May mga taong kailangan munang maghirap for the sake of their family. Para sa tagumpay ng kanilang pamilya. Para sa kinabukasan ng bawat isa sa kanila. “Nakakatuwa ka, you are one of a kind, Astra, I’m happy that I was able to meet you and I will be part of your life. Especially here in work. You know what, I can see myself to you.” “Talaga po ba, Ma’am?” Tumango ako. “Oo. I am also a breadwinner. Ako ang kumayod dito sa maynila para sa pamilya ko na nasa probinsya.” Bakas sa mata ni Astra ang pagkamangha. Sinarado niya muna ang log book na kaniyang hawak at saka tumingin sa akin ng diretso. “Ano pong nangyari? Paano niyo po narating kung nasaan kayo ngayon?” “Well, hindi ko masasabi na dahil sa akin kung bakit nandito ako ngayon sa kung nasaan ako.” “Ano pong ibig ninyong sabi

