mahal na mahal kayo ni Mama,” bulong ko sa kanila. hanggang sa unti-unti na akong hinila ng antok. “Huwag mo ngang hawakan ang mga pamangkin ko. baka mapilayan sila.” “Marunong ako humawak.” minulat ko naman ang aking mga mata ng marinig ang mga boses na parang nagtatalo. Hindi ko rin mapigilang mapangiwi ng maramdaman ang sakit ng aking gitnang bahagi. “Oh, baby’s gising na si Mama,” masayang wika ni Christ habang may karga siyang baby. Agad naman akong ngumiti sa kanya. Habang lumapit siya sa akin. lumapit naman si Harold at inalalayan niya akong umupo sa higaan ko rito sa hospital. “Jezz tingnan mo ang pogi ng mga anak mo mana sa akin,” masayang wika sa akin ni Harold habang nasa tabi ko na ang dalawa kong anak na kambal, hindi ko akalain na kambal pala sila, kaya pala ang laki ng aking tiyan dati. “Tse! Ang layo-layo kaya ng mukha nila sa’yo manalamin ka nga.” galit namang wika ni Christina kay Harold. Hindi ko naman mapigilang mapatawa sa kanila. tiningnan naman nila ako ng masama dahil sa pagtawa ko sa kanila. “Bakit ka tumawa Jezz?” kunot-noo namang tanong sa akin ni Christ. “Wala lang bagay kasi kayong dalawa,” ngiti kong sagot sa kanya. “WHAT?” “ANO?” sabay naman nilang wika kaya napa-iling na lang ako sa kanila at kinuha ang isa kong anak at kinalong, umiyak kasi ito kaya nilabas ko ang aking dede para pa dedein siya. napalingon naman si Harold at nagpa-alam na muna na lumabas. Sumunod naman sa kanya si Christ dahil tinawag niya ito, sabi nila may bibilhin lang daw muna sila sa labas. Habang ang isa kung anak ay mahimbing pa rin na natutulog sa aking gilid. Napapikit naman ako sa kirot ng aking dibdib habang malakas na dumide ang aking anak. Napapangiti rin akong tinitigan siya at hinaplos ang kanyang noo na nakuha nila sa kanilang ama. Ang matangos nilang ilong ay at ang kanilang labi ay nakukuha nila kay Caleb. bigla namang pumatak ang aking luha habang naalala siya. ano kaya ang reaction niya kapag makita niya ang mga anak namin, magbago kaya ang isip niya. mamahalin niya kaya sila. “Anak, okay ka lang ba?” takang tanong naman ni Nanay sa akin. hindi ko kasi napansin na nakapasok na pala siya. pansin ko rin na nasa isang private room kami ng mga anak ko. siguro si Harold ang kumuha nito, paano ko kaya siya mababayaran. “Okay lang po ako Nay, masaya lang po ako at nanganak na po ako at kambal pa po,” ngiti kong wika kay Nanay habang pinunasan ko ang aking mga luha. Umiyak naman ang isang anak ko, kaya nilapag ko na ang kambal niya dahil pansin ko ring tulog na ito. Kinuha naman ni Nanay ang anak ko at binigay sa akin. “Ako rin anak, tingnan mo oh, ang ga-gwapo ng mga apo ko,” tuwang wika ni Nanay sa akin. “Oo nga pala anak, ano ang mga pangalan nila, kasi tinatanong na ng nurse para mailagay nila sa birth certificate ng mga bata.” ani ni Nanay sa akin. “Ito po si Cain Nay at ito po si Cairo,” ngiting wika ko kay Nanay. “Ang ganda naman ng mga pangalan ng mga apo ko,” ani Nanay. “KINABUKASAN ay pinayagan na akong lumabas ng doctor. Si Harold na rin ang nagbayad sa hospital. Ang laki na ng utang ko sa kanya, sobrang pasasalamat ko rin at nakita ko siya. paano na lang kami ni mga anak ko kung wala siya. alam ko rin na mahihirapan si Nanay humanap ng pambayad dito. “Jezz, oh kumain ka na,” wika sa akin ni Christina. “Nasaan si Nanay?” tanong ko sa kanya, dahil hindi ko nakita si Nanay. “May binili pa Jezz,” sagot niya sa akin at binuhat si Cairo. “Hi Jezz,” bati naman sa akin ni Harold ng makapasok siya sa bahay. Marami na naman siyang dala ng prutas at mga diapers ng mga bata pati na rin mga vitamins nila. “Harold ang laki na nang utang ko sa’yo,” wika ko naman sa kanya habang nilalagay niya sa mesa ang mga dala niya. “Okay lang ‘yon, babayaran naman ‘to ni Christina eh,” sagot niya sa akin, kaya napatingin ako sa kanya. “Ano?” takang tanong ko naman sa kanya. “Hindi mo ba alam, sa amin na siya magtatrabaho,” aniya, napatingin naman ako kay Christ habang ngumiti lang siya sa akin. “Mabuti nga at tinanggap ako ng lolo at lola ni Harold Jezz,” tuwang wika naman sa akin ni Christ. “Bakit Christ, umalis ka na ba sa pinapasukan mo?” tanong ko naman sa kanya. “Oo Jezz, naasar kasi ako sa mga customer minsan ang babastos kasi,” aniya. “Dapat sinapak mo.” sabat naman ni Harold sa usapan namin. “Oy! Harold ‘wag naman si Christina ang pabayarin mo sa mga utang ko sa’yo, kaya ko naman ‘yon bayaran eh, kapag makapag trabaho na ako,” ani ko kay Harold. “Hindi mo naman pwede iwanan ang mga bata Jezz,” sagot naman sa akin ni Christ. “Biro ko lang naman ‘yon Jezz, at hindi mo naman kailangang bayaran ‘yan kasi bigay ko naman ‘yan sa mga inaanak ko,” ngiting wika niya sa akin. “Hindi pa nga sinabi ni Jezz na kunin ka niya.” wika naman ni Christ sa kanya. “Hoy! Tina, nasa tiyan pa lang sila alam na nila ako ang ninong nila. At pwede ba Sir ang itawag mo sa akin.” kunot-noo niya namang sabi. Napapailing naman ako sa kanila dahil sa kanilang palaging pagbabangayan. “Sige na Jezz kumain ka na, ‘wag mo nang pansinin ‘tong SIR na ‘to,” aniya habang madiin na sinabi ang Sir. “Ilapag mo na kaya ‘yan si Baby, para pakainin mo na rin ako.” utos naman sa kanya ni Harold. “Hoy! At sino ka para utusan ako?” inis niya namang sabi. “Sige, sabihan ko si lola na ‘wag ka na lang tanggapin dahil hindi ka mautusan.” agad naman nilapag ni Christ ang anak ko at dali-daling pumasok sa kusina. Nailing namang napatingin sa kanya si Harold. “Ikaw talaga, pinagloloko mo naman si Christ,” ngiti kong wika sa kanya. “Paano ang tapang.” aniya habang umupo. “May gusto ka ba sa kanya?” ngiting tanong ko naman kay Harold. Bigla naman siyang naubo dahil sa sinabi ko. “Jezz, ano ka ba, hindi ah! Wala akong gusto sa kanya.” hindi ko naman mapigilang mapahalakhak dahil sa mukha niya na hindi pa ipinta. Matapos kong kumain ay dumating na si Nanay, si Christ naman ay sumama na kay Harold dahil ngayon na siya mag-umpisa sa trabaho niya roon bilang katulong. Balak ko rin sana mamasukan kapag malaki na ang mga anak ko para mabuhay ko sila. Alam ko kasi na mahihirapan na si Nanay kapag iasa ko ‘yon sa kanya. “Anak, bumalik yata si Harold,” wika ni Nanay sa akin ng marinig namin ang tunog ng sasakyan sa labas. “Oo nga po Nay, baka may nakalimutan si Christ,” sagot ko naman kay Nanay. “Buksan ko muna ang pinto,” “Opo Nay,” sagot ko kay Nanay, habang dumedede sa aking dibdib si Cain. “Nay!” sigaw ko kay Nanay ng makarinig ako ng kalabog sa pintuan. “Nay! Ano po’ng nangyari sa’yo?!” sigaw ko ulit habang tumayo. Kinarga ko naman si Cairo sa kabila kong braso, dahil ayaw ko silang iwan sa kwarto lalo na at gabi. “Nay! Okay lang po ba kayo?” tanong ko kay Nanay ng makita ko siya sa sala. Nagtaka naman ako sa mga kausap niya puro lalaki kasi ito at anim sila. “Nay, sino po sila?” tanong ko ulit kay Nanay habang lumapit sa kanila. lumingon naman sa akin ang isang lalaki, hindi ko masyadong makita ang kanyang mukha dahil malayo ang lampara namin sa kinatatayoan nila. “A-anak, hindi ko sila kilala,” wika ni Nanay kaya bigla akong kinabahan, baka masasamang loob sila at baka ano ang gawin nila sa amin. “A-ano’ng kailangan niyo sa amin?” tanong ko sa kanila, habang hinawakan ng mahigpit ang mga anak ko. dahan-dahan namang lumapit sa amin ang isang lalaki at hindi ako makagalaw ng makita ko ang kanyang mukha. Bigla na lang akong nangatal habang nakatingin sa madilim niyang mukha at nanlilisik niyang mga mata. “C-Caleb,” sambit ko sa kanyang pangalan kasabay ng pag-agos ng aking mga luha. Paano niya kami natunton dito? Ano ang gagawin ko? baka saktan niya ang mga anak ko. “How are you wife?” aniya habang papalapit sa amin, umiling naman ako sa kanya habang panay ang aking pag-atras. “Sino ba kayo? Ano ba ang kailangan ninyo sa amin ng anak ko?” tanong naman ni Nanay sa kanila. “Shut up!” bigla akong nagulat ng malakas na sumigaw si Caleb pati ang mga anak ko ay umiyak dahil sa gulat. Mas lalo naman akong kinabahan ng tumingin si Caleb sa mga anak namin na hawak ko. “Caleb parang awa mo na, pakawalan mo na kami,” iyak kong wika sa kanya habang niyakap ng mahigpit ang mga anak ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD