I S A
Loisa
"Yael Valentino"
Napabuntong hininga ako habang mag isang kumain sa cafeteria, pa'no ba naman, yung mga barkada ko ay nagbakasyon ng napakaaga, eto naman ako, nasa school parin dahil nabehind ako sa studies ko.
Habang sinusubo ko ang spaghetti, napalingon ako nung nakarinig ako ng screech sa upuan na nasa gilid ko. "Hmm?" nilingon ko siya habang may pagkain parin saking bibig. Nagulat ako ng paglingon ko ay nakita ko ang pinakamalapit ko na kaibigan na si Yael.
Napalunok ako nang makita kong medyo basa pa yung buhok nya at kitang-kita ko din ang outline ng kanyang katawan dahil sa fitted shirt niyang suot. Nakasuot din siya ng jeans na hindi medyo akma, pero mahahalata ang thicc niyang thighs. Teka lang, Loisa, good thoughts.. good thoughts... good....
'Tangina'
Napalingon ako bahagya sa ibang direksyon bago uminom ng tubig para mahimasmasan. Agad naman siyang umupo katabi ko at nilagay ang kanyang bag na halata namang walang laman, 'bat ba siya pumunta dito?', napatanong ako sa aking sarili nang hindi man lang niya ako pinansin at agad na kinuha ang kanyang cellphone at naglaro.
Nagtataka ako kung bakit siya napunta dito eh hindi naman needed ang presensya niya dito sa skwelahan, sapagkat mga bagsak-- o kaya naman parehas saakin na sobrang behind sa eskwela hehe. Si Yale kasi yung top one all over sa school kaya nakakapagtaka talaga na pumunta pa siya dito ng alas diyes ng umaga, eh napakatamad neto.
"Bat ka naparito?" Tanong ko sakanya at bahagya naman siyang lumingon sakin bago bumaling ang kanyang atensiyon sa kanyang cellphone. Napatingin ako sa side profile niya. Naks!
'Ang gwapo shet!'
"Pinilit ako ni mama." Tipid niyang imik at bumalik sa paggamit ng cellphone.
Tumango lang ako at agad na bumalik sa pagkain, ang kaninang drama ko ay agad nawala nang makita ko ang kagwapuhan ni Yael. Hindi ko maiwasan na mag init sa pag-iisip na kami lang dalawa ang narito sa table at katabi ko pa. 'Kyaaaaaaa'
Napaubo ako ng naramdamang ngumingisi ako at ayaw kong ipahalata na kinikilig ako katabi siya, yari na at malaman niyang may gusto ako sakanya 'no. Besides, kung mare-reject man ako, 'wag sana sakanya dahil kung hindi ito gwapo, binabash na 'to ngayon dahil sa walang pusong magreject.
Nang matapos, agad kong kinuha ang aking gamit at niligpit ang mga kalat, nang tumayo ako napansin kong napalingon siya sakin pero hindi ko yun pinansin at nagmadaling itapon ang aking mga basura. Pagbalik ko sa table ay nakita kong nakatayo na rin si Yael na para bang ready na siyang umalis.
Sumusulyap siya sa mga dumadaan kaya kapansin-pansin ang pagrami ng mga taong dumadaan sa kanyang harap para lang matingnan sila at ang kanilang tili ang bumuo sa cafeteria kaya napangiwi ako. Agad kong kinuha ang aking bag at lumingon siya sakin.
"Sabay ako sa'yo." Lito naman akong napatingin sakanya.
"Anong sabay? Ano naman gagawin mo? Diba exempted ka?" Haha, me na kailangang makitang bagsak sa harapan ng crushiecakes.... hahahahah.
"Oo, pero gusto kitang makasama." Napahinto naman ako at hindi makagalaw dahil sa salitang kanyang binitawan.
"Oo, pero gusto kitang makasama."
"Oo, pero gusto kitang makasama."
"Oo, pero gusto kitang makasama."
'TANGINAAAAAAAA'
"HA?!" Napasigaw kong tanong kaya napalingon ang ibang estudyante na malapit samin sa aming gawi. Napayuko naman ako sa hiya pero hindi mawawala yung pag init ng aking pisngi sa kanyang sinabi.
Gago ulol siya, bat ba napaka random.. Di kaya gusto niya ako?
Mas uminit naman ako sa aking naisip at napahawak ng mahigpit sa laylayan ng aking t-shirt.
"Kasi napaka boring sa bahay, at gaya ng sinabi ko kanina, pinapapunta lang ako ni mama." Napakagat naman ako ng labi sa dagdag niyang sinabi.
"Okay na sana, dinagdagan mo pa." Napakunot naman ang noo ni Yael at nanlaki aking mata. Tangina naman, Loisa.
"I-Ibig kong sabihin na okay na sana ako na ako lang, dumagdag ka pa, m-mas madi-distract ako." 'Sa kagwapohan mo.' Nauutal kong sambit at napahinto naman siya pero agad na napatawa sa iniasta ko.
"Hahaha, halika na nga, baka ma late ka pa." Sabi niya at inakbay ako. Hindi mawala saking isipan ang kanyang ngiti kanina at ang pagwala saglit ng kanyang mga mata habang tumatawa. Shet. "Naligo ka?" Insultong tanong niya.
Inis ko siyang bangga sa kanyang gilid gamit ang tagiliran ko na nagresulta ng pagbangga niya sa isang pader. "Aber? Natanong mo pa 'yan eh mukha ka ngang hindi nagtoothbrush!" Inis kong sabi at naglakad paalis pero maya-maya ay tiningnan siya to check if he's okay. Wala na akong maisip, ang bango-bango kasi, toothbrush lang naisip ko HAHAHA.
Mabilis akong naglakad nang narinig ko ang mga malalakas na paglakad. If you think about it, ang mga paa niya ay kayhaba ng great wall of China. Nilingon ko siya ngunit isang dipa nalang ang layo niya sa'kin at kitang-kita ko ang kalokohan sa kanyang mata kaya nang ma tyiempoang malapit na ako sa classroom ay agad akong pumasok.
"Oh, Mr. Valentino, ba't ka naparito? Walang klase ngayon, tanging mga bagsak at behind sa mga gawain ang dapat na narito." Napangiwi ako nang marinig ko yon, diniin pa talaga ni ma'am!
"Sit-in lang po ako, ma'am. Pampaswerte lang po, haha." Biro niya at malakas akong napatawa sa sinabi niya kaya masama akong nilingon ni Mrs. Rosales. Nang nilingon ko siya ay hindi siya nakalingon sakin kundi kang ma'am kaya napatungo ako. Ma'am aken yan hehe.
"Hahaha, loko 'tong bata na 'to. Pero sige ayos lang as long na hindi ka mag iingay." Sabi ni Mrs. Rosales at itinuro ang upuan kung saan pwedeng umupo si Yael kung saan ay nasa pinaka dulo habang pinaupo niya naman ako sa pinakauna.
'Ma'am namaaaan :(('
'If I didn't know any better, I would think isa si ma'am sa mga karibal ko-- if may chance'
Nagturo si Mrs. Rosales at lumingon-lingon naman ako kang Yael kung ano ang kanyang gawi ngunit ang kanyang tingin ay nakadirect kang Mrs. Rosales. Napatungo naman ako at ngumuso habang nakikinig kay Mrs. Rosales.
'Grabe ka naman Yael, 'bat kay ma'am ka lagi nakatingin??? How about me namaan? :<<'
"Ms, Nathaniel." Napabuntong hinga ako nang naiisip ko si ma'am kasama si Yael.
'Ampanget naman nang tandem, hindi ako boto!'
"Ms. Nathaniel" Napailing naman ako at medyo nahilo kaya naisipan ko na if ever may sakit si ma'am baka si Yael pasasamahan niya sa clinic, tsaka-- "Ms. Nathaniel!"
"Ms. Nathaniel!!" Wait, teka! Bakit?? Bakit ako papayag?? Hindi naman as if hindi aware si Mrs. Rosales sa kanyang asawa, ah! At kung pinipilit niyang di maging aware, f*******: will be the way kasi nandun yung sss ng hubby niya! Eh hindi naman mahirap magstalk tsaka imessage asawa niya, eh!
What if hindi ko malalaman na naging sila na pala? Eh kitang kita ko 'yung ngiti nila kanina, eh! Parang may iba!!! Parang may--
"MS. LOISA NATHANIEL!" Gulat na napatayo ako nang marinig ko ang sigaw ni Mrs. Rosales at inosente siyang tingnan habang galit at namumula niya akong tinitigan. Ano na naman nagawa ko! Narinig ko ang mga bungisngis ng kaklase ko pero hindi ako makagalaw dahil galit na galit tingin sa'kin ni ma'am!
"Y-Yes po, ma'am?" Utal-utal kong sambit, napafidget ako sa mga daliri ko sa kaba. At ngayon pa talaga kung saan bumisita si Yael!?! Loisa naman! Lugi tayo nyan!
Napahawak naman si Mrs. Rosales sa kanyang noo at bumuntong hinga. "Ikaw talagang bata ka, limang beses na kita tinawag, ano bang iniisip mo at hindi ka makarinig sa aking pagtawag sayo?"
'Ma'am, hindi mo po gustong marinig.'
"Wala po, m-ma'am. Pasensya na po." Sabi ko at napayuko. Napakagat naman ako ng labi dahil sa hiya at kaba na nararamdaman ko. Nahihiya ako dahil narito si Yael, na aking napakagusto, at kinakabahan naman ako dahil ayaw kong mapatawag sa guidance nang dahil dito.
"'Wag mo nang uulitin, Ms. Nathaniel. Ano bang iniisip mo at hindi mo napansin ang tawag ko sayo?" Napayuko ako dahil ayaw kong sagutin ang kanyang tanong. Gagi baka hindi lang guidance or detention makuha ko, baka matic na expelled na! "Dahil ba nandito si Mr. Valentino?" Pang-asar na sabi ni ma'am kaya nanlaki ang mata ko.
"Luh, as if!" Tiningnan ako nang masama ni Mrs. Rosales. "I m-mean, hindi po, m-ma'am." Nakayuko kong sabi. Nakarinig naman ako ng mahinang tawa, tawang napakapamilyar at napakasarap sa pandinig.
'Lord, ano bang ginawa ko sa past life ko? Pinatay ko ba yung crush ko? Dahil kung oo, baka gawin ko 'yan ulit!'
Ewan ko kung ano ang nangyari kasunod nun, pero mabilis natapos si Mrs. Rosales sa kanyang pagturo at agad na nagbigay ng sasagutin. Nasagot ko naman most questions na binigay ni ma'am dahil kahit na medyo behind ako, hindi naman as if hindi ako nakinig. Talagang may nasa isip lang kaya medyo... distracted. Tsaka ilang days din akong absent kaya nandito ako sa program na 'to ngayon.
Pa'no ba naman kasi, 2 days akong nag-emote, at inaya din ako ng nanay ko na pumunta sa isang resort kaya sino ba naman ako na isang sad girl ang hindi papayag? 'Di rin ako nasabihan na tatlong araw kami non, kaya ang ending, behind na behind ako sa mga requirements ko.
"Goodluck, class, and sana naman hindi na ako makakita nang isang studyante sa section niyo na bagsak. At ugaliing hindi magde-day dream kung ayaw niyong ipahiwatig kung ano man ang inyong naiisip." Nilingon naman ako ni ma'am at binigyan ko siya nang matamis na ngiti na naging dahilan para tumawa siya. 'Ano 'to, sabotage!?'
"Oh, siya, sige na, goodbye class!" Sabi ni ma'am, at tumayo naman kaming nasa loob ng room.
"Goodbye po, ma'am!" Masayang bati namin, at binigyan kami ni ma'am kunwari nang sama ng tingin pero tumawa din. Niligpit ko na ang aking mga gamit at liningon si Yael. Nakapatong ang kanyang ulo sa kanyang kamay at nakalingon sa kanyang gilid.
"Shet ang gwapo talaga!" Napalingon ako nang may tumili malapit kay Yael.
"Hoy! Alam niyong natutulog, ang ingay niyo!" Inis na bulong ko sa kanila at napa'tch' naman sila. "Anong, 'tch' 'tch', tch-umalis na kayo che!" bulong ko ulit at tiningnan nila ako nang masama.
"Galet na naman, sayo na nga si Yael, sinabi ko lang namang gwapo siya, galet na agad." bulong ni Emma at namula naman agad ako sa sinabi niya. Napatawa silang magkakaibigan at naglakad paalis habang binibigyan ako nang makahulugan na ngiti.
'Tch, sira'
Agad akong lumapit kay Yael at tumabi sa kanya, hindi ko na siya ginising at tumitig lang sakanya habang natutulog siya. Napakagwapo niya tangina. Tiningnan ko ng maigi ang kanyang pilik mata na mas mataas pa kesa sa mga kuko ko. At napalingon sa kanyang kilay. Nakakunot ang kanyang noo at para bang binabangungot kaya naman nilagay ko ang hintuturo sa kanyang noo at dahan-dahan naman na kumalma at bumalik sa normal ang kanyang noo na noon ay muntik nang magdikit sa lalim ng kanyang pagkunot ng noo.
'Kahit ilang wrinkles pa magkaroon ang mukha mo, Yael, gwapo ka parin panigurado.' Naisip ko habang nasa kanya parin ang aking paningin. Napatuon ako sa kanyang ilong na tangos masiyado, shet bet na bet. Sarap palihi. At napabaling ako sa kanyang mapupulang labi. Ano kayang pakiramdam na makahalik ng isang Yael Valentino?
Pati apilyedo napaka bet, sarap iako ng apilyedo niya. Kung pwede lang sana.
Napabuntong hininga ako at nilabas ang cellphone ko, dali-dali ko siyang pinicture-an at nilagay ito sa tagong albums na candid photos ni Yael. Mga pictures na nandito ay hindi yung super creepy, may pictures akong random lang na tinatiming-an kong hindi niya mapapansin gaya ngayon.
Kumuha na lamang ako ng earphones ko sapagkat last class ko naman to, at friday din naman. Alam ko namang hindi talaga early bird tong si Yael kaya expected na ang matulog siya ngayon dahil magla-lunch palang din naman. Late talaga yan siya bumangon at grabe kung matulog, na akala mo hindi siya pinapatulog.
Napa-hum ako sa music habang nakatingin sa kanya. Hindi ko alam kung kailan at kung ano ang rason kung bat ko siya nagustuhan, pero ang alam ko ay ilang taon na etong nandito. I found myself wanting to see him everyday and always being by his side. The 1 week incident na naging rason kung ba't ako na suspended was something I would not want to happen again.
Inilagay ko ang aking elbow sa table at pinatong ang aking ulo sa kamay ko. Agad ko siyang tiningnan at napangiti nung marinig yung paghinga niya.
'Di na yata to simpleng pagkagusto lang, Yael.'
Napakagat ako nang labi nang maisip ko iyon, pano ba naman, yung tatlong araw na nagbakasyon ako ay siya lang ang nasa isip ko. Kailangan ko kasi talagang mag move-on dahil malabo na magustuhan ko niya at ayaw kong masaktan sa huli.
Nagulat naman ako nang biglang nagvibrate yung phone ko at nauntog yung ulo ko sa pader. "Tangina.." Inis kong sambit ng pabulong at agad tiningnan kung ba't nagvibrate phone ko.
Nagtext si Tita Macy, nanay ni Yael, at sana soon nanay ko hehe.
Tita Macy (soon to be mommy)
Hi, Lisa! Di2 na kayo magdinner ni El ha? Pinapunta ko talaga yan dahil walang ginawa kundi matulog di2 sa bahay. Ingat kayo, pakisabi narin kay El. <3
Napangiti ako sa chinat ni tita Macy. Tita oh, si Yael natutulog parin kahit na nandito sa school. Nireplyan ko naman agad si tita.
To: Tita Macy (soon to be mommy)
Yes po, tita! Sasabihan ko po, ingat rin po! <3
At saka ko sinend. Napangiti ako ng pagkatamis-tamis nang mabasa ko ang name ni tita sa phone ko. Hihihi, sana nga magkatotoo. "Anong ningiti-ngiti mo diyan?" Nahulog ko ang cellphone ko sa gulat, shet naman wag naman sana magcrack. Tsaka baka ma heart attack ako dahil sa sobrang gulat ngayon, grabe.
"A-ano?" Tanong ko habang pinulot yung phone ko. Paglingon ko nakasuporta ang kanyang ulo sa kanyang kamay, parehas ng aking posisyon kanina habang nakatingin sakanya.
"Sabi ko, anong ningiti-ngiti mo diyan? Para kang tanga." Mahina ko siyang sinampal sa braso.
"Aba gago! Anong tanga? Ikaw ang tanga!" Napatawa siya sa sinabi ko, pero bumalik rin sa normal ang kanyang expresiyon.
"Sino ka-chat mo?" Seryoso niyang tanong at bumilis naman ang t***k ng puso ko.
"W-wala."
"Sino nga, grabe para namang di kaibigan." Palungkot niyang sabi saka nagpout pa.
"Pato."
"Tangina mo" Sabi niya saka tinawanan ko siya.
"Nanay ko yung ka chat ko kanina." Di yun lies, nanay ko talaga si tita Macy, soon to be mommy.
Tumango naman agad siya at kinuha ang kanyang mga gamit. Nilingon niya ako nang hindi ako sumunod sa kanyang pagtayo.
"Ano?" Lito kong tanong.
"Halika, may pupuntahan tayo." Sabi niya at saka umalis. Grabe di man lang ako hinintay.
"Hoy wait lang!" Sabi ko at nagmadali sa pagkuha ko ng mga gamit ko. Napahinto ako sa pagtakbo nang nakita ko siyang nakahintay sakin sa labas ng pintuan. Lumakad naman agad ako sa kanya saka sabay kaming naglakad ng magkatabi.
"How did you do?" Nilingon ko siya pero nakatingin lang siya sa harap.
"I did alright, may mga mali pa din, pero confident ako." Mayabang kong sabi at nakita kong tumaas ang kanyang labi sa kilid.
"Yan yung sabi mo last time, at nakakuha ka ng 13/50." Ngisi-ngisi niyang sabi at napascoff naman agad ako.
"Elementary pa yon, uso din makalimot." Sabi ko at nahiya nang maremember ko yung nangyari non. Tangina naman.
"Hindi ako nakakalimot." sabi niya at bahagyang lumingon saken bago bumalik ang kanyang paningin sa harap. "Kagaya nalang nung tumae ka sa room nun-"
Agad kong tinakpan ang kanyang labi. Shocks ang lambot.
"Gago ka ba! May reputasyon ako, Yael. Bawal mabutasan!" Bulong ko sakanya at napatawa naman siya sa kabila ng kamay kong nakatabon sa kanyang labi. "Ah!" Tili ko nang dilaan niya ang aking kamay. "Kadiri!"
Tinawanan niya naman agad ako at pinunas ko sa kanyang damit yung laway niya. "Gago!" Sabi niya bago niya hawakan ang aking kamay at mabilas itong dinilaan at pinahid sa aking damit.
Nanlaki naman ang aking mata at mabilis siyang kumaripas ng takbo. "Yael! Gago ka! Tanginamo!" Sigaw ko saka habol sakanya. At napalingon naman mga estudyante samin pero hindi ko nalang iyon pinansin at hinabol siya.
Pero dahil napagod ako, huminto ako at naglakad na lamang. Sweat-free dapat ako ngayon, makikita ko kaya si tita Macy. Ayokong dumating nang mabaho doon no. Nang maglakad, may nahagilap akong lalaki na sobrang tangkad tsaka napaka gwapo. Shet, hottie.
Pero mas lamang parin si Yael, of course.
"Excuse me." Nilingon ko si Kuya hottie nang magsalita siya.
"Yes po?"
"Nasaan yung Dean's Office dito?" Tanong niya, binigyan ko naman siya ng directions. Pero para mas makasigurado, dinrawing-an ko siya ng directions na may arrows para mas madali siyang makapunta sa D.O.
"Thank you!" Sabi niya at ningitian ko naman agad siya. Naglakad agad ako sa parking lot at nakita ko si Yael na nakasandal sa kanyang sasakyan. Nakabaon ang kanyang kamay sa bulsa ng kanyang pantalon at nakalingon siya sa langit habang nakaduling.
Tinapik ko siya sa balikat at lumingon siya sakin ng nakangiti. Fuckkk, ang gwapo talagaaa!!
"Halika?" Sabi niya ng nakangiti at binuksan ang pintuan ng driver's seat at pumasok. Pumasok naman agad ako katabi siya at isinara ang pintuan.
"San ba tayo pupunta?" Tanong ko at nagsuot ng seat belt. Hindi niya ako pinansin at nakangiting nagdrive. "Ba't ka ngiti ng ngiti? Naka drugs ka ba?" Imbes na gumanti, tumawa lang siya habang nakailing.
"Walaa.." Sabi niya habang nakangiti pa din. Aba gago. "May nakausap lang ako kanina." Sabi niya at hindi pa rin nawala ang kanyang ngiti.
"Sino ba yan, at saka tigilan mo nga yang pagngiti mo, nakakatakot, sheesh." Biro ko at tiningnan niya ako ng masama pero tumawa rin pagkatapos.
"Nasayahan lang ako. Ang ganda kasi." Natigilan naman agad ako at nakaramdam ng pagkirot bahagya. "Tinanong niya ako kung saan ba daw yung cafe! Grabe talaga namangha ako, ang ganda at napakaganda ng boses! Parang walang hindi maganda sakanya!" Ngiti niyang sabi at halatang sobrang saya niya dahil hindi parin nawawala ang kanyang ngiti.
"K-Kanina yan? Nung nasa parking lot ka?" tanong ko at mabilis naman siyang tumango. Napabuntong hininga naman ako at napakagat ng labi. Shet, naman ako pa talaga sinabihan, torture to, Yael, torture.
Bingyan ko naman siya ng pilit na ngiti pero hindi niya napansin na pili lamang iyon. Ngiti-ngiti naman siyang nagstop sa red light at bumaling sakin. "Kinuha ko number niya, at nakuha ko iyon after a few tries. She's amazing, too! Binigyan niya ako ng candy kanina at hindi ko pa kinain dahil espesyal ito." Ngiti niyang kwento.
'Tapon mo yan.'
Ningitian ko siya pero hindi na iyon pilit. Tangina ang sakit, wag naman ganito Yael. Napakalaki kasi ng kanyang ngiti kaya natatakot akong mawala ang iyon. "Isn't that great? Tinext mo na?" Tanong ko at tinapakan muna niya ang gas dahil green light na bago niya ako nilingon bahagya.
Umiling siya, "Kung pwede lang sana, kaso ayaw kong maging desperado. Baka bukas nalang siguro para hindi ako magmukhang creepy at desperado." Sabi niya at ningitian ko naman agad siya.
"Kahit hindi ganon ang gawin mo, para ka paring creepy at desperado araw-araw." biro ko at napatawa naman agad siya. Nagtuloy-tuloy lang siya ng pag drive at nakarating kami sa isang beach.
"San to?" Tanong ko at nilingon ang paligid. Alas 12 pa lamang at gutom na ako.
"Ewan ko rin, pero nirecommend eto ni Avie." Litong nilingon ko siya.
"Avie?"
"Yup, Avie. Siya yung nakilala ko kanina, grabe pati pangalan, ang ganda pa rin." Sabi niya at tumingin sa malayo na para bang nagde-daydream. Tumango lang ako at huminto naman agad siya bago kami pumunta sa entrance. May mga tao sa loob, ngunit hindi naman karamihan.
Makikita ang dagat na kaharap lamang ng cafe, bar, at isang restaurant. May ibang shops pa rin pero medyo malayo ito sa kung saan kami ngayon. Napakaintricate at ganda ng mga designs dito. Breath taking kumbaga. Shet.
Parang date lang.
Inaya ako ni Yael sa isang table sa restaurant na nagngangalang, 'Heil's'. Heils? Napa-awe naman ako dahil napaka ganda ng interior at feel na feel talagang nasa beach ka. Vacation vibes.
"Ganda 'no?" Sabi ni Yael, at tumango naman ako habang nakangiti ng malaki. Bukod kay Yael, gusto ko talaga ang mga beach at ang pagkain. "Maganda na nga, maganda pa nang taste. Haha, kaya siguro ako yung tinanungan, tsk tsk tsk." Mayabang na sabi niya at imbes na magselos bahagya, napatawa ako sa inasta niya.
"Hello po, my name is Amy, I will be your server for today. Table for two?" tanong ng isang server. Tumango naman agad si Yael at ngumiti si miss server. "This way please." Sabi niya saka kami pinapunta sa isang table na katabi lang ng view.
"Thank you." Nakangiting sabi ni Yael.
"You're welcome. Here are the menu, feel free to call me or another server when you're ready to order. Enjoy!" Sabi niya saka naglakad paalis. Bumaling naman agad ako kay Yael.
"Napaka fancy naman rito, Yael. Di afford ng bulsa ko 'to." Sabi ko habang nakatingin sa menu.
Napatawa naman agad siya sa iniasta ko, "Wag kang mag alala. It's my treat." Sabi niya at tiningnan ko siya habang naka squint.
"Bakit parang napaka suspicious naman na treat mo? Walang catch?" Di makapaniwala kong tanong.
"Tiwala naman Loisa, hindi naman ako buraot, no." Tinaasan ko siya ng kilay bago tumango at tumingin-tingin sa mga dishes.
"Sure na eto ha? Baka iwanan mo ako rito, susumbong kita kay tita." Sabi ko at napatawa naman siya. Iniscan ko yung buong menu bago pumili ng aking gusto. Nilagay ko sa lamesa ang menu bago ko siya tinitigan habang seryosong nakatingin sa menu. Cute.
Napatingin naman agad ako sa kanan ng bumaling ang tingin niya sakin.
"Nakapili ka na?"
"Yup."
"Ako hindi pa eh, ano bang magandang bilhin?"
"Eto nalang kaya? Eto yung in-order ko, pero alam kong masarap yan." Sabi ko at tiningnan niya naman ako.
"Nakapunta ka na dito?"
"Luh, di pa 'no."
"Eh pano mo nasabing masarap?" Tanong niya at nakakita akong seryoso siya sa tanong niya kana tinigilan ko ang pagbungisngis. Napacute talaga, hinay-hinay lang, Yael, mafa-fall nako (kung hindi pa).
"Nakatikim na kasi ako ng ganyang putahe, wala naman akong nalasahan na isang pagkain na ganyan na hindi masarap. Tsaka madali lang daw yan gawin." Tiningnan niya yung menu ulit bago bumaling sakin.
"Madali? Nakaluto ka na?" Interesado niyang tanong, napatawa naman ako ng bahagya.
"Daw nga, daw. Di sakin nanggaling, kundi sa nanay ko." Sabi ko at tumango naman siya.
Paglipas ng ilang minuto, tumawag siya ng waiter saka kami nag order. Nang umalis ang waiter, bumaling siya saakin.
"Saan ka pala pumunta last week?" Tanong niya at naremember ko na last week pala yung nagbakasyon ako kasama aking nanay. Friday na ngayon kaya ilang araw na lumipas, ngayon niya nga lang natanong kasi ilang araw rin kaming hindi nagkita dahil masyadong busy.
"Pinasyal ako ni Mommy sa Palawan." Sabi ko at napangiti naman siya.
"Talaga? Kasama kayo ni Tita Eyi? Bat di niyo man lang ako inimbeta?" Kunwaring lungkot niyang tanong. Ang totoo niyan, invited siya, kaso nga lang ay drama moment ko yon at yun yung time na gusto ko talagang mag move on, pero narito ako ngayon, bumalik na mas malalim pa yung nararamdaman sakanya.
"Girl's time yun, 'no. Di ka kasali." Sabi ko at napatango naman agad siya.
"Ay tama, may gig sila Jonas bukas. Sasama ka?" Sabi niya at hindi ako nakasagot nang dumating yung mga putahe.
Agad nilang nilagay ang mga pagkain sa aming harap at naamoy ko ang mga putahe. "Hmm" imik ko habang inaamoy ang mga pagkain na nasa aking harap.
"Tigilan mo nga 'yan, para kang tanga." Oo, tanga ako, tanga sa'yo.
"At least maganda." Sabi ko at tumawa siya.
"Para sa'yong mata nga lang." Sabi niya at bahagyang ngumiwi.
"Siraulo!" Inis kong sabi saka inirapan siya. "Sasabihan kita kay Tita." Nanlaki naman agad yung mata niya.
"Joke lang naman yon, Loisa. Hehe, joki joki lang 'yon."
"Hahahah tangina." sabi ko bago kami nagdasal at kumain. "Salamat nga pala sa libre mo, hehe." Sabi ko after na sumubo at natikman ang pagkain. Heil's dito, pero parang nasa langit ako, ansarap, grabe!
"'Wag kang mag-alala, hindi na ito mauulit." Ngumiti ako pero nang marinig ko iyon inismiran ko siya.
"Edi wag." Sabi ko at inirapan siya, tinawanan niya naman agad ako.
"Eto naman, parang hindi mabiro. Pero sasamahan ko sila Kaki next time, para din bonding tayo." Sabi niya at ningitian ko siya.
'Naks naman, pero pwedeng next time tayong pumunta dito, tayo na?' isip ko habang nakangiting tumingin sa kanya. Ang cute ngumuya shocks.
Tahimik na kaming kumain pagkatapos 'non, at nang matapos ako, tumingin ako sa kanan ko at tiningnan ang beach. Bale 2 pm na ngayon, napasarap yata kami sa pag-uusap. Sininghot ko ang hangin, at napapikit. Ngumiti din ako at ibinuka ang aking mata at bumaling balik kay Yael, na hindi ko inaasahang nakatingin sakin habang nakangiti.
"Should we go here next time ulit?" Nanlaki ang aking mata, ano daw?
"We? Tayo?" Tayo nalang? Char.
"Yup. Di ba gusto mo rito? I can see you do, and I think you'd love to go here again. Or do you not? If so-"
"No! No, I like it here. I'd love to." Nakangiti kong sabi at ngumiti naman siya. Tanginang killer smile yan.
"That's great! We could also invite Avie." Sabi niya at tumingin sa dagat ng nakangiti.
Tangina naman.
"Hehe, pwede nga." Sabi ko bago sumipsip sa iced tea. Hindi ba talaga pwedeng ako nalang, Yael? Napakagat ako ng labi, grabe naman, kanina pa niya binabanggit si Avie. Avie dito, Avie diyan, nakakalumo.
"Magpapahangin lang ako." Sabi ko at tumayo. Agad naman niyang hnawakan ang wrist ko. "Hmm?"
"Wait sasabay-" Naputol ang kanyang sinabi ng nagvibrate ang kanyang cellphone. Binitawan niya ako at hinintay ko siya, kinuha niya ang kanyang cellphone at nakita kong nanlaki ang kanyang mata bago siya ngumiti at nagtakip ng labi na para bang kinikilig.
"Si tita Macy yan?" Sabi ko, kahit alam ko namang hindi. Nasasaktan ako sa pag-isip na baka si Avie yan, pero ayaw kong manghula.
Umiling siya at napakagat ako ng labi, "Si Avie, Loisa!" 'f**k'.
Ngumiti si Yael na para bang bata na binigyan ng kendi. Napakacute, ngunit hindi ko nagawang ngumiti man lang. Ang sakit, sobrang sakit. Para bang sinasampal ako ng reyalidad na hindi talaga kami tinadhana sa isa't isa.
Tangina naman.
"M-mauna na ako." mahina kong imik at saka tumalikod. Ni hindi niya man lang ako nalingon dahil na busy siya sa pagtext kang Avie. f**k, f**k, f**k.
Bakit ba siya.
Bakit siya pa, pwede bang iba nalang, Lord?
Di ko kaya, ayaw ko. Ayaw ko netong pakiramdam na ito, hindi ito bagay na ginusto at gugustuhin ko. Ang makita lang siyang may ibang kasama ay nakakapanghina na, pano ba kaya ngayong mag nagustuhan na siya?
King inang feelings 'to, sarap sipain.
Kagaya ng sinabi ko kay Yael, nagpahangin ako, napakalaki ng resort at nakakakalma ang malamig na hangin kahit na tirik ang araw. Hindi ako pinagpapawisan, kaya nagtaka ako kung bakit may pumatak na tubig.
Nung una ay akala ko ay ito ay ulan, ngunit nang hinawakan ko ang aking mukha, nalaman kong hindi ito ulan kundi luha. Nang natandaan ko na kung gaano siya kasaya habang binibigkas niya ang pangalan ng taong nagustuhan niya, nanghihina ako. Napakagat ako ng labi upang hindi lumabas ang aking mga hikbi pero hindi ko kinaya.
Sobrang sakit. Ayaw kong may iba siyang kausap, pero mas pipiliin ko na kausapin niya lahat ng mga babae sa eskwelahan kesa na makita siyang ganoon kasaya habang pinag-usapan ni si Avie.
Para akong sinaksak ng libo-libong kutsilyo.
Napaupo ako sa buhangin at niyakap ang sariling paa. Kagat-labi akong nakatingin sa payapang dagat at pumatak ang mga luhang pilit kong tinatago.
"Tangina mo, El." Sabi ko habang ginagamit ang nickname na binigay sa kanya ng kanyang ina. Napabuntong hinga akong tumingin sa dagat habang napupuno nang luha ang aking mga mata. Ang ganda na sana nang view, kaso nga lang ay hindi ko man lang magawang ma appreciate dahil nga sa nararamdaman ko ngayon.
Nag-ring ang aking cellphone at pinalipas ko muna ng ilang minuto bago ko ito sinagot dahil ayaw kong mahalata ng kung sino mang tumawag na umiiyak ako.
Yael calling
Bumuntong hinga muna ako bago ko ito sinagot.
"Hello?"
"Loisaa! Lika dito!!" Excited niyang sabi at napatawa naman ako.
"Excited na excited ha, haha. Anong okasyon?" Biro ko.
"May ipapakilala lang ako hehe." Napakagat-labi naman ako.
"S-Sino?" Kaba kong tanong kahit alam ko naman kung sino na yung tinutukoy niya.
"Si Avie, Lisa!! Nandito siyaa!" Malakas niyang bulong na para bang ayaw niyang iparinig sa iba ang kanyang sasabihin. "Puntahan mo ko dito, dali, nahihiya akong lumapit sakanya, napakaganda kasi!" Nakangiti niyang sambit, kahit na hindi ko siya kaharap, alam ko kung anong ekspresyon ang mayroon siya.
"Ahh, sige ba." Kunwaring masaya kong sabi at agad na binaba ang phone. Tumayo na ako at pinagpag ang sarili, tiningnan ko rin ang mukha ko sa salamin para naman hindi mahalata na umiiyak ako kanina lang.
Tiningnan ko ulit ang dagat at buntong hiningang pumunta yung restaurant na kung saan nandoon si Yael. Habang naglalakad, nakatingin lang ako sa langit na makulimlim, parang uulan mamaya.
Nang malapit na ako sa restaurant, natanaw ko si Yael habang may tinitingnan na babae na nasa counter, habang tinitingnan ko siya, lalo akong nasasaktan. Yung pagtingin niya kasi sa babae ay para bang siya na lamang ang babaeng nandirito sa restaurant. Na para bang siya ang pinaka importante, nakikita ko rin na kung ano niya tingnan yung babae.
Tangina, gusto na niya.
Kagat-labi akong dahan-dahang pumunta sa kanya.
'Tangina naman ang sakit.'