C29 TSW Makalipas ang ilang buwan at kabuwanan ko na ngayon, ang asawa ko naman ay nasa bahay lang simula ng mabuntis ako. “Caleb,” tawag ko sa kanya habang papasok ako sa library niya. ang mga anak namin ay nasa sala kasama ang kanilang yaya. Kumuha kasi ulit si Caleb ng yaya nila, dahil hindi ko na sila kayang bantayan lalo na at malaki na ang aking tiyan. “Yes Baby,” sagot niya sa akin ng makapasok ako sa kanyang library. “Bilhan mo ako ng ice cream ‘yong avocado flavor.” utos ko naman sa kanya, bigla namang kumunot ang kanyang noo, habang tumingin sa akin. “Naglilihi ka pa ba baby?” tanong niya sa akin. “Gusto ko ngang kumain ng ice cream.” inis ko namang sagot sa kanya. “Okay, wait papabili ako sa tauhan ko,” aniya, habang kinuha ang kanyang phone. Uupo sana ako sa kanyang svil

