“Artista ba ang napangasawa mo?” biglang tanong ni Papang. “Ang alam ko sa mga napapanuod kong palabas sa movies at tv artista lang ang may mga ganiyan, mga bodyguard.” “Ano ka ba, hon, hindi lang artista. Sa Manila, pati mga mayayaman at mga billionaire kung tawagin nila ay may mga bodyguard din dahil nasa risk daw ang buhay nila lagi.” “Mamang, hindi po artista ang asawa ko at hindi rin po billionaire.” Ewan ko ba kasi diyan kay Black kung bakit pati rito sa probinsya namin ay nagdala pa ng mga bodyguard. Ang dami tuloy tanong nina Mamang at Papang tapos naging palaisipan na rin sa kanila ang mga yun. Pati nga mga kapitbahay namin dito at ibang kamag anak ay nakikiusyoso na rin dahil sa daming sasakyan at tao na nakatayo sa labas ng mga sasakyan. “E, ano siya? Kung hindi siya artis

