Chapter 19

2249 Words
C19 TSW “Are you afraid of me?” Tumango ako sa kanya habang nanginginig pa rin sa takot. “Why?” sambit niya habang nasa harapan ko na siya. nawalan naman ng malay si Grace dahil sa lakas ng pag-kasuntok ni Caleb sa kanyang tiyan kanina. “K-Kasi i-itatapon mo sila,” iyak ko namang wika sa kanya, sa takot na totohanin niya ang sinabi ni Grace kanina. “Do you think I’m crazy to do that to my own children?” lalo naman akong humikbi sa aking narinig. Totoo ba ang narinig ko? “Caleb,” sambit ko habang binuhat niya ako habang buhat ko rin ang dalawa naming anak. “Stop crying. Sabi no’ng matanda makakasama ‘yan sa’yo,” Tumango naman ako sa kanya. “M-mabigat kami,” sabi ko naman sa kanya habang nasa labas na kami ng kwarto namin. “Tsk,” sambit niya habang may ngiti sa kanyang labi. Napatitig naman ako sa kanya dahil ngayon ko lang siya nakitang ngumiti ng ganito. Ang mga ngiti niya kasi dati ay nakakatakot. Napatingin ako sa room na pinasukan namin at nilibot ang aking paningin. Sa guest room niya pala kami dinala. Inupo niya ako sa kama, habang kinuha ang mga anak namin na panay pa rin ang pag-iyak. “Shhh, stop crying, Daddy is not mad and I’m not shouting,” aniya, habang sinasayaw ang dalawang baby namin, napangiti naman ako sa kanyang sinabi. Tumigil naman sila sa pag-iyak at pansin ko na nakatulog ulit sila. “Just rest, ipapalinis ko lang ‘yong room natin,” Tumango naman ako sa kanya, habang nilagay niya sa aking tabi ang mga anak namin na mahimbing ng natutulog. Niyakap ko naman sila habang isa-isa silang hinalikan ni Caleb sa noo. Napatingin din ako sa kanya ng halikan niya rin ako sa aking labi. Pagkatapos niya kaming halikan ay lumabas na siya ng pintuan, habang tulala naman akong nakatingin sa naka-saradong pinto. THIRD PERSON POV Samantala galit na galit si Caleb pabalik sa kanyang kwarto. Nakita niya rin na buhat na ng kanyang tauhan si Grace. Nag-aapoy siya sa galit dito dahil sa kanyang ginawa kanina. hindi niya mapigilang maawa sa itsura ng asawa niya na nanginginig sa takot. Sumunod siya sa kanyang tauhan papunta sa kanilang bodega at doon dinala si Grace. Pinabuhusan niya ito ng tubig upang magising ang dalaga. Napasigaw naman ito nang magising. “Babe, what are you doing to me? you said you love me,” iyak niyang wika kay Caleb habang hinahawakan siya ng mga tauhan ni Caleb. “Tsk, wake up woman. I’m not telling you that. And you know what I like to kill you now.” asik niya rito. Nagulat naman si Grace sa kanyang narinig. Simula noon ay mahal na mahal na niya si Caleb, kahit pa palagi siyang sinasaktan ng binata. Wala siyang pakialam basta mahalin lang siya nito. Subalit ng maging asawa ni Caleb si Jezz, ay pansin niya ang pagbabago nito at panlalamig sa kanya. Labis ang kanyang tuwang nararamdaman noon ng mawala si Jezz, kaya sobrang nasaktan siya ng makita ang ginawa kanina ni Caleb kay Jezz. “Babe, kaya ko gawin lahat para sa’yo please, bumalik ka lang sa akin, kahit ilang anak ang gusto mo ibibigay ko sa’yo,” pagmamakaawa pa niya rito, dahil para sa kanya mababaliw siya kapag mawala sa kanya si Caleb. Nailing naman sa kanya si Caleb at iniwan ito sa mga tauhan niya. sinabihan niya rin ang kanyang mga tauhan na ihatid si Grace sa kanila at hindi na ito pwede makapasok pang muli sa mansion niya. Bumalik siya sa room nila at nakitang malinis na ito, kaya pinuntahan na niya ang kanyang mag-ina. Nakita niya namang mahimbing na natutulog si Jezz at ang mga anak nila. Tumabi siya kay Jezz at hinaplos ang mukha ng asawa niya. “I’m still hate you because you leave me, but I promise to not hurt you again like I did to you before,” bulong niya habang hinalikan ang buhok ni Jezz, niyakap niya ito at nakatulog ng mahimbing sa tabi niya. “JEZZ POV Nagising ako ng umiyak ang anak ko kaya napatingin ako sa kamay na nakayakap sa akin, nilingon ko siya at mahimbing pa rin siyang natutulog habang yakap ako. dahan-dahan naman akong tumayo para hindi ko magising si Caleb, nakaramdam din ako ng hapdi sa aking mga mata dahil sa pag-iyak ko kanina. kinuha ko si Cain at pinapadede sa aking dibdib. Napatingin naman ako kay Caleb na mahimbing pa rin na natutulog. Akala ko kanina sasaktan niya rin ako katulad ni Grace. Ano kaya ang ginawa niya kay Grace, sana hindi na niya ‘yon sinaktan pa. Napansin ko naman na gumalaw siya at minulat ang kanyang mga mata, kaya ngumiti ako sa kanya. “N-nagutom si Cain,” ani ko habang umupo siya sa kama. “Hindi ka pa ba nag pump?” “H-hindi pa nakalimutan ko,” sagot ko sa kanya. Tumayo naman siya at may tinawagan sa kanyang phone. Ilang sandali pa ay dumating ang isang katulong at may dalai tong breast pump at maliliit na mga buti. Kinuha ito ni Caleb at nilagay sa aking tabi. Nang matapos ng dumede si Cain ay inihiga ko siya ulit. Kinuha ko naman ang nilagay ni Caleb na breast pump at nilagay sa aking dibdib. “Ako na,” aniya at hinawakan ang pump. Napatingin naman ako sa bote ng malapit na itong malampas sa kalahati. “Marami pa lang laman ang dibdib ko Caleb,” tuwang wika ko naman sa kanya habang pinagpatuloy ang kanyang ginawa. “Yeah, but you need to eat more,” sagot niya naman sa akin. nakalimutan ko pa lang kumain ulit dahil sa takot ko kanina. “N-nagugutom nga ako eh,” hiya ko namang wika sa kanya, habang napakamot ako sa aking ulo. “Let’s go to the dinning.” Umiling naman ako sa kanya, dahil sa kanyang sinabi ayaw ko kasing iwan ang mga anak namin dito sa room baka mahulog sila. Kahit hindi pa naman sila malikot at hindi pa sila marunong gumapang ay takot pa rin akong iwan sila. “Hmm, I call the maid,” Tumango naman ako sa kanya habang nilagay sa mini ref ang hawak niyang bote na may laman na gatas ko. Mayamaya pa ay dumating ang maid namin at marami itong dala na pagkain. Nilagay nila ito sa lamesita, at agad na akong kumain. Si Caleb na rin ang nagpapadede kay Cairo dahil umiyak na ito, nagutom na rin siguro. Maganda rin pala na naglagay ako ng gatas sa bote para makakain ako ng maayos. Ayaw pa sana ni Cairo na dumede roon pero pinilit siya ni Caleb at sinasayaw sayaw pa niya. napapangiti naman ako sa tuwing nakikita siyang sumasayaw, dahil hindi ko naman siya nakikita dati na sumayaw. Lumipas ang isang buwan at nasa bahay lang si Caleb. plano na rin nila Mommy na binyagan na ang kambal kaya gusto ko sana magpaalam kay Caleb na puntahan ang mga magulang ko. miss ko na rin sila at gusto ko rin makita nila ang mga anak namin. Gusto ko rin sana na tumulong sa paghahanap sa kapatid ko. “C-Caleb,” sambit ko sa kanya habang nakaharap siya sa kanyang laptop. “Hmm?” aniya. “G-gusto ko sana puntahan sila Mommy at Daddy, p-para sa binyag ng mga anak natin,” paalam ko naman sa kanya. Nag-angat naman siya ng tingin kaya yumuko ako. sana lang pumayag siya. “Okay,” agad akong tumingin sa kanya, dahil sa sagot niya sa akin. “T-talaga?! p-papayag ka?” tuwang wika ko sa kanya. Habang tumango siya sa akin. “B-bihisan ko na ang kambal,” paalam ko naman sa kanya. “I go too,” Napalingo naman ako dahil sa kanyang sinabi. “O-okay,” ngiting sagot ko sa kanya. Matapos namin magbihis ay sakto rin na tapos na si Caleb. kumunot naman ang kanyang noo habang nakatingin sa akin. “Change your clothes.” madiin niyang utos sa akin. “H-ha? B-bakit naman, maganda nga ‘to eh, mabilis ko lang sila mapadede,” sagot ko naman sa kanya. “Damn Jezz. If you want to wear that f*****g clothes. Just wear a bra.” asik niya naman sa akin, kaya napatingin ako sa salamin at nakitang tayong-tayo pala ang aking n****e. “Mahirapan kasi ako magpadede kapag may bra ako,” wika ko naman sa kanya. “Tsk, just wear it. Magdadala naman tayo ng bottle milk nila.” Tumango na lang ako sa kanya at kumuha ng bra. Mabilis ko naman itong sinuot dahil baka mainip na si Caleb sa paghihintay sa akin at magbago pa ang isip niya. Buhat ni Caleb si Cain, habang buhat ko naman si Cairo. Siya rin ang may dala ng mga gamit ng mga anak namin. Binuksan naman ng kanyang tauhan ang pintuan ng sasakyan sa likod at inalalayan niya akong pumasok. Nang makapasok na ako ay siya naman ang sumunod. Pansin ko ang pagiging gentleman niya ngayon na hindi niya ginawa noon. Lumipas ang ilang minuto ay narating namin ang bahay namin. Hindi ko naman mapigilang mapaluha habang nakatingin sa aming bahay. Miss ko na ang bahay namin. “Mom!” sigaw ko at mabilis lumapit kay Mommy ng makita siya na nakatayo sa labas ng pintuan. Pansin ko naman ang gulat sa kanyang mukha. “A-anak! J-Jezz!” iyak na wika ni Mommy sa akin, habang niyakap ko siya. bigla namang umiyak si Cairo kaya napatingin ako sa kanya. Nakalimutan ko na hawak ko pala siya. “A-anak, m-may anak ka na?” takang tanong ni Mommy sa akin kaya tumango ako sa kanya. “A-apo ko, a-ang g-gwapo n-ng a-apo ko,” iyak na wika ni Mommy habang kinuha sa akin si Cairo, hindi ko naman mapigilang maiyak din. Lumapit naman sa amin si Caleb kaya napatingin din si Mommy kay Cain na hawak ni Caleb. “K-kambal ang apo ko?” “Opo Mom,” ngiti kong wika sa kanya. Habang humagulhol na siya at niyakap isa-isa ang mga anak namin ni Caleb. “Daniel, tingnan mo ang mga apo natin,” iyak na wika ni Mommy ng lumabas si Daddy, napansin ko rin ang mga luha sa mga mata ni Daddy habang lumapit sa mga anak ko. Pumasok kami sa loob at buhat namin ni Mommy ang mga anak ko habang nasa labas naman si Daddy at Caleb habang nag-uusap. “Mom, bakit po umalis si Jell?” tanong k okay Mommy. “Nabuntis ang kapatid mo Jezz, hindi niya sinasabi sa amin kung sino ang ama ng pinagbubuntis niya, tumigil na siya sa pag-aaral niya, takot siyang pumasok sa school nila, kaya kinulong siya ng Daddy mo sa kanyang kwarto. At lumipas ang isang buwan ay nalaman na lang namin na buntis na siya. gusto ng Daddy mo na ipalaglag ang bata dahil sa kahihiyan na dala nito sa atin, kaya naglayas ang kapatid mo Jezz,” iyak na wika ni Mommy. Lumapit naman ako sa kanya at niyakap siya. “Patawad Mom, kung hindi ko nabantayan ang kapatid ko,” hingi ko ng tawad kay Mommy, kung hindi sana ako naglayas, siguro nandito pa si Jell at siguro walang masamang nangyari sa kanya sa school nila. Hindi ko kasi natanong si Harold tungkol sa kapatid ko. “Wala ka namang kasalanan anak, kami ng Daddy mo ang may kasalanan sa lahat kaya kayo naglayas,” Napayuko naman ako dahil sa sinabi ni Mommy. “Pero mabuti at nakita ka ng asawa mo anak, alam mo ba na hindi na siya pumasok sa kumpanya para lang hanapin ka,” Nag-angat ako ng tingin dahil sa sinabi ni Mommy sa akin. si Caleb? g-ginawa niya ‘yon. Ang alam ko mahalaga sa kanya ang kanilang kompanya. “Akala ko nga po, hindi niya ako makikita Mom,” ngiti ko namang wika kay Mommy. “Malaki na ang pinagbago ng batang ‘yan anak, dati no’ng pumunta siya dito, galit na galit ang kanyang mukha, ngayon tingnan mo ang saya ng mukha niya,” Napatingin naman ako kay Caleb dahil sa sinabi ni Mommy. Nagkasalubong naman ang aming mga mata dahil tumingin din siya sa akin, kaya mabilis akong nag-iwas. Matapos naming kumai ay nagkwentuhan pa kami ni Mommy bago kami nagpa-alam sa kanila. Nagpasya si Caleb na dumaan muna kami ng Mall, bago umuwi, dahil sabi niya pagkatapos ng binyag ng mga bata ay papasok na raw sa sa office niya. Bumili muna si Caleb ng stroller para sa mga bata, napagod na siguro siya kakakarga sa mga anak namin. Pumunta rin kami sa mga damitan ng pambabae kaya nagtaka akong napatingin kay Caleb, habang panay lang ang pagkuha niya ng maraming damit. “Ang dami naman ‘yan,” wika ko naman sa kanya at hindi mapigilang mainis dahil para na naman siguro kay Grace ang binili niya. “You need to wear this everyday when we are going to my office.” aniya, kaya napahinto ako. “A-ano?” ulit kong tanong sa kanya. “Kapag papasok ako sa office, dadalhin ko kayo, mahirap na baka takasan mo na naman ako,” hindi ko naman mapigilang mapangiti sa kanyang sinabi. “Paano ka makapag-focus sa trabaho mo kung kasama kami,” wika ko naman sa kanya. Nilingon niya naman ako habang kunot ang kanyang noo, kaya nanahimik na lang ako habang nakatingin sa mga damit na kinuha niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD