Magdamag kong pinag-isipan ang nais mangyari ni Black. Mabuti nga dahil hindi niya ako pinagmamadali sa desisyon ko. He gives me time to think and I appreciate it.
Hindi ko lubos mawari kung paano at bakit niya ako nagustuhan. To the point na kaya niyang isakripisiyo niya ang empire niya just because of me. I don’t see any valid reason unless he fell for me which is I don’t know why.
We barely talk to each other before. Ni hindi ko talaga siya noon kinakausap dahil ilap ako sa kaniya. Nakakatakot kaya siya noon, kaya ni hindi tumatagal ng isang minuto ang tingin ko sa kaniya noon kahit noong nasa La Casia’s Restaurant pa lang kami.
Kaya hindi ko talaga maintindihan at maunawaan kung paano niya ako nagustuhan, kung paano niya ako minahal. Is it possible to fall in love just because you stare at that person? Because honestly, I don’t feel anything to him. He’s just a good man who saved my life.
And I’m very thankful for that. Kasi tinago niya ako sa mga taong nais akong mamatay, he even protect my family. Siya na rin ang nagsustento sa pamilya ko, binayaran niya ang utang namin at binigyan niya ng negosyo ang Nanay at Tatay sa probinsiya. And that’s a big help from him. Hindi ko magagawa ang lahat ng ginawa niya in just a month.
Ito nga ako at halos isang dekada nang nagtatrabaho sa Maynila ngunit wala pa ring naipupundar at lubog pa rin kami sa utang. Pero dumating si Black to save me and to make me feel like I am a princess, his princess.
Nakarinig ako ng tunog sa pinto. Doon agad dumapo ang tingin ko at ang pokus ko. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. I get excited every time na maririnig ko ang tunog ng pagbukas ng pintuan, isa lang kasi ang ibig sabihin niyon, Black is here, at hindi na ako mag iisa pa sa malaki at madilim na kwartong ito.
“How are you doing?” His deep voice filled the room.
Nagsimulang kumabog ang dibdib ko. I feel nervous and excited, I don’t know why. It’s maybe because of his presence and his voice. Dagdag pa ang amoy niya na talaga namang nakakapatibok ng puso sa bango.
“Mabuti naman nakadalaw ka rito. Akala ko hindi ka makakapunta.” Tumayo ako sa kama at lumapit sa kaniya.
Inabot niya sa akin ang supot na dala niya. Malamang ay naglalaman ito ng mga pagkain ko ngayong gabi.
“Kumain ka na ba?” Tanong ko sa kaniya. “Kung gusto mo, hati tayo rito. Sabayan mo ako kumain.” Pakiusap ko.
Namiss ko lang kumain ng may kasabay. Isang buwan din akong halos na kumakain mag-isa.
“Aalis ka rin ba agad?” Tanong ko pa. Nagsimulang lumukot ang mukha ko. Kung ganoon, ay mag-isa na naman pala ulit ako. Talagang inabutan niya lang ako ng pagkain na galing sa labas kaya siya nagpunta rito sa akin.
“Eat first. I’ll stay here.”
Umupo siya sa kama at kinuha ang phone niya. He handed me the other phone.
Nagulat ako sa ginawa niya.
This is my phone!
“Why are you giving me this?” I asked him, clueless. Naibaba ko tuloy ang mga pagkaing dinala niya para sa akin.
“Di ba iyan ang gusto mo? I’m giving you your phone now. Do whatever you want. It’s protected. My Tech uses his mind to drop all the hackers so you will be safe using a regular phone.”
“Thank you!” Sa sobrang tuwa ko ay hindi ko naiwasang lumapit sa kaniya at yakapin siya ng mahigpit.
Naramdaman ko ang paninigas ng katawan ni Black. Napatulala si Black dahil sa ginawa ko kaya naman mabilis akong umalis sa pagkakayakap naming dalawa.
“I’m sorry. Natuwa lang ako kaya ko nagawa iyon.” Nahihiya kong sinabi sa kaniya.
“Dapat pala lagi kitang sinusurpresa at pinapasaya,” bulong niya na hindi ko naman naintindihan.
I fixed my hair. Tiningnan kong maigi ang phone na hawak ko at hindi ako dapat magkamali sa aking nakikita. This is my phone. I’m so happy! Mabuti na lang at binalik na sa akin ito ni Black. Nakakatuwa!
I checked my phone immediately. Ang daming message mula sa family ko, especially kina Nanay.
May mensahe rin sa akin sina Ma’am Zoey at iba ko pang katrabaho, lahat sila ay nag aalala sa biglaang pagkawala ko. Pero napagdesisyunan kong mamaya na lang sila lahat replyan. Sobrang dami nila at hindi ko kayang replyan ang lahat ng message na iyon ngayon.
Kumain din naman ako, inalok ko pa nga si Black pero hindi niya talaga gusto iyong kinakain ko kaya hinayaan ko na lang siyang panuorin niya ako.
Pagkatapos kong kumain ay nagpahinga na ako habang gamit ang phone ko.
Mayamaya lang ay tumayo na si Black sa kama ko. Siguro ay aalis na siya. Anong oras na rin kasi kaya kailangan niya nang umalis dito sa bahay.
“Aalis ka na?” Tanong ko sa kaniya. Nakatitig lang siya sa akin. I know may gusto siyang sabihin sa akin pero hindi niya matanong. Hindi ko alam kung ano ang pumipigil sa kaniya. “May problema ba?” tanong ko pa sa kaniya.
“I want your answer.”
“Ha?”
“I need you to say yes now, Jessa, Marry me. We don’t have enough time.”
Hindi agad ako nakapagsalita sa binigkas. Ang tagal bago nagproseso sa utak ang litanya niya sa akin.
“I will give you everything. I can assure you that. Just say yes. Be my queen.”
He didn’t give me a chance to speak. Sinakop niya ang distansya sa pagitan naming dalawa at hinalikan ako ng malalim.
Nanlaki ang mata ko sa kaniyang ginawa at tila nagwala ang damdamin ko sa ginawa niya. Pakiramdam ko ay sasabog ako ngayon dahil sa ginawa niyang paghalik sa akin.
“I want to hear your answer,” he whispers between our kisses.
His kisses went deeper, and it is so sweet and it’s making me feel protected. Napamura ako sa aking isipan. Ano ba itong nararamdaman ko ngayon? Nagugulahan ako.
“I don’t want to rush things but things want to make it rush, Jessa. Kung ako lang, ayaw kitang madaliin.” Malalim ang kaniyang boses habang nagpapaliwanag sa akin.
“Yes,” nauutal ko pang tugon sa kaniya.
I see his smile as he heard my answer. Mas lalong lumalim ang ginawa niyang paghalik sa akin at tila ba taksil ang katawan ko dahil tumugon ako sa kaniyang halik na binibigay sa akin.