C30 TSW “Baby, faster ma-late na tayo,” wika ng asawa ko habang tapos na niyang palitan ng damit ang dalawa naming anak. Si Jenny kasi ay hindi ko pa tapos bihisan. “Wait lang Baby, hindi pa tapos si Jenny,” sagot ko sa kanya, Baby na rin ang tawag ko kay Caleb dahil nagagalit siya kapag pangalan niya lang ang itatawag ko sa kanya. “We go first the living room,” “Okay, dalhin mo na rin si Jenny, tapos ko na siyang palitan, ihanda ko lang ang mga gamit nila,” wika ko sa kanya. Agad naman siyang lumapit sa kama at kinuha ang anak namin. Ganito na rin kami araw-araw dahil pumasok na ulit si Caleb sa office niya, at katulad dati kasama na naman kami ng mga anak niya, ayaw niya kaming iwan dito sa bahay. “Daddy, look Cain not give me the ball,” narinig ko namang sumbong ni Cairo sa ama

