S I Y A M | PALAWAN

3908 Words
S I Y A M Loisa "Palawan" Napatingin ako sa mga in-empake ko at napangiwi. Sinabihan ko na si mama kung saan ako pupunta at kahit na masaya akong malaking allowance binigay niya sa'kin ay 'di parin ako komportableng umalis ng ilang araw sa ibang island with so little things. Sabi niya kasi na I should bring as little as possible para mas madami akong maiuwi. Wala parin kaming imik ni Yael since the last argument we had, kahit na bumibisita ako kay tito ay tila ba 'di niya gustong nasa parehas akong kwarto kaya palagi siyang wala pag bumibisita ako. That idiot! Sasapakin ko talaga 'yan pag nagsama kami! Nagaalala na rin si tita sa inaasta ni Yael ngunit sinabihan ko lang siya na may misunderstanding lang kaya maaayos lang 'to-- which is a lie. Kailangan pa 'to ng maraming sapak at isang malaking sermon para matauhan si Yael. Napalingon ako sa pintuan nang may nag doorbell kaya agad kong kinuha ang aking mga gamit na dadalhin. "Coming!" Sigaw ko at mabilis na naglakad papunta sa pinto. "Teka, Mav-- Yael?" Lito kong tiningnan si Yael sa pinto. "Why are you here?" Tanong ko at hinanap si Mave. "Mave's picking me up..." Sabi ko kahit gusto kong sumabay sakanya. "I already talked with him, tara." Malamig niyang sabi at kinuha ang mga bagahe ko. Nakakunot-noo lang ako sa inasta niya ngunit kinuha ang iba ko pang gamit at mabilis na sumunod dito. "Ito lang?" "Oo, sabi kasi ni mama na hindi masyadong madami dadalhin..." Hindi ko tinapos ang aking sinasabi kasi baka biglain na naman 'to. "Para mas madaming mauuwi." Tuloy niya at binuksan ako ng pintuan para makapasok sa sasakyan. Gulat ko siyang tiningnan at hinintay na makasakay muli. "H.. How did you...?" "Mom told me the same thing." Nakangiti niyang sabi at tumango ako. "I heard tito is already doing well." Pagsisimula ko. "Tita said that there's a possibility he can come to your graduation." Nakangiti kong sabi at kahit hindi ngumiti si Yael ay kitang-kita ko ang kasiyahan sa kanyang mga mata nang sabihin ko 'yon. For the car ride to the airport, we acted like how we did before all the chaos happened. We joked, teased, and even made fun of one another as though nothing happened. For the plane ride ay wala akong naaalala dahil once seated ay mabilis akong nakatulog. "Why're you so sleepy? 'Di ka ba nakatulog before the trip?" Malumanay niyang tanong at pinasandal ako sa kanyang balikat. Nasa isang taxi kami ngayon papunta sa resort. Tumango ako at inayos ang posisyon ko para mas komportableng makatulog. "Hmm, I was thinking about some things." One of those was what you argued about with Jace while the others are still about you. I got the crazy idea that I'll just say f**k it and confess kaya napuno ng mga delusion ang nasa ulo ko bago ako nakatulog kanina. "You'll miss the view." "Take a picture of it for me nalang. And wake me up when we're there, iinom nalang ako ng kape." Sabi ko at naramdaman ko siyang tumango at narinig ang mga shutter ng camera at maliit niyang camera. "Okay, I will. Matulog ka nalang." Sabi niya at umidlip ako. .. Napabangon ako at napatingin kung nasaan ako. Nang makitang hindi pamilyar ang paligid and sunod kong tiningnan ay kung may suot ba ako at mabilis na sinurvey ang kwarto. I'm most likely in a hotel suite dahil ang ganda ng room, shet. "Yael?" Walang malay kong tawag kahit na may possibility na wala siya rito. I mean, why would Yael even be he- "Yael? Why are you here?" "We have a joint room." Sabi niya sabay turo sa pintuang nilabasan niya. Ngumisi siya. "Why? Did you think we'd be in the same one?" Inirapan ko siya at naglakad papunta sa balcony. Napangiti ako nang makita ang view ngunit napahinto nang makita ang tanawin. "Teka bakit malapit nang maggabi!?" Bulalas ko at napatingin sa relo. Alas kwatro na! We most likely arrived at 9am kaya I slept for 7 hours! "Ba't hindi mo 'ko ginising, may itinerary pa naman ako!" Panic kong sabi. "Wait I can still make it for.." "Teka, chill, I tried to wake you pero you know how dead asleep you are. Tsaka we can still go sighseeing." Tumango na lang ako at mabilis na kinuha ang mga gamit ko at nagbihis sa kwarto. Lito akong napatingin sa mga swimsuit at dalawang dress with one cardigan na nasa bag ko. What!?? Naalala kong pumunta si Aelia kagabi at sinabing titingnan lamang ang laman ng aking bag. Napahilamos ako sa inis at nagbihis na lamang sa swimsuit at short na luckily 'di nakuha ni Aelia. "Yael, let me wear one of your shirt, ginulo na naman ni Aelia mga gamit ko!" Nakarinig ako ng kaluskos bago ang isang katok. "Binilin ko sa floor, wait for the door to close first bago ka lumabas." Huh? May robe naman? Hindi ko nalang ito pinansin at mabilis na kinuha ang t-shirt na binigay niya at sinuot ito. Napangiti ako nang ma-amoy ko ang kanyang bango. Kinuha ko ang lotion at pinahid ito sa aking katawan bago sinuot ang shades. "Tara na, Yael! Magdala ka ng wallet." Sabi ko at kumatok, makalipas ang ilang segundo ay binuksan niya ito at napatawa ako makitang parang kopol ang tandem namin. Wait, hehe! "M-May wallet ka na?" Hindi mapigilan ng dibdib kong bumilis ng t***k at naramdaman kong namula ako. "...Yeah, tara." Sabi niya at nagpaunang lakad. "'Di ka magja-jacket?" Napatingin ako sa suot ko at napangiwi nang maalala ang cardigan na sobrang nipis. "Can I borrow yours..?" Nahihiya kong tanong. Bibili nalang ako ng mga damit sa baba! "Ibabalik ko lang." Sabi ko nang maglakad siya papunta sa kanyang room at sumunod ako. Parand nagdalawang isip siya nang papasukin ako ngunit hindi ako pinigilan. Nagtingin-tingin ako sa paligid at naghalughog siya sa kanyang mga gamit na nasa closet niya. "You've already unpacked?" "...Yeah, here." Sabi niya at binigay sakin ang isang malaking jacket, napangiti ako at lumabas na kami. "Anong bibilhin mo?" Tanong niya nang makasakay kami sa elevator. "I'll buy some clothes." "Why? What's wrong sa mga nadala mo?" Nanlumo na naman ako. "Well, all of it. Aelia left all the clothes and only left me with some dress at swimsuit." Hindi siya nagsalita pero tumango. Nang makababa ay agad kaming nagpasyal at nagtingin sa mga stall. May mga food din kaming binili. "Why are you eating like that?" Natatawa kong sabi kay Yael at napansin ang remnants ng food sa gilid ng kanyng labi. "You have something on your left side, may pagkain pa." "Here?" Inosente niyang tanong sabay punas ng kanyang mukha. "No, a little to the right." Sabi ko at napangiwi nang 'di pa niya nakuha. "No, argh, galawin mo lang nang konti, 'wag too much." Sabi ko at napangiti nang makuha niya lahat. Bumalik kami sa pagpasyal at napangisi ako sa mga benta nila. "Wala po bang tawad? Kahit maliit na discount lang po sana." "Anong ginagawa mo?" Bulong ko kay Yael na busy-busy na nakikidiscount. Sumenyas lang siya ng, 'I-got-this' at muling bumaling ang tingin sa tindero. Nang hindi makuha ni Yael ang gusto niyang price ay umakto siyang aalis at nang tawagin ulit ng tindero ay halatang kumikinang sa saya ang mga mata. "Salamat po, manong." Sabi ko at nang makaalis ay nilingon si Yael. "That was good, nakita kong rini-rip off tayo, would've really walked out if you got it for more than it's worth." Sabi ko dahil bago ko lang naalala na hindi naman pala kamahalan ang presyo ngunit minahal ito nang makita kami. "See? I still got it." Yabang niya at mapanghusga ko lang siyang tiningnan. Nang mabili na namin ang mga gusto namin ay may kinuha siyang camera at kinuhaanan ako ng picture. "Candid picture naman." Suggest niya at namula ako sa mga tingin ng tao. "Maya na, andaming nakatingin." Nahihiya kong sabi at may binulong siyang hindi ko narinig ngunit nang wala nang nakatingi samin ay bumalik kami sa pagpi-picure. "Ako naman sa'yo." Sabi ko at kinuhanan din siya ng picture. "What the hell is that?" Natatawa kong tanong nang magpose siya na para bang macho na nagfi-flex ng kanyang muscles. "Siraulo." Bulong ko pero patuloy parin sa pagpicture. Lumapit ako sakanya at tinawag siya upang magpic kami. "Excuse me, pwede po bang papicture?" Tanong ko sa isang babaeng napadaan. Madami kaming pinose at nang matapos ay nagpasalamat. "Let's eat na?" Tumango ako at naglakad kami pabalik sa hotel. "It's already night time at hindi pa ako nakaligo sa dagat." Napaisip ako. "Maliligo nalang ako mamaya, sabay ka?" Umiling siya. "It's dangerous to swim sa dagat at night, I'll ask if the pool is available." "But it's not the same.." "Baka may mangyari sa'yo pag lumangoy ka sa dagat nang dis oras ng gabi." Nanlumo ako. "You can swim with me naman, and I'm sure I won't be the only one swimming at night.' Sabi ko at napabuntong hinga siya. "....Fine, pero you should always stay at my line of sight in case, okay?" Tumango ako at nagsalut. "Yes, sir!" Napatawa kami bago umupo sa isang table sa restaurant ng hotel. Tiningnan muna namin ang menu bago um-order, it's been a while since we've eaten together kaya napangisi akong nakatingin sa menu. "Anong kukunin mo? I'll be getting this, this, and this." Turo ko sa mga pagkain na gusto ko. "Hmm, eto din sakin but instead of that I'll partner it up with this and ito." Sabi niya. "Let's not eat desserts until later nalang para makaligo ka din." "Nice, and coke diba?" Nakangiti siyang tumango. Nang makaorder ay masaya kaming napatingin sa mga pictures na kinuha niya. "Haha, tangina ano yan." Sabi ko sabay turo sa isang picture na sobrang blurred hindi gaano makita ang aking mukha. "I heard aesthetic na ngayon ang mga blurred pictures." "That's suspicious. What type of blurred pictures ba ang ibig mong sabihing aesthetic?" Napatawang sabi ko at nakita kong medyo namula siya nang parang may naisip. "Luh, anong iniisip mo?" "Wala...." Sabi niya pero napatawa ako nang makita ang namumula niyang tenga. "....Kain na tayo." Mabilis niyang sabi nang ma serve ang pagkain. "Hmm, sige." Sabi ko na lamang at napatigil. "Wait, cr muna ako." Naglakad ako patungo sa restroom at agad na naglinis ng kamay. Tinali ko din ang aking buhok at ginawang headband ang shades. Nang pabalik ay napahinto ako nang may nakasalubong. "Ah, sorry." Sabi ko at pumunta sa ibang direksyon ngunit nagtama uli kami kaya napatawa ako. "Diyan ka lang dumaan at ako dito." Sabi ko at naglakad na paalis ngunit pinigilan niya ako. "Wait." Lumingon ako sakanya at nahanga dahil in a scale of handsomeness from one to Yael, he's an 8. "Yes?" "Can I have your number?" Napahinto ako, huh? Nang makitang hindi ako nagsalita ay may dinagdag siya. "Ah, it's just that I thought you're really pretty, if you're single, can you perhaps give me your number?" Nahihiyang tanong niya. Kahit gulat ay kinuha ko nalang ang binigay niyang cellphone at nilagay number ko. "Here..." Sabi ko, dazed. Ngumiti siya at nagpaalam. "I'll call you later." Hindi ako nakatango pero kumaway paalis sa kanya. What?! Bago sa'kin 'yun ah, iba talaga standard pag ibang lugar. "Oh, kala ko na flush ka na, ang tagal mo kasi." Sabi ni Yael at napatawa nalang ako. "Oh? Ba't ka tulala?" "Have someone ever asked for your number randomly?" Wala sa sariling tanong ko. "Hmm, yes." Sabi niya at naalala ko na naman na marami palang nagkakagusto nitong mokong na 'to. Me din. "Sometimes I do the asking din, bakit?" "It's weird pala." Parang nandilim ang kanyang paningin at kita kong parang nagbago ang kanyang mood. "Nevermind that, kain nalang tayo." Sabi ko at naunang kumain at inaya siyang kumain na din. Tumango siya. "But if you ever have someone you like, I should at least meet them first." Sabi niya. You already know him. "I see." Matipid kong sabi para hindi mapangiti. "Sino ba yung nanghingi ng number mo?" Tila curious niyang tanong. "'Di ko alam ang name, basta medyo.... gwapo..?" Sabi ko at nang makita ang kanyang mukha ay parang di na ako sure. Napatingin ako sa cellphone ko nang may magtext. From: Mave Don't hog all the food. Napatawa ako sa tinext niya at agad na nagtext ng reply. "Is that him?" Umiling ako. "No, it's Mave." Sabi ko at bumalik sa pagte-text. "Tara na? Kuha na din tayo ng towel at higaan para malagay ang mga gamit." Sabi ko at sabay kaming naglakad sa elevator nang matapos kaming kumain at magbayad. Wala siyang imik hanggang sa makababa kami at nilapag ang blanket na lagyanan ng mga gamit. "Why're you not talking? Are you okay?" "...Yeah, I'm fine." Ngunit nakita kong same pa rin ang kanyang mood as kanina. "You don't look fine, you've been acting weird since we ate kanina." Nag-alala kong sabi. Hinawakan ko ang kanyang noo at ang akin para ikumpara ang temperatura. "You're not sick." "Balik lang ako." Sabi niya at bilang tumayo. "Maligo ka muna, don't go too far, hmm?" Kahit ayaw ko siyang umalis ay tumango na lamang ako. Nang makalayo-layo siya ay napahiga ako at napabuntong hinga bago tinanggal ang t-shirt at short ko. Kahit pa wala siya sa mood, magiging okay lang siguro 'yan pagbalik. Paga-assure ko sa sarili ko. Napasinghap ako sa lamig ng tubig at mabilis na nilubog ang katawan ko. "Wah." Ang lamig. Nakakita ako na maraming naliligo rin at napangiti na lamang. Bumalik ako sa pwesto namin at kinuha ang cam sabay picture sa mukha ko. Sayang ang araw pag walang picture! Nang matapos ay binalik ko 'to at naglakad pabalik sa dagat at umupo habang nakababad sa tubig ang lower body ko. Inaliw ko sarili ko bago may lumapit sakin, akala ko si Yael ngunit hindi ko 'to kilala. Sino na naman 'to? Naiinis kong isip dahil hindi parin bumabalik si Yael, sa'n ba yon? "I'm Lian, pwede ko bang malaman name mo?" Napataas kilay ko at tiningnan ko siya. In a scale of one to Yael, he's on the upper side, 7? "I'm... Isa." Tipid kong sabi at binalik ang tingin sa dagat. Nang hindi pa siya umalis ay tinanong ko agad siya. "What?" "Nothing, can I sit beside you?" Tanong niya ngunit napangiwi ako nang umupo na siya bago ko pa masabihan ng hindi. "What do you want?" Tanong ko habang ready na siyang sapakin baka ano gawin nito. "The guy you're with... is he single?" Napahinto ako at medyo namula sa iniisip ko. I think the last guy made me thought this guy is also interested in me, nakakahiya! Umiling ako. "No, he's already taken." Nakita ko siyang nanlumo at ngumiti na lamang. "I knew it. Sige punta na'ko. I assume you're with him? May kilala kasi akong interesado sa'yo." Yup, ibang standard dito. "I am with him, pero I'm single... I already like someone, though." Tumango siya, "Okay, I understand. If you change your mind, d'on lang pwesto namin." Sabi niya sabay bigay sa'kin ng card. "You can call me if you change your mind." Bulong niya at umalis. Napakiling ang ulo kong nakatingin parin sakanya. I've never seen so many people like me so much, heh. Nakangiti kong isip dahil tumataas na naman confidence ko. "Who was that?" Napalingon ako kay Yael na palapit sa'kin. "..You.." Kinuha niya ang card sa kamay ko at matiim itong tiningnan. "Wha..? Akin'a nga 'yan." Sabi ko sabay kuha nito, kahit pa hindi ko siya tatawagin, I also don't want to throw the card away. "Ba't ang tagal mo?" "May kinausap lang." Ah, si Avie. Napatingin uli ako sa card, having the urge to call the number on a whim. "I though magt-tshirt at short ka lang." Sabi niya sabay lagay ng towel sakin. "You're shaking, should we go in?" Umiling ako. "Maya-maya na. Hindi ka maliligo?" Tanong niya at parang nagdadalawang isip siya bago hinubad ang kanyang t-shirt. "Just a dip." Sabi nito at napatawa akong nagdive siya. Abnormal. "'Di ka maliligo?" "Wait." Sabi ko at binalik muna ang towel bago naglakad patungo sa kanya. Nang makalapit ay agad ko siyang sinaboyan ng tubig. "You look like a wet dog." Natatawa kong sabi nang dumikit-dikit ang kanyang buhok sa kanyang mukha. Shinake niya ang kanyang ulo na para bang aso at napaiwas ako nang pumisik ang tubig sa aking direksyon. "Yael!" Sigaw ko at napatawa siya. Huminto kami sa pang-aasar at nagkatinginan. It feels so wrong but I... want to kiss him. "So, are you gonna call?" Tanong niya at tinuro ang location ng aming mga gamit. "Maybe.." Walang bahala kong sabi. "Anong oras ba pupunta yung inimbita na'tin bukas?" Pag-iiba ko ng topic. "I heard they'll come at 5pm." Tumango ako. "Who did you invite?" "...Mave." Sabi ko at tumango siya at umiwas ng tingin. Wala siyang inimik at lumangoy paalis sa'kin. "Wait, sa'n ka pupunta?" "Babalik lang ako." Galit ko siyang tiningnan. "Babalik ako? Kanina ka pa, ah. If you didn't want to be with me on this trip, pwede mo namang sabihin." Inis kong sabi at lumingon siya sa'kin. "You're getting on my nerves, 'di naman ta'yo bata to the point on not communicating, ah? Why're you acting so childish?" "I really will be back." "Oh f**k that." Galit kong sabi at naglakad paalis. "Sa'n ka pupunta?" Tanong niya at hindi ako umimik at mabilis na kinuha ang mga gamit ko. "I'll be back." Sarkastiko kong sabi at mabilis na naglakad habang balot2 ng towel. Hinila niya ako palingon sakanya. "It's dangerous, 'wag kang maglakad mag-isa." "Really? Ano ba ang mas delikado, ang maglakad ako mag-isa o ang pag-alis mo kamakailan, leaving me along still?" Inis kong sabi. "Ba't ka ba umaalis? Ba't ka umiiwas? Ano bang ginawa ko?" "It's not what you did." "Then at least sabihin mo sakin! Don't treat me like an idiot and tell me straight why you're acting like such an ass dahil hindi ako nasisiyahan, Yael." Hindi siya napasagot kaya napasinghal ako at naglakad paalis. "I don't..." Huminto ako at lumingon sa kanya at kita ko ang lito niyang ekspresyon. "I don't know why I'm angry at you, mad at everyone who comes close to you and want you to only talk with me, and me only." Nagulat ako sa sinabi niya. Huh? "I'm avoiding you kasi ayaw kong magalit sa'yo." "I'm mad at you kasi iwas ka ng iwas." "I know, I'm just... so confused. I'm conflicted, I don't know what I'm feeling." "Aren't you just jealous?" Napahinto siya. "You don't want me to be friends with anyone kasi I'm your best friend, I get that." Sabi ko kahit labag sa kalooban kong sabihin 'yon. "But that's not something you can ignore and treat me badly for. Ang babaw naman ng rason mo." Galit kong sabi. "It's not like that." Napahawak ako sa templo ko sa inis. "Then ano ba?" Nakita kong nagkumo ang kanyang kamay at napabuntong hinga siya. "I get the urge to just..." "Ituloy mo sinasabi mo." Sabi ko nang hindi siya magsalita. Nakita kong nanlaki ang mata niya at parang may bago lang na napagtanto. "Yael! Ano ba? Ginagago mo lang ako eh!" Galit kong sabi nang umalis na uli siya. Potangina naman. Mabilis siyang naglakad kaya sumunod ako sakanya habang tumakbo. "Potangina naman, Yael!" Sigaw ko at napahinto ng pagsalita nang makitang medyo puno ang elevator. Nang makapunta sa floor namin ay sinundan ko agad siya. "Ano ba, Yael!" Sigaw ko sabay hila sakanya paharap sa'kin. "Sabihin mo sakin, ano bang nangyayari sa'yo??" "Ellie?" Napalingon kami at nagulat akong nakalingon kay Avie na nasa room ni Yael. "Oh, Loisa.." Walang umimik sa'min at napatingin siya sa kamay kong nakahawak sa wrist ni Yael. "Ellie, tara." Madiin niyang sabi at masamang tumingin sa'kin. "Teka lang, I'm sorry but may pinag-uusapan pa kami." Sabi ko at tiningnan si Yael. Tumingin siya sa'kin at bumaling kay Avie at nagulat ako nang binawi niya ang kanyang kamay at sumunod kay Avie. "Mamaya nalang." Napatawa ako sa inis nang isarado nila ang pintuan. "Potangina, mamaya my ass." Inis kong bulong sabay lakad pabalik sa room ko. Ni-lock ko nalang din ang joint door at mabilis na naligo muli. Why is Avie here? Akala ko 5pm pa sila dadating? Nang matapos maligo ay napangiwi ako sa mga choices of clothes ko ngunit napangisi nang makakita ng...nightgown? Good enough, I guess. Sinuot ko ito at kinuha ang phone ko tsaka dinial si Mave. "Hmm?" Halatang bagong gising na bati ni Mave. "Mave, what time ka pupunta dito?" "5pm daw sabi ni Mr. Harris, bakit?" Hmm? "Okay.. thanks." Sabi ko at binaba ang tawag. Baka maaga lang pumunta.. Naisip ko at matutulog na sana nang mabalikwas ako at tumingin na lamang sa terrace. Napangiti ako sa view sa labas, at least may magandang view dito. Napatingin ako sa card and contemplated, someone to talk with would be nice. Nilingon ko rin ang cottage nila at nakitang on pa ito. Bago pa ako makatry magdial ay nagulat ako nang may unknown number na tumawag sa'kin. "Yes? Sino po 'to?" Tanong ko. "Ah, hello, I'm Charlie, we met earlier." Inalala ko kung sino 'to. Naramdaman ata niyang hindi ko naaalala kasi nagsalita siya muli. "On the way to the restroom, I got your number then." "Oh! I'm sorry, nakalimutan ko, how are you?" Tanong ko at sumandal sa railings ng balkonahe. "Did I bother your sleep?" "No, I couldn't sleep, actually. What's up?" "I was thinking if you're down to walking the beach with me, we can talk, I'd love to get to know you." Hindi pa ako sumagot at napatingin sa balcony nila Avie at nagulat nang makita ko si Yael. Hindi ko binitawan ang titig at sinagot si Charlie. "I'd like that, pero check ko muna if I'm not busy, we can get some drinks, too." Sabi ko at nahalata kong napataas ang kilay ni Yael kaya umiwas ako ng tingin. "Sure! We can drink on the bar... or on my room." Napangiwi ako. "On your room? Hmm.." Nagkunwari akong nag-iisip at napabaling sa balcony nila Yael at napakunot ng noo nang makitang walang tao dito. "I think I'll pass, maybe tomorrow nalang if I'm free. May gagawin pa kasi ako today." "Ay ganun ba?" Halatang nadismaya ang manya-- si Charlie. "Sige, I'll call you tomorrow." Sabi niya at agad kong binaba ang tawag. Mabilis kong tinanggal ang kanyang number ngunit nagdalawang isip at mabilis itong binlock. Napalingon ako sa pintuan nang may kumatok. Sinilip ko muna sa peephole at nakitang si Yael iyon. "Yes?" Tanong ko nang mabuksan ang pinto. "Can we talk?" "Busy ako." Sabi ko saka akmang isisirado ang pinto nang pigilan niya 'to. "Ano bang ginagawa mo?" Napatanong ko nang makitang naipit ang kanyang kamay. Bumuntong hinga ako. "Fine, come in." Pumasok siya at agad akong naglakad patungo sa banyo para kumuha ng first aid kit dahil nasugatan siya. "Bakit mo kasi nilagay kamay mo." Pagsesermon ko at tiningnan siya ng masama. "I don't know... Ah!" Diniin ko sa kanyang sugat ang alcohol nang marinig ko na naman ang 'I don't know'. "Always nalang I don't know, baka wala ka talagang alam?" Sarkastiko kong sabi at nilagyan ng band aid ang sugat nang malinisan ko 'yon. "So what do you want to talk about?" Tanong ko. "Avie and I broke up." ..... ??!?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD