“Ang ganda niya talaga habang tinutulungan niya akong magsalin ng wine sa wine glass niya. Napakasuwerte ng boyfriend niya.” Hindi makamove on itong si Wilson sa nangyaring pag assist niya sa kaniyang super crush na si Carol. “E, te, ang gwapo naman ng boyfriend at ang tangkad talaga. Pamilyang Garnerstone galing e. Malamang magaganda ang lahi. Kailangan mo munang maging mayaman at pumogi bago ka mapansin ng mga ganong klase ng babae, Wilson.” prangkang sabi ni Astra. “Grabe ka naman. Kahit hindi ako mayaman e gugustuhin naman ako ng kahit na sinong babae. Hindi naman sa yaman at sa hitsura binabase iyan.” Pag tanggol ni Wilson sa sarili. Mukhang magtatalo na naman ang dalawa kaya naman sinabihan ko na si Wilson na asikasuhin ang customer sa table 5 na naghahanap ng crew. Mabilis nama

