Chapter 18

2271 Words
C18 TSW Matapos naming magbihis ay agad na kaming sumakay ulit sa sasakyan ni Caleb. uuwi na siguro kami sa mansion niya. buhat ko naman si Cain habang nasa kanya si Cairo. Gusto niya sana na siya na ang magdala sa dalawa pero sinabi ko na lang sa kanya na si Cairo na lang ang dalhin niya. mahimbing namang natutulog ang kambal habang nasa byahe kami. Hindi ko naman mapigilang kabahan dahil baka anong sasabihin sa akin ng magulang ni Caleb, lalo na si Daddy at Mommy okay lang kaya sila. Hindi kaya sila sinaktan ni Caleb. “C-Caleb,” sambit ko sa kanya habang nasa phone niya ang kanyang atensyon. “Hmm?” aniya. “K-kumusta na si Daddy at M-Mommy p-pati kapatid ko?” mahinang tanong ko sa kanya. Tumingin naman siya sa akin at hindi ko mapigilang kabahan dahil baka magalit siya lalo na at pinaalala ko sa kanya ang ginawa kong pagtakas. “Your father is fine but your mother is not because your sister is leave your house too like you.” aniya sa galit na boses. “A-anong sinabi mo? U-umalis si Jell? P-pero bakit?” tanong ko sa kanya habang hindi maiwasang mag-alala. Ang kapatid ko bakit siya umalis saan siya pumunta okay lang kaya siya? Jell bakit ka umalis. Hindi ko naman mapigilang umiyak dahil sa nalaman ko, walang alam ang kapatid ko sa labas. “She get pregnant too and your father want to abort the baby,” wika pa niya sa akin. “A-ano? B-bakit gagawin ‘yon ni Daddy? At sino ang ama ng pinagbubuntis niya? b-baka sumama siya do’n? hanapin natin siya Caleb please, baka anong mangyari sa kanya,” iyak kong wika kay Caleb, bigla namang umiyak si Cain, siguro dahil malakas ang boses ko. “Damn! Can you stop crying?” wika niya naman sa akin at kinuha si Cain sa bisig ko. pinunasan ko naman ang aking mga luha habang panay pa rin ang aking paghikbi. Dapat hindi na lang ako umalis para sana ako ‘yong pinuntahan ni Jell. “Shhh! Buddy stop crying,” Napatingin naman ako sa kanya dahil sa kanyang sinabi kay Cain. Sumakay kami sa private plane ni Caleb kasama ang mga bodyguard niya. siya pa rin ang humawak sa dalawa naming anak habang mahimbing pa rin silang natutulog. Makalipas ang isang oras ay narating namin ang Manila, sumakay ulit kami sa kanyang kotse habang pinapadede ko na si Cairo sa aking dibdib. Mayamaya pa ay huminto na ang kotse kaya napatingin ako sa labas. bumuntong hininga naman ako ng makita ang loob ng bahay. Inalalayan ako ni Caleb na bumaba habang tinakpan niya ng kanyang jacket ang aking dibdib pati na rin si Cairo dahil hindi pa ito tapos sa pag dede sa akin. “Jezz!” Napatingin ako sa anak Mommy ni Caleb na masayang sumalubong sa amin, hindi ko naman mapigilang mahiya sa kanya. “Ito na ba ang apo ko?” tuwang wika niya habang kinuha si Cain kay Caleb. “Ito r-rin po, s-si Cairo,” ani ko habang tinanggal ang jacket para makita niya si Cairo na natakpan nito. Namilog naman ang kanyang mga mata na nakatingin kay Cairo. Habang mabilis na binalik ni Caleb ang kanyang jacket sa aking dibdib. “He might not be able to breathe son.” wika naman ng Daddy ni Caleb ng makalapit ito sa amin. “He can,” sagot niya rito. “Anak, masaya akong makita ka muli kasama ang mga apo ko,” ani ng Mommy ni Caleb. “Can I hold him?” tanong ni Daddy kay Mommy na hawak pa rin si Cain. Inabot niya naman ito kay Daddy at kinuha sa akin si Cairo. “Mom, he still drink his milk.” kunot-noo namang wika ni Caleb kay Mommy. Habang sinamaan lang siya ng tingin nito at pumasok sa loob dala ang mga bata. Naiwan naman kami ni Caleb na nakatingin sa kanila na masayang pumasok. “Can you just not take your chest out.” aniya, kaya napatingin ako sa kanya. “Iiyak sila ng malakas kapag hindi ko sila pa dedein,” sagot ko sa kanya habang sinuot na lang ang kanyang jacket dahil wala rin akong suot na bra. “Kaya nga bibili na lang tayo ng bote para doon na lang sila dumede,” hindi ko naman mapigilang matawa dahil sa kanyang sinabi, kaya kumunot ang kanyang noo na nakatingin sa akin. “P-pasok na tayo, baka umiyak na ang mga bata,” yaya ko naman sa kanya. Sumunod naman siya sa akin at pumunta kami sa living room, nandoon kasi sila Mommy at Daddy habang masaya na nilalaro ang mga bata. Hinayaan ko muna sa kanila ang mga anak namin dahil hindi naman sila umiyak. “C-Caleb, pwede ba akong pumasok sa kwarto?” mahinang wika ko sa kanya, gusto ko rin kasi magpahinga, dahil masakit ang likod ko kakaupo. Tumango naman siya sa akin at sinamahan akong umakyat, nagpaalam din kami kila Mommy at Daddy at sinabi ko sa kanila na iakyat na lang ang mga bata kapag iiyak. Nang buksan ni Caleb ang pintuan ng kwarto ay bigla akong napahinto ng makita ang kaibahan nito at hindi ko maiwasang tingnan siya ng makita nag malalaking crib na nasa tabi ng kanyang kama, may mga pangalan na rin itong nakalagay at magkaparehas ng kulay. “A-ang ganda,” sambit ko habang lumapit sa crib. Napatingin din ako sa isang wardrobe malapit dito na kakulay rin ng crib at may mga pangalan ng kambal namin. Sobrang tuwa naman ang aking nararamdaman ng bukasan ko ito at makita ang mga bagong gamit ng mga anak namin. Ang galing ni Caleb pumili ng design at ang ganda ng mga damit ng mga anak namin. “Thank you,” ani ko at lumapit sa kanya, mabilis ko rin siyang niyakap habang patuloy na pumatak ang aking mga luha sa aking mga mata. ang akala ko hindi niya matatanggap ang mga anak namin. Akala ko ayaw niya sa kanila. “Why are you thanking me?” tanong niya habang niyakap ko pa rin siya. “K-kasi a-akala ko ayaw mo sa kanila, a-akala ko s-sasaktan mo rin sila,” hindi ko na mapigilan ang sarili ko na humagulol sa kanyang dibdib. “Tsk, stop crying makakasama ‘yan sa’yo, at bakit hindi ko sila tatanggapin? They are my child and my own blood,” Nag-angat naman ako ng mukha dahil sa kanyang sinabi. “K-kasi m-magagalit ka kapag nabuntis ako,” ani ko. Napatingin naman kami sa pinto ng may kumatok kaya kumalas ako ng yakap kay Caleb, naglakad naman siya papunta sa pintuan at binuksan ito. Mabilis naman akong lumapit sa kanila ng marinig ko ang malakas na iyak ng kambal. “Nagugutom na yata ang dalawang ‘to anak,” wika ni Mommy sa akin, kaya kinuha ko si Cain habang kinuha rin ni Caleb si Cairo kay Daddy. Ilalabas ko na sana ang dibdib ko pero napatingin ako kay Caleb na masama akong tiningnan. “Padedein ko po muna sila Mommy, Daddy,” wika ko naman sa kanila. “Yes Iha take your time,” sagot naman ni Mommy sa akin at tumalikod na ako sa kanila. umupo ako sa kama at itinaas ang aking damit. Mabilis namang sinipsip ni Cain ang aking dibdib at halatang gutom na gutom na ito. Lumapit naman sa akin si Caleb habang buhat niya si Cairo, hindi na ito umiiyak at mukhang tulog na naman. “I buy a pump and a bottle, para doon mo ilagay ang gatas mo, I search the internet at pwede ‘yon habang nilalagay sa ref,” Tumango naman ako sa kanya dahil tama naman siya at nahihirapan din akong padedein sila ng sabay. Nilagay naman ni Caleb si Cairo sa crib niya habang mahimbing itong natutulog. Napapangiti naman ako sa kanya ng humawak siya sa kanyang likod, nakita ko kasi siya kanina na isinayaw si Cairo, para tumigil sa pag-iyak. Tatay na tatay kasi siya tingnan habang karga niya ang anak namin. “Give him to me, ilalagay ko na rin siya,” wika niya kaya dahan-dahan kong tinanggal ang aking n****e sa bibig ni Cain, napapangiti rin ako habang nakatingin sa kanya na sumisipsip pa rin kahit wala na sa kanyang labi ang aking aking dibdib. “Tsk, ang takaw niyo ha,” wika niya habang kinuha sa akin si Cain. “Paano kasi, ngayon lang nakakain ng masarap, puro gulay at saging lang kasi laman ng dede ko rati,” ani ko habang napapakamot sa aking ulo, nahihiya kasi akong sabihin ‘to kay Caleb, pero pansin ko rin kasi na lagi ng naghahanap ng gatas ko ang kambal, siguro dahil lagi na akong busog ngayon. Ang dami rin kasi ng binibili ni Caleb na pagkain at halos maubos ko rin ito. Bumuntong hininga naman siya sabay halik sa noo ni Cain at nilagay niya ito sa crib niya. mabuti na lang at tabi lang namin sila, ayaw ko rin kasi na ibang room ang paglagyan ni Caleb sa mga anak namin. “Are you hungry?” Tumango naman ako sa tanong niya, dahil nakakaramdam na naman ako ng gutom. “C-Caleb, g-gusto ko ng may sabaw,” wika ko naman sa kanya dahil gusto kong humigop no’n at natatakam din ako habang iniisip ang sabaw. “Okay,” aniya, habang lumabas ng pinto. Pumasok naman ako ng wardrobe para kumuha ng damit, dahil gusto ko nang maligo. Napatingin naman ako sa lagayan ng damit ko at nagtaka ng makitang wala na ang mga ito. Binuksan ko naman ang damitan ni Caleb, habang hindi ako makapaniwalang nakatingin sa mga damitan ko na katabi lang sa mga damit niya. “Bakit niya kaya nilagay ‘to rito, ayaw pa naman niya dati na mangingialam ako sa mga gamit niya,” wika ko naman sa aking sarili habang kumuha ako ng aking damit. Pumasok ako sa banyo para makaligo na, baka kasi magising na ang mga bata hindi pa naman ako nag pump para doon sila dumede sa bote. Nang matapos akong magbihis ay lumabas na ako at naabutan si Caleb na nakaupo sa sofa. “Kumain na tayo,” aniya at lumapit sa lamesita, napapikit naman ako ng maamoy ko ang mabangong ulam. Para itong nilagang baka. Nang maupo na kami ay nilagyan ko ng kanin ang kanyang plato pati na rin ulam. Pagkatapos ko siyang lagyan ay ang plato ko naman ang nilalagyan ko. susubo na sana ako pero biglang umiyak si Cairo kaya tatayo na sana ako para kunin siya pero pinigilan ako ni Caleb at siya na ang tumayo. Hindi pa rin tumigil sa pag iyak si Cairo kahit buhat na siya ni Caleb kaya kinuha ko siya at pinadede habang kumakain ako. napatingin naman sa akin si Caleb dahil nahihirapan akong magsubo ng ulam. Tumayo siya at lumapit sa akin. nag-angat naman ako ng tingin sa kanya ng subuan niya ako. Hindi ko naman mapigilang mahiya dahil sa kanyang ginawa, pero ang sarap pala sa pakiramdam kapag may asawa ka na mag-aalaga sa’yo. “What a nice view,”gulat naman akong napatingin sa pintuan ng marinig ko ang boses ni Grace. Bigla naman akong nakaramdam ng takot para sa mga anak ko, kaya tumayo ako at lumapit kay Cain habang tulog ito sa crib at buhat pa rin si Cairo. Madilim naman ang mukha ni Caleb na tumingin sa akin dahil sa ginawa ko. “What are you doing here?” tanong niya kay Grace sa galit na boses. “Why Babe? I miss you that’s why I’m here,” ngiting sagot niya habang matalim akong tiningnan pati ang mga anak ko. “Oh? Why do you have a baby here? You said Babe, that if you found Jezz with a child you throw them.” mas lalong bumilis ang kaba sa aking dibdib dahil sa sinabi ni Grace. Baka totoo ang sinabi niya at itapon ni Caleb ang mga anak namin. Dali-dali ko namang kinuha si Cain sa crib niya kahit mahimbing itong natutulog. “What are you doing?” tanong sa akin ni Caleb habang mas lalong dumilim ang kanyang mukha at gumalaw ang kanyang panga. “Huwag mo s-silang i-itapon Caleb, k-kaya ko naman silang buhayin eh, p-parang awa mo na,” iyak ko namang pagmamakaawa sa kanya dahil natakot ako sa sinabi ni Grace. “Damn it! Jezzel!!!” sabay namang umiyak ang mga anak ko ng sumigaw si Caleb, kaya lalo akong natakot sa kanya. Habang niyuyogyog ang dalawa kong anak para tumigil sila sa kanilang pag-iyak, baka lalong magalit si Caleb. Hindi ko naman mapigilang mapasigaw ng basagin niya ang mga plato at baso na pinagkainan namin, kaya lalong umiyak ang mga anak ko sa ingay at sigaw ko. Gusto kong tumakbo palayo sa kanya pero alam kong hindi ako makakalabas sa bahay na ‘to. “Come her.” utos niya sa akin pero umiling ako sa kanya, sa takot na saktan niya kami. “Ayaw mo?” galit niy ulit na wika sa akin, kaya dahan-dahan akong lumapit sa kanya, habang maraming bubog na nagkalat sa sahig. “B-Babe, why you need her? Nandito naman ako,” wika ni Grace. Lumingon naman sa kanya si Caleb at ngumiti ito sa kanya, kaya mabilis siyang lumapit kay Caleb. bigla naman akong napahinto ng makitang sinuntok ni Caleb ang tiyan ni Grace ng yakapin sana niya si Caleb. ngumiti namang lumingon sa akin si Caleb habang nag-aapoy sa galit ang kanyang mga mata, kaya hindi ko mapigilang mangatal habang hawak ang dalawa kong anak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD