W A L O | ACCIDENTS HAPPEN (1)

3240 Words
W A L O Loisa "Accidents Happen" Mabilis na pinaharurot ni Mave ang sasakyan patungo sa hospital. What happened was that tito got home early without anybody knowing and was supposed to surprise Yael and tita when a car accident happened. The accident happened not too far from the airport at madami ang mga nasawi. Nalaman nila Aelia ang nangyari through the news since may TV sa loob ng rooms except for our room kaya hindi ko nakita. Malaki-laki din ang aksidente kaya tito most likely have some heavy injuries. Aelia and me knows tito for a long time kaya panay iyak si Aelia habang tinatry ko namang pigilan ang luha ko. Napakagat labi ako habang tinry na tawagin si tita. It's my third call at worried na ako kung ano ang kondisyon ni tito. Napabuntong hinga ako nang sinagot ni tita ang tawag "L-Lisa..." "Tita! I heard what happened, ayos lang ho ba kayo?" "O-Oo, pero si Richard.. Oh, god!" "Malapit na po kami, tita, I heard malaking collision po yung nangyari." "Oo, madaming duguan dito sa ospital, nasa ICU si Richard ngayon and hindi ako pinapasok, paano kung may nangyaring masama sakanya, I can't handle it, Lisa!" Napakagat labi ako sa nyerbos at mabilis na bumaba sa sasakyan nang makarating kami sa ospital. "Una na muna kami Mave, kita nalang tayo sa taas." Mabilis kaming bumaba ni Aelia at mabilis na pumunta sa reception. "I'm sure tito Richard will be well, tita." Pagsisigurado ko kay tita kahit di ko alam kung ano ang tinango ni tito. "Nasa lobby na kami, hintayin niyo lang po kami dyan." Nang makatanong kung saan ang ICU at kung saan napunta ang mga naaksidente ay agad naming nilapitan si tita na mabilis kaming niyakap. "Thank God you're here!" Naiiyak niyang sabi. "Tita...!" Naiiyak na sabi ni Aelia at tinding niyakap si tita. Napatingin ako sa floor na maraming duguan ang pinapasok sa ICU at napakagat labi. Kita ko rin si tito Richard na medyo malapit lang sa pinto nakapwesto na nag-aagaw buhay. "Ayos ka ho ba? Kunan po kita ng tubig." Sabi ko at tumango siya at mabilis akong pumunta kung saan ang vending machine. Napahinto ako nang makita ko sa di kalayuan si Yael at si Avie na nasa tabi niya. Parang hindi parin makapaniwala ang kanyang mukha sa kung anong nangyari. He and tito are very close and it's been two years since they've seen each other. Ayaw niya noon na umalis si tito pero pinilit siya nito and promised that once he comes back ay hindi na ito aalis kaya ramdam ko ang dusang nararamdaman nito. Hindi ko muna sila pinansin dahil nag-uusap pa sila pero binilhan ko nalang din siya ng tubig. Nilingon ko ang kanilang direksyon at nakitang wala parin siyang kibo at pilit na kinakausap ni Avie si Yael. Napalingon sa'kin si Avie at nagulat akong parang galit itong napatingin sa'kin. Naglakad paalis si Yael at patungo sa restroom habang si Avie naman ay mabilis na naglakad papunta sa'kin. "Anong ginagawa mo dito?" "I'm visiting tita, I know you've heard about the incident, how's Yael?" Pilit kong hindi pansinin ang pakikitungo sa'kin ni Avie dahil hindi ito ang prioridad ngayon. "He's... fine." "Are you okay?" Tanong ko na lamang dahil halatang nas-stress siya. "I-I'm alright. Just a little fear with blood." "I don't suggest going in ICU, then." Sabi ko. "Here" Binigay ko sa kanya ang isang bottle of water at bumili pa ng isa sa vending machine. "Loisa..." Nilingon ko siya. "I'm actually not good with hospital..." Nakita kong parang hindi siya mapakaila at tila'y mahihimatay ng wala sa oras. "Do you want to go?" Tumango siya. "I'm really sorry, pwede mo bang sabihan nalang si Yael?" Tumango ako. "Thanks." Mabilis siyang umalis at nagtungo sa elevator. Sumandal ako sa pader na malapit sa vending machine habang hinihintay si Yael. "L..Loisa." Mahinang sabi ni Yael, rinig ang pagod at lungkot sa kanyang boses. Nilapitan niya ako at mahigpit na niyakap. "Si papa.." "I know, are you okay?" Narinig ko ang kanyang hikbi at mahinang hinaplos ang kanyang likod at tumulo din ang mga luha sa'king mga mata. Umiling siya at nagpatuloy lang sa pag-iyak. "H-He... very... Loisa..!" Hindi ko narinig ang kanyang mga sinabi at patuloy lang sa paghaplos sa kanyang likod at medyo lumayo sa gitna ng hallway dahil umaatrak kami ng atensyon. "It's my fault.." "No, Ellie, it isn't... How is the accident your fault..?" Sabi ko at lumayo siya sa'kin at tiningnan ako sa mata, medyo maayos at naiiintindihan ko na siya ngayon. "Let's go to the staircase muna." Suhestyon ko dahil marami-rami na din ang taong nandito dahil sa aksidenteng nangyari. Habang naglalakad patungo sa hagdanan ay mahigpit niyang hawak ang aking mga kamay. Pinaupo ko siya sa hagdanan at humarap ako sakanya. Pilit naman niyang tinatago ang kanyang mukha. "Bakit ka umiiwas?" Tanong ko, I know that I'm not just talking about what he's doing right now pero hindi ko muna 'yan tinanong. "I'm just... embarassed." Magsasalita na sana ako nang bumalik na uli ang mga nararamdaman niya kanina, remembering about tito. Mabilis ko siyang pinalapit sa'kin at pinaiyak nalang. "I.." "Hmm?" "I told him to come home sooner... If-If I just waited.., baka hindi 'to mangyayari.." "Ellie, you didn't cause the accident, it's not your fault..." Mahina kong bulong sakanya at hinahaplos ang kanyang likod at ulo. "It'll never be your fault, okay?" Umiling siya. "No.. no... it is!" Sigaw niya at narinig ko siyang humikbi uli. "It is..!" Pinasalita ko na lamang siya at pinapatahan gamit ang paghaplos sa kanya. Matagal-tagal din bago siya tumahan at pinunasan ko ang kanyang mukha. "Loisa.." Tiningnan niya 'ko. "Mhm?" Tanong ko habang patuloy parin sa pagpunas sa kanyang mukha. "Do you think it's my fault?" Hindi muna ako sumagot at seryoso siyang tiningnan. Puno ng iba't ibang emosyon ang kanyang mga mata ngunit ang mas nakikita ko ay ang galit, pag-alala, at ang lungkot. Gusto kong sabihin na hindi niya kasalanan, na hindi naman siya ang may gawa n'on kaya bakit niya isisisi ang kanyang sarili. Nilapitan ko siya. "Do you think I think it's your fault?" With all possible comfort sayings I could say ay 'yon ang nasabi ko. Hindi siya nakasagot at tila ba'y nag-iisip muna ng masasagot. "..N-No." Tumango ako. "Do you think anyone thinks it's your fault?" Seryoso kong tanong. Naiiyak na parang bata siyang umiling at tumango ako. "That's right, no one think it's your fault. So why do you?" Malumanay kong sabi at niyakap siya. "I.." Hindi niya natapos ang kanyang sinabi at napasandal lang sa'kin hanggang sa nakatulog siya. Umupo ako sa kanyang gilid at pinasandal siya sa aking balikat. May mga binubulong siya ngunit hindi ko 'yon maintindihan. Lumipas ang ilang oras na nakatulog siya sa gilid ko, sinabihan ko na rin si tita tungkol kay Yael at nanghingi ng paumanhin dahil hindi ko siya nabigyan ng tubig gaya ng sabi ko. Sinabi naman niyang naiintindihan niya ako at nagpasalamat na rin. Sinabihan ko na rin si Aelia na balitaan ako pag may news na tungkol kay tito. Medyo namamanhid na din ang balikat ko pero hindi ko ito pinahalata at napatingin lamang sa himbing na natutulog na si Yael. "Bakit mo ba ako iniiwasan..." Bulong ko at mahinang pinitik ang kanyang noo. Nakita kong kumunot ang kanyang noo na tila ba'y nasasaktan ngunit ngumisi din kumakailan. "Do you hate me?.." Napatanong ko habang nakatingin sakanya. "You can't..." Bulong ko. Napatawa ako sa sariling gawi. "What am I doing.." Napasabi ko at tumingin sa orasan. Maga-alas dose na at wala paring balita, last information I got was tito was taken to the OR. "...Pretty." Napangiti kong sambit habang nakatingin kay Yael. Napatingin ako sa mahaba niyang ilong at mahinang ginayod ang aking daliri dito, tracing its shape. Sinunod kong hawakan ay ang kanyang mga mata, specifically sa kanyang mga mahahabang pilikmata. Napangiti akong tumingin sa kanyang mole under his left eye at mahina itong tinapik. Napadaan ang aking daliri sa kanyang philtrum at napahinto, malambot ito at medyo bouncy. "...Cute." Napasabi ko, nadulas ang aking mga kamay at napahinto ang aking daliri sa kanyang labi. "Ah.." Mabilis ko itong kinuha at nagkunwaring nagaabala sa aking cellphone nang makarinig akong pumasok sa staircase. Nagtama ang tingin ko sa isang staff ng ospital at napaubo, nilapitan niya kami at napatingin kay Yael na natutulog. "Naku, ma'am, ayos lang po ba si sir?" "Ay ayos lang po, kuya, pasensya na po sa abala." "Ayos lang naman, 'wag lang sana kayo gumawa ng eksena dito sa staircase." Lito ko siyang tininginan... Huh?! "Po?" Umiling-iling siya. "Alam ko na uso sa mga batang magrerelasyon ang gagawa ng 1, kahit na magjowa kayo, sana 'wag niyong kalimutang nakatingin pa rin ang Diyos sa ating mga gawa." "Hala hindi po kami magjowa, kuya!" Sabi ko at winawagayway ang aking kamay to prove my point. "Ineng, kahit na hindi kayo magjowa, sana'y respetuhin mo sarili mo." "...Po?" Hala ano??? Teka, wait, stop?!?!? What!?!?!??! Malakas siyang napabuntong hinga na para bang naiinis sa'kin. Teka lang parang ako po ang naiinis? Anong pinagsasabi ni kuya??? "Sana'y hindi kayo basta na lamang nagtatalik kung saan-saan, sagrado ang ospital at lagi niyong alalahin na nakatingin ang Diyos." Sabi niya at agad na umalis, ngunit tiningnan niya pa kami nang may matalim na expresyon bago umalis. "What!?" Napabulalas ko at narinig kong may napatawa. Gulat akong napatingin kay Yael na ngayo'y gising na. "Since when.." "Bago lang." Natatawa niyang sabi. "Pigilan mo sarili mo, Loisa, sabi nang 'wag saan-saan nalang magtalik." Biro niya at napairap ako sakanya. Tangina ne'to. Napatingin ako sa phone ko at binasa ang text na nakuha. "Tara." Mabilis kong sabi at hinila si Yael palabas ng stairwell. Hindi siya nagtanong ngunit kita ko ang kaba sa kanyang mukha. Nang makarating kung nasan sila tita ay mahigpit silang nagyakap at nag-usap. "Ano daw sabi?" Tanong ko kay Aelia. "Stable na daw siya, they're transferring him to a room muna bago tayo makavisit." Tumango ako at napangiti bago siya niyakap. "Thank God." Sabi ko at napaupo nang maramdamang humina ang aking mga paa. "Ayos ka lang?" Tumango ako ngunit hindi sumagot. Hindi naman siya naghintay ng sagot at umupo lang sa tabi ko. "Mave went and ordered us some food." "Hindi pa siya umuwi?" Umiling siya. "He's worried." "I see." Tatango-tango kong sabi at napasandal. It makes sense that one would be worried kahit na hindi nila ganoon ka alam ang ibang tao. Kinuha ko ang cellphone at tinawagan si Mave. "Lisa?" "Mave, kumain ka na?" Hindi siya sumagot kaya napabuntong hinga ako. "Kumain ka muna bago ka pumunta dito." "No, I'm--" "Kumain ka muna." Utos ko at hindi siya umimik. "...Sige." Napangiti ako. "But you also have to eat." "Yes. Mag ingat ka at salamat sa tulong mo." "Walang anuman." May katahimikang naganap bago siya nagsalita. "Lois-- No, Lisa..." "Hmm?" Tanong ko ngunit hindi siya nagsalita. Tiningnan ko muna kung on going pa ang call. "Mave?" "I'm still here..." "Ano 'yon? You were saying something." "I--That..." Hinintay ko siyang magsalita ngunit walang sumunod. "I'll tell you at another time." Sabi niya at mabilis na binaba ang call. "Ano daw sabi?" Tanong ni Aelia. "Pinakain ko muna siya dahil parang pagod na rin siya, you should also get some rest." Sabi ko kay Aelia at napabuntong hinga siya. "Yeah, I should..." Sabi niya. "Ikaw?" "I think... I'll stay here until needed." Tumango siya, understanding what I meant. Tita and Yael will need to sleep at pwede naman akong magbantay sakanila. "May nangyari ba kanina?" Tanong ko, lito akong tiningnan ni Aelia. "What do you mean?" "Mave was being weird, sabi niya may sasabihin daw siya ngunit hindi niya nasabi at binaba ang tawag.." Sabi ko habang lito paring nakatingin sa cellphone. Nagtext nalang ako sakanya in case. To: Mave You cut me off grr, take care at kumain ka !! Ingat. "...Nothing out of the ordinary." Sabi niya, hindi ko muna pinansin ang kanyang ekspresyon na parang may alam siya dahil sa pagod. Napalingon ako kay tita na papunta sa'min. "Girls, may room na si Richard and he's currently in an unstable condition ngunit may chance na magiging maayos siya by resting.." Pilit na ngumiti si tita kaya mabilis namin siyang niyakap. "Oh.. Girls, thank you so much..." Naiiyak niyang sabi at napangiti. "Pwede po ba namin siyang makita?" Tanong ni Aelia at tumango si tita. Naglakad kami patungo sa isang VIP room at pumasok kung saan nakahiga si tito Richard sa gilid ng kwarto at ang pamilyar na silhouette na nakasandal sa higaan. Walang nagsalita at naglakad kami patungo kay tito, madaming sugat ang natamo niya at marami ding bandages ang makikitang tumatagos sa kanyang suot na hospital gown. Nilapitan ko si tita at hinimas ang kanyang likod. Mabilis lumipas ang oras at napalingon ako sa bagong bukas na pinto at pumasok si Mave. "I apologize for the late introduction, Mave Reyes po, kaibigan ako ni Lisa..." Sabi ni Mave at nagmano kay tita at nagtanguan kay Yael na hindi parin umiimik simula kanina. Pinakita ni Mave ang dala-dala niyang pagkain at binigay ito sa'min, nagpasalamat si tita sa kanya at kumain kaming lahat maliban kay Yael na nasa gilid parin ng kanyang ama at wala ang atensyon sa'min. Tahimik lang ang aming pagkain, tila'y walang gustong bumasag ng katahimikan. Or maybe one did. "I'm really sorry about this tita, but kailangan ko nang pumunta..." Pagpapaalam ni Aelia nang makita ang oras. "I'll visit tomorrow." Napangiti si tita. "Thank you, mag ingat ka. I'll see you off." "...Ah, pupunta na din sana po ako if ayos lang, sasabay din po akong bibisita bukas." Sabi ni Mave. "Salamat, ijo, sa tulong mo." Sabi ni tita at nag-usap pa silang tatlo ngunit hindi nandoon ang aking atensyon kundi kay Yael na nakatingin parin sa kanyang ama. Nang umalis silang tatlo ay agad ko siyang pinuntahan. "Kain ka muna.." Sabi ko at nilingon niya ako pero hindi nagsalita. "... 'Di ka pa gutom?" Malumanay kong tanong at umiling siya at bumalik ang tingin kay tito. "Kumain ka parin, wala ka pang kinain nang pumunta ka dito, maga-alas dos na." "...Mamaya." Tumango na lamang ako at hindi siya pinilit. "'Di ka pa aalis?" Umiling ako, bago pa ako magsalita ay inunahan niya 'ko. "You should go with them." Tila malamig niyang sabi. Hindi pa muna ako nagsalita at tiningnan siya. Instead na tanungin siya kung galit ba siya sa'kin ay iba ang natanong ko, "Should I?" Nang tumango siya ay nakaramdan ako ng galit. I felt unwanted by how he's acting in contrast kung paano siya kanina. I don't know what he's thinking and if he's really serious. With his actions these past few days, we were drifting apart and I thought na naging maayos at bumalik kami sa dati kanina. "..Is that what you want?" Malungkot kong tanong. Hindi siya nakasagot kaya mas nilapitan ko siya. "Why are you acting like this?" Tanong ko. All of the feelings I've kept is hidden is bubbling away. "Anong ibig mong sabihin?" His indifference made me angry. "Don't act like you didn't just avoid me for these past few days and ignored me for no good reason." Nang hindi siya nagsalita ay nagpatuloy ako. "At least tell me the reason..." Naiiyak kong sabi. "...You cried and told me you wanted to be friends with me again, hang out like before, and then nang gusto ko nang magkita tayo, you leave me behind and give me the cold shoulder." Tuloy ko. "That's not.." Hindi niya natuloy ang kanyang sinabi nang makita ang mukha kong puno ng galit at umiiyak. "Lisa.." "That's not it? 'Yan ba ang sasabihin mo? Anong that's not it eh halatang halata na iniiwasan mo ako, 'wag mo akong ginagawang tanga, Yael." Sabi ko. "Then just answer this, bakit mo 'ko iniiwasan?" "I... don't know." Hindi ko siya pinaniwalaan ngunit kitang-kita ang lito sa kanyang mukha. "I don't know why I'm ignoring you." Nilapitan niya ako. "Normally I don't mind when I hung out with you, pero parang nagagalit ako pag nakikita ka." "Biro ba 'yan?" Tanong ko. "Bakit ka ba magagalit? If you don't want to be friends anymore then you can just say it." Lumayo siya at umupo sa inupuan ko kanina. "Hindi nga 'yan ang ibig kong sabihin." "Well you're not giving me many options in knowing how you feel and why you feel it." Sabi ko. "You're saying that you don't know why you're ignoring but you said na nagagalit ka pag nakikita mo ako, there obviously is a reason." Napakagat labi ako nang maalala 'ko kung nasa'n kami. Hindi siya umimik at tila'y pagod na. Kahit ramdam kong galit ako ay hindi ko mapigilang mag-alala. "Matulog ka nalang." Sabi ko at umalis ngunit pinigilan niya ako. "Sa'n ka pupunta?" "Pupuntahan ko sila, diba 'yan gusto mo?" Inis kong sabi at binawi ang kamay ko tsaka umalis. Nakasalubong ko si tita at pilit na ngumiti. "Uuwi ka na, Lisa?" "Ah, may pupuntahan lang sana ho ako, I'll be back." Tumango siya at mabilis akong naglakad patungo sa elevator. Kahit gusto kong pilitin siya na sagutin ako at sabihin ang rason kung bakit niya ako iniiwasan ay hindi ko magawa. Hindi nga niya alam kaya panong masabi niya sa'kin. Pero hindi ko paring maiwasang mainis. Naglakad ako paalis ng ospital at umupo sa bench sa labas bago naisipang pumunta sa isang convenience store at nagpa aircon muna. Lumipas ang ilang araw at wala parin kaming kibo ni Yael. I would've expected for us to reconcile kaagad ngunit sa sobrang busy niya sa school ay hindi namin natapos ang aming pag-uusap. Stable na rin si tito kaya pinilit ni tita si Yael na bumalik muna sa eskwelahan habang ako naman ay binabantayan si tito pag uuwi si tita. "Ayos ka lang ba, Lisa?" Napalingon ako kay tita. "Nag away ba kayo?" Napaisip ako kung away ba ang nangyari, I just voiced out my frustration pero hindi naman iyon nasagot. "I don't know, tita." Sabi ko. "Sana'y mausapan niyo 'yan." "Sana din po." Nakangiti kong sabi at inayos muna gamit ko. "Babalik lang po ako mamaya." Sabi ko at umalis. Kailangan naming umassemble sa school dahil ngayon ang announcement day kung sino ang pupunta sa Palawan for three days and two nights. "Excited ka na?" Tanong ni Mave at tumango ako. "I heard may pakulo sila." "That's ominous.." Sabi ko dahil the last time na may pakulo ang student council ay walang nasiyahan. Nang makarating sa eskwelahan ay nagkumpulan kami sa auditorium kung saan may mahabang speech and president. "Wake me up when they finish." Biro ni Mave ngunit sumandal parin sa aking balikat. "I'm sleepy." "'Di ka ba makatulog ng maayos?" Umiling siya. "Iniisip kasi kita." Bulong niya at tinulak ko siya palayo sa'kin. "Alis nga." Sabi ko at napatawa siya. "Let me just take a nap." Malumanay niyang sabi at sumandal. "I think I'll win." "Asa ka, ako daw mananalo ngayon sabi ng bubuyog. Buzz, buzz." Ngumisi ako pero parang hindi talaga ako mananalo haha. "If we don't win, should we go somewhere?" Napalingon ako kay Mave. "My family owns a beach line in Palawan, it's a private island kaya..." "I do na, Mave, I'll marry you na." Natatawa kong biro. "Pero seryoso? Uto-uto pa naman ako." "Mhm, seryoso ako. If one of us win, we can meet there." "Invite din natin si Aelia?" "...Sure."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD