W A L O | ACCIDENTS HAPPEN (2)

2863 Words
"Invite din natin si Aelia?" "...Sure." Nakangiti akong nakinig sa sinasabi ng president-- well no, I didn't, tiningnan ko lang siya at iniisip kung ano na ang ieempake ko. May binulong si Mave ngunit hindi 'ko ito narinig dahil sa hiwayan ng mga tao sa paligid namin. Nilingon ko siya ngunit nagulat sa sobrang lapit ng mukha namin. Nilapitan ko ang kanyang tenga at nagtanong, "Ano 'yon?" "I said... let's eat lunch together." "Okay!" Nakangiti kong sabi at muling humarap sa stage. "For our pakulo, once the winners have been announced, the two people that won the ticket will have a chance to bring one person each after a day in Palawan! Think of who you'll choose when you win!" Puno ng mga bulungan at pag-uusap ang pumuno sa auditorium. Ako naman ay napangiti, "You should bring either me or Aelia pag nanalo ka!" "But in that case dapat ako ang dadalhin mo." Napaisip ako kung pano si Aelia. "Ako bahala kay Aelia." Sabi niya tila'y nabasa kung ano ang iniisip ko. "Sure." Sabi ko ngunit naalala si Yael, we've always wanted to go to Palawan at a vacation with him kung saan madudurog ko siya sa paglalaro ng games would be nice. "For the first winner, drumroll please!" Napatawa ako ngunit sumabay sa pagdrum roll. "For the first winner, the chosen one is.... Yael Valentino!" Napangiti ako at hinanap kung sa'n siya. Napalingon ako nang nasa likuran banda lang pala siya, napatingin siya sa'king gawi ngunit umiwas din ng tingin. "Here he is! The first winner to go to Palawan! A round of applause everybody!" Parang walang alam na naglakad si Yael patungo sa stage, halata ang confusion ngunit curiousity sa kanyang gawi at umakyat sa stage. "Mr. Valentino, tell us a few words. Did you think that you will be the first one to be picked? What can you say to being one of the lucky winners?" "Uhh..." Napatawa siya at napakamot sa likod nang kanyang ulo. "I actually only purchased one dahil mandatory and pagbili so I never thought I'd win.." Naglakihan ang mga bulungan at mga angal ng mga estudyante. "Now, now. Just because some students purchased more than one, does not guarantee the win. Remember, the fate in choosing if you're the lucky one is this tiny lil' hands~" Sabi ng president sabay wiggle ng kanyang mga daliri. "Now who will be the lucky guy or girl who'll get to spend the first night with Mr. Valentino?" Tanong niya at naghiyawan ang mga studyante. Hindi lamang ako ang nagkakagusto kay Yael dahil sikat na sikat siya sa school. "Drum roll, students!" Nakangising nagdrum roll kami. "If you get chosen, don't forget our promise." Sabi ko kay Mave at nakangiti siyang tumango. "The second winner that will be able to go to Palawan is..... Loisa Nathaniel!" Kahit malayo at parang nagkatanginan ang mata namin ni Yael bago ito naputol nang tapikin ako ni Mave. "Congrats!" Sabi niya at sinenyasan akong tumayo. Napakunot ang noo kong nakatingin sa kanyang mata na kahit masaya ay parang may nakatagong emosyon. "I..." Hindi ko natapos ang sasabihin ko at naglakad sa stage, dazed. Naglakad ako patungo sa stage, eyes on the president hanggang sa hindi ko mapigilang tumingin sakanya. Hindi ko mabasa ang emosyong nasa mata niya, now that I think about it, his eyes holds almost, if not the same, emotion as Mave did kanina. Walang salitang binitawan pero parang madami kaming binigkas sa isang titig na walang ni isang may gustong bumitaw. Nang makarating sa stage ay kahit na hindi kami nagtitigan ay ramdam na ramdam ko ang kanyang presensya. To the point na 'di ko alam kung ano ang sinabi ko when asked to give a speech... "Now, I want you both to write the names of those you wish to be with you on the second day. You should write it para walang away." Nakangiting asar ng president at ngumisi. "Who are you planning to bring? Aelia?" Imbes na sumagot ako ng maayos sa tanong ni Yael ay hindi parin mawala ang inis ko last time. "Oh, we're talking?" Sarkastiko kong sabi at tila hindi niya ito inaasahang sagot. "You're bringing Avie?" Tanong ko paglipas ng ilang minuto. Akala ko hindi niya ako sasagutin para maging even kami. "...Yeah." Tumango ako at napalingon sa kung sino ang kanyang tinitingnan, finding Avie on the other end. Of course, he obviously was looking at her as well kanina. Nagtama ang tingin namin ni Mave na shamelessly ay paulit-ulit na nakaturo sa kanyang sarili. Napatawa ako at binalik ang tingin ko sa papel na binigay sa'min. "Why're you bringing him?" Mabilis kong tinago ang papel na aking sinusulatan at hindi muna siya sinagot. "...Eh ano naman kung gan'on?" Sabi ko ngunit masama lang siyang nakatingin sa'kin. "Ano na naman?" Inis kong tanong. "You're bringing a man with you sa Palawan?" "You're a man." "I'm different, I'm your friend." Mapakla akong napatawa. "Talaga? Eh parang 'di ko 'yan nararamdaman lately?" "I told you my reasons." "Na galit ka? Is that it? Eh wala ka namang nabigay na rason kung bakit 'yan ang nararamdaman mo! Ginagalit mo lang ako, eh." Sabi ko at binigay ang papel sa president pagkatapos ay bumaba gamit ang backstage. Rinig ko ang murmur ng mga tao na nakakita sa'ming mag alitan pero binalewala ko 'to. "Lisa.." "Don't call me that!" Nakita kong napaatras siya sa sigaw ko. "Stop it, naririndi na ako everytime you call me by that name and say nothing afterwards. If you have nothing to say then don't try to say anything at all." Hindi siya nakasagot at nagkatitigan lang kami. Walang umimik, walang gumalaw, at walang umalis. "Lisa." I was the first one to break the contact at nilingon si Mave na tumingin muna sa'kin bago kay Yael. "Let's go." "Ellie! Tara." .. Napahawak ako sa ulo ko. "Maybe I'll back out." Sabi ko kila Mave at Aelia. "That's crazy, you wrote my name on it, susunod naman ako." "Teka you wrote Mave's name and not me!?" "I can't spend a whole day with Yael alone, you saw how we were acting and that was far from friends." Napahinto siya. "You're both going to Palawan and not me?!" "Maybe I'll try to get there early." "You can't, sayang ang plane ticket." "I can handle that mu-" Napahinto kami nang tumayo si Aelia, both hands resting on her waist na para bang pinapagalitan kami. "Should I just leave for you guys to get a room? Ba't ba ako nandito?" Napatawa siya mag isa at nagkatinginan muna kami ni Mave bago napatingin muli kay Aelia. "At ano bang nangyari sainyo ni Yael? Did you confess?" "No!" Napatingin ako kay Mave na sabay ding nagsabi ng no. "Oh, ba't ka sumasali?" "..Uh, I just know." Taas-kilay na napatingin si Aelia kay Mave. "Ewan ko kung anong nangyari sakanya, he just told me na lately nagagalit siya sa'kin. And get this, wala akong ginawa!" Napahinto ako. "I think." "I can second to that, palagi naman kaming magkasama." Tatango-tangong sabi ni Mave. "Maybe that's the problem.." "What do you mean?" Umiling siya. "Naku, can't be. He's not that stupid." "Sino ba kausap mo?" Tanong ko kay Aelia na sarili lang ang kausap. "Anyways, enough of this. You're going to Palawan with Mave." "What!?" Napangiti kaming napatingin kay Aelia. In-explain ni Mave ang plano naming magpasyal sa Palawan, but instead of Mave's private resort, doon kami sa place kung saan mangyayari ang libreng pasyalan. "Teka mag impake lang ako!" Excited na sabi ni Aelia. "Are you excited?" Tanong ko kay Mave at nakangisi siyang ngumisi. "Very." "Have you been there before? Nakakita lang kasi ako ng pictures." "Nakapunta na ako, many times actually." Nakangiti niyang sabi. "I see, that's good that you're still excited despite being there many times." Sabi ko at napatingala sa langit na puno ng bitwin. Yael loves stars, he'd like it here. "It's not the place, I like that I'm going there with you." "Yeah, it's not that good if wala kami ni Aelia." Biro ko at ngumisi pero hindi niya sinalamin ang aking ekspresyon at tumayo saking harap habang may seryosong tingin. "That's not it.." Lito akong napatingin sakanya. "What do you mean..." Kita ko ang pagdadalawang isip niya at napakagat-labi sa nyerbos ngunit huminga siya ng malalim at seryoso akong tiningnan. How serious is what he's going to say that he's acting like this? "It's only that one person." Hindi ako napaimik. "Can't you see?" Mangiyak-ngiyak niyang sabi. "I've been so obvious, people at the campus could practically sing songs about my feelings for you." "I.. What are you trying to say...." Hindi ko kayang iconfirm ang nasa isip ko ngayon dahil ang layo n'on sa iniisip ko. Can't be... right...? "I like you." Nakangiti niyang sabi ngunit nakakita ako ng lungkot sa kanyang mata. "I like you so much it hurts. Alam ko na ang iyong tingin ay palaging nasa kanya pero kahit gan'on I can't help but want to be with you still." "....Mave." Tumalikod siya at naglakad patungo sa railings ng veranda. "I don't need a reply." Ngumiti siya sa'kin pero kita ko pa din ang lungkot dito. "Let me like you." Napahawak ako sa kanyang pisngi na basa ng mga luha at pinunasan ito. "But I can't like you back." Sinsero kong sabi at napakunot ang noo. Nagulat ako nang ngumiti siya tsaka tumango lamang. "I know." Nakapikit na sinandal niya ang kanyang ulo sa kamay na nakahawak sa kanyang pisngi at mahina itong hinalikan kaya napaatras ako. Hinawakan niya ang aking kamay so gently na para bang ito'y babasagin at ngumiti. "Let me just like you." Sabi niya uli nang nakangiti. "Please.." Bulong nito at mahigpit akong niyakap. "Pasensya't 'di ko alam." Sabi ko. "But.. why? How?" 'Diko mapigilang tanungin dahil natataka ako kasi I didn't really see the signs. Is this perhaps how Yael sees, despite me being so obvious? Hinarap niya ako at medyo lumayo. Humarap siya sa labas ng terrace at napapikit muna siya bago nagsimulang magsalita. "It may be weird seeing me cry." Umiling ako ngunit hindi nagsalita. "I don't know when I liked you, was it perhaps when you looked startled by me before giving me the wrong direction?" Natatawa niyang sabi. Umiling siya. "This is not a love-at-first-sight moment since I still had feelings for Avie at that time..." "It most likely started we went on our first date." Ngumiti siya at para bang natamaan ng nostalgia. "I really enjoy being with you, kahit wala tayong sinasabi, kahit wala tayong ginagawa, as long as you're here." Napansin ata niyang hindi ako makatingin sakanya kaya napatawa siya. "Are you uncomfortable?" "A bit." "Haha, akala ko sasabihin mong hindi." Sabi niya "I just.. I don't know what to say. I can't say that I like you too, knowing you like me in a romantic way and not as a friend." Napakagat labi ako. "I also can't just act that your feelings don't exist, that's not fair for you." "But I was thinking of forgetting this after tonight." Nagulat ako sa kanyang sinabi. "What do you mean?" Tanong ko. "Let's remember my feelings only for tonight." "That... I can't do that!" Sabi ko. "Sinsero mong sinabi 'yan and you expect me to treat you the same after all that? What do you take me for?" "Well, what do you want me to do? I can't possibly tell you to forget about Yael knowing how you feel about you." Tiningnan niya ako. "Think also what I feel." Napahinto ako. I was only thinking about myself, hindi 'ko inisip kung ano ang kanyang nararamdaman ngayong umamin siya. Napayuko ako. Maybe I'm projecting, maybe I was thinking that if I were to confess, I would not want the other person to treat it as nothing and act as though my confession did not happen in the first place. Kasi alam ko kung ano ang pakiramdam sa mga araw na kahit gaano mo kagustong umamin ay hindi mo magawa dahil sa takot, possible rejection, at kung ano ang mangyayari pagkatapos. But he's not me, maybe he knows how I think but that's not how his mind works. Baka alam na niya kung ano ang magiging kinalabasan ng kanyang pag amin kaya gan'on ang kanyang sinabi. "...I'm sorry. I was projecting." Nakayuko kong sabi. "I treated you like how I would treat me if I were to confess and that was unfair of me, I'm sorry." "I know..." Sabi niya at mahinang hinaplos ang aking ulo. "But I like this side of you as well.." "Why do you like me? You already know I like Yael..." Sabi ko. "I don't know... there are just some things we can't stop, that's all." Ngumiti siya. "And I didn't want to... It's my feelings after all, I should at least have the wheel." Napaupo kami sa isang sofa na nasa ibang side ng terrace at umupo d'on. Through the silence ay napatingin lamang kami sa view at walang imik hanggang sa makatulog. It was comfortable to hear him say everything he wanted to say but it also made me feel that he really does like me, how he acted was how someone takes care of someone they love. Pero I knew that I wouldn't be able to act the same with him. I'm scared, he's one of my closest friends and ngayong umamin siya ay para bang hindi ako mapakali. I don't know how to act in a way na hindi nagbibigay ng malisya. "Stop acting like that." Napalingon ako kay Mave na nakatingin sa'kin. It's been almost a week at bukas na ako pupunta ng Palawan. We managed to not meet for a few days kaya ngayon lang ako na-conscious sa mga actions ko. "If you keep acting like that, baka I'll take back my words at ligawan ka." Ngumisi siya. I forgot, he also has been pretty shameless kaya nakadagdag ng stress. "I like it when you see me as a man." "Tigilan mo 'ko." Inis kong sabi at napatawa siya. "Already tried and failed." Napatingin siya sa likod ko. "Sino ba 'yang umaaligid sa likod mo? Kanina pa 'yan, ah." Inis niyang sambit at napalingon ako. It was Jace, at nung nagtama ang tingin namin ay agad siyang umiwas. "Baka may gustong sabihin?" "Oh baka may gusto sa'yo?" Napalingon ako sa kanyang sinabi at umiling. "As if." "There's a good chance I'm right, kahit na hindi tayo medyo nagkikita ngayong araw ay hindi ako bulag para hindi siya makitang palaging nakatingin sa'yo. One would call such a man a creep and stalker." Napatingin uli ako kay Jace at nakitang nakatingin siya ng masama kay Mave ngunit nang mapansing nakatingin ako ay lumambot ang ekspresyon at kumaway. "Did you guys talk or something?" Umiling ako ngunit napahinto. "Ah, we did, pero anlayo na n'on. It was the day Yael's father had an accident, tumambay kami n'on sa room ng mga designers at nakitambay siya d'on kaya nag-usap kami." "....Did you seduce him?" Gulat akong napatingin sakanya. "Who do you think I am? Of course, not!" Tumango siya at napatingin muli sa direksyon ng table ni Jace. "He's annoying....Ah." "What?" "Yael's talking to him." Napatingin ako at kausap nga niya ito si Yael, sabay silang naglakad paalis ng canteen at kiniling ko ang aking ulo at bumalik na lamang sa pagkain. "That's weird.. They barely know each other." Sabi ko. Tumango siya. "I see." Napangiti siya. "Did you see that?" "See what?" Lito kong tanong. "I was jealous.." Napataas ang kilay ko. He's gotten shameless kaya mas naging shameless din ako. "..I see, congratulations." Sabi ko at sarkastikong pumalakpak. "Urgh, I preferred it when you acted all flustered." Nilapitan niya ako. "Should I make your heart go all doki-doki?" Lumayo ako. "Anong doki-doki ka dyan, weeb." Sabi ko at tinulak siya. May naisip ako at medyo nilapitan siya. "Baka magkaheart attack ka pag ako na ang mang-asar sa'yo, magpakabait ka." Bulong ko at tinapik siya, senyales na aalis na 'ko. "Lisa, that was totally not fair!" Sabi niya at napatawa lang ako. It's bickering back and forth with us, almost the same as usual except for his continuous flirting. When asked kung bakit ba siya lumalandi, sabi niya, "I figured it's worth a shot, 'di natin alam baka you'll confess to me anytime soon by my.. charisma." Napailing na lamang ako sa naalala ko at naglakad palabas ng canteen at nagtungo sa locker. Napatingin ako sa opposite side ng hallway dahil nakarinig ako ng mga boses na parang nag-aaway. "Who do you think you are?! As if gagawin ko gusto mo-" Nakita kong hinila ni Yael si Jace at may binulong, kitang-kita ko ang tila takot na namumuo sa kanyang mata at nanginginig siyang lumayo kay Yael. "As if gagawin mo 'yan! Sinong niloloko... mo." Ngunit napahinto siya ng masamang tumingin sakanya si Yael at napaatras siya at nahulog sa sahig. "Potangina mo!" Mabilis akong naglakad patungo sa locker ko at umaktong busy. "Hi, Jace." Bati ko dito ngunit napaatras siya at halatang di mapakali. "...H-Hi." Bati niya at mabilis na umalis. Naiwan ang akong tulala at takang napatingin sa kanyang inasta. Napano 'yon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD