D A L A W A | HEIL

4844 Words
D A L A W A Loisa "Heil" Buntong hininga kong pinunta si Yael, hindi niya ako napansin dahil nakatingin lamang siya sa babae na baka si 'Avie' na kanina niya pa tinutukoy. Kinagat ko muna yung labi ko at mahinang bumuntong hinga bago ko siya tinapik sa kanyang balikat. Para namang natauhan siya at nilingon ako. "Oh, ikaw pala yan, lika." Sabi niya at tinuro ang upuan na nasa harap niya. Umupo naman agad ako at tiningnan siya nang may pilit na ngiti. "Yan si Avie." Tinuro niya naman yung babae na kanina niya pa tinitingnan. Nakalugay ang buhok ng babae at nakasuot ng white summer dress na talagang bagay na bagay sa kanya dahil nagtutugma ito sa makinis at tama tamang mapuputi niyang balat. Nakasuot rin siya ng flat sandals na nagco-compliment sa kanyang suot at may simple accessories. Ang ganda. Napangiti naman ako dahil napakaganda nga ni Avie, tangina. Pero hindi pa rin mawala ang mapait na nararamdaman ko. "Ang ganda.." Sabi ko sa kanya at binigyan niya ako ng napakalaking ngiti. "I know!" Masaya niyang sambit. "Should I go talk to her?" Tanong niya habang tinitingnan niya si Avie na para bang in love na siya. In love? "Y-Yeah, you should. Baka maunahan ka pa, haha." Biro ko at ngumisi naman siya. Sabihin mong 'wag siyang pumunta, Loisa. Ngayon lang naman, maging selfish ka din. "Ako kaya pinakagwapo dito, walang lalamang sakin, noh." Mayabang niyang sambit at napatawa naman ako. "Hindi madadala sa pagkagwapo ang mga babae, Yael. Pag siya naunahan, wala ka na talagang chance sa kanya." Magkahulugan kong sambit sakanya. Tama nga, kung sana ay inunahan ko si Avie, magugustuhan niya kaya ako? Napaisip naman siya at ngumiti lang ako. Ayaw ko siyang i gate keep dahil alam ko namang mahirap iyon, mas maganda pang sabihan niya ito ng straight up kesa naman maghabol siyang bulag sakanya. 'Wao, lakas maka advice, self. Try mo rin kayang i apply sa sarili mo.' Pakshet. Tumayo naman agad siya. "Di ako papayag!" Sabi niya bago mabilis na pumunta kay Avie. Pero nang malapit lapit na siya sa kanya ay mas bumagal ang kanyang mga lakad. Tangina ang torpe. Pero nang may pupunta sana kay Avie ay inunahan niya kaagad. Napatawa naman agad ako ngunit nawala iyon nang makita ko silang nag uusap. "Ang gwapo at ang ganda, bes! Bagay na bagay!" Narinig kong bulong sa aking likuran. "Oo nga, when kaya sakin! Huhu." Gurl same. "Anong when when ka diyan? Eh hindi ka pa nga naka move on eh!" "Kahit na! Kung may makita akong iba, mawawala na tong feelings na to noh!" Humina ang kanilang mga boses kaya hindi ko na narinig ang kasunod non. Bumalik ako ng baling kay Avie at kay Yael. Hindi maitatanggi na bagay na bagay sila kaya mas nanlumo ako. Ang sakit talaga. Kung pwede lang itong mabura, ginawa ko pa noon pa. Ang totoong rason kung bakit ako nagdrama last week ay dahil nasasaktan akong may kasama siyang iba. Na para bang kapag may lumapit sa kanya ay kumikirot ang aking puso. Kahit gusto kong ipunta ang tingin ko sa iba para hindi na ako masasaktan, ay hindi ko ito magawa. Para bang sa kanya lang gustong tumitig ng aking mga mata. Dahil sa kanya hindi ako masyadong nakakabasa ng paborito kong mga libro dahil siya lagi ang iniisip ko. Bawat galaw ko ay naaalala ko siya, muntik ko na nga siyang tawagan at ayain sa tatlong araw doon sa palawan, kaso nga lang ay pinigilan ako ni mommy. Alam niya kasi ang nararamdaman ko kay Yael, ngunit nung time niya lang iyon nalaman. Busy kasi siya kaya hindi niya masiyadong makikita kung ano ang ginagawa ko. Pero nagulat ako sa sinabi niya nang kinuwentuhan ko siya kay Yael. "Honey, you're in love." Yan yung sabi niya at hindi ko iyon mawala sa aking isip. Pero hindi ko rin ito kayang akuin, dahil alam ko kung patatagalin ko pa ito, ako lang ang masasaktan sa huli. Kung sabihan ko naman si Yael sa feelings kong ito, ay natatakot ako na baka iwasan niya ako. Ayaw ko 'non. Ayoko. Kaya ang natatanging magagawa ko lamang ay hayaan itong mawala. Pero sobrang lala na neto, pano ba kasi, taga galaw niya ay napaka cute oh kaya naman napaka angas para sakin. Kahit pagkuha ng notebook ay nagiging dahilan kung bakit nabubuo ang araw ko. Isang ngiti o isang tawag niya lang saakin, feel ko nabubuo na ang linggo. Kahit naga-answer, siya lang pumapasok sa aking isip. Hindi naman nagbabayad ng renta, pero nakatira dito saking isipan. Hindi din kumakatok, surprise visit kamo. "Excuse me." Tawag ko sa isang waiter, ningitian naman niya agad ako. "Yes po, ma'am?" "Can I get iced tea?" Tanong ko at nakangiting tumangon naman agad si kuya waiter. "Yes po, will that be all?" Napaisip naman agad ako. "May ice cream po ba dito? Hehe." Nahihiyang tanong ko. I tend to eat ice cream kasi whenever I'm down so kailangan na talaga haha. "Yes po! What flavor, ma'am?" "Hmm... surprise me." Sabi ko at tinanguan niya naman agad ako bago umalis at pumunta sa counter. Habang naghihintay, hindi ko maiwasang tumingin kung nasaan si Yael at Avie. Masaya silang nagku-kwentuhan sa isang sulok at nakita kong tumatawa si Yael, halatang sayang-saya. Napakagat labi naman agad ako nang napagtanto kong hindi pamilyar ang ganyang ngiti sakin. Hindi siya peke, at hindi lang siya normal na nasisiyahan na ngiti. Kundi ngiting parang sobrang saya na hindi na ko maipaliwanag. Hindi ko namalayang naluha na ako at narealize lang eto nang pumatak ito sa aking mga kamay. Agad ko itong pinunasan at sakto namang nakarating na si kuya waiter nang matapos na ako pumunas. "Iced Tea, and Neapolitan Ice Cream Special to a beautiful lady." Sabi ni kuya at napatawa naman agad ako. Ngingiti-ngiti kong inabot ang pagkain at ningitian si kuya dahil napasaya niya ako sa kanyang sinabi. "Hehe, salamat po kuya." Sabi ko at tinanguan niya naman agad ako nang nakangiti at umalis. Nagtaka ako nang naging madilim ang light at hindi ko nakita ng matingnan nang malinaw ang ice cream. Nilingon ko naman agad kung sino yung nagblock ng light at nakita ko si Yael. Ningitian ko siya ngunit nanatiling nakakunot lang ang kanyang noo. Nawala naman agad ito nang sumulpot si Avie at tumabi sa kanya habang nakangiti, hinay-hinay na nawala ang kunot na noo ni Yael dahil sa ngiti ni Avie. "Hi." Nahihiyang bati ko sa kanila dahil napakasweet ngunit hindi ko man lang magawang maging saya. "Upo kayo." at tinuro ang dalawang upuan na nasa harap ko. Nakangiti namang umupo si Avie at sumunod sakanya si Yael. "Hi, my name's Avie." Nakangiti niyang sambit at inilahad ang kanyang kamay. Ningitian ko din siya dahil walang kupas ang kanyang ganda. "You must be Loisa! Yael told me stories about you." Napahinto naman ako at gulat na tiningnan si Yael. Nakatingin lang siya kay Avie at napakagat-labi ako. Tangina mo, tingin ka naman dito. "Hi, haha, yes, I'm Loisa. Nice to meet you. Dami ring sinabi ni Yael sakin tungkol sayo haha." Asar ko kay Yael at napangiti naman si Avie sa aking sinabi. Tiningnan ako ni Yael na para bang wag siyang ipahiya at binigyan ko nalang siya nang ngiting nang aasar. "Sure yan? Haha, anyways nice to meet you too! Kasama ko originally yung friend ko, kaso nga lang ay nawala, ewan ko kung saan iyon nagsuot." Natawa naman agad si Yael sa kanyang sinabi at awkward ko silang tiningnan dahil parehas silang may sariling mundo. Edi wow. Edi Kayo na.... Joke lang huhu. Bitter kong sambit sa aking pag-iisip. Nag-usap ang dalawa at tahimik lang akong inubos ang ice cream at iced tea. Timing naman at nagring yung phone ko kaya nagkaroon agad ako nang rason para umalis muna. "Kukunin ko lang to." Mahina kong pagpaalam at agad na kinuha yung phone ko at tiningnan kung sino yung nag call. Tita Macy (soon to be mommy) calling... "Hello po, tita?" "Hi, Lisa! Would love to know what time kayo dadating, I can make some refreshments para sainyo ni El." Sabi ni tita at napangiti naman agad ako. "Sige po tita, sasabihan ko po si Yael." "Sige iha, mag ingat kayo ha." Paalala ni tita, at ngumiti naman agad ako kahit hindi niya iyon nakikita. "Sige po tita, 'wag po kayong mag alala..." Napahinto ako nang makita kong nakahawak si Yael sa pisngi ni Avie na para bang hahalikan niya ito. Nanlaki ang aking mata at naramdamang nabubuo na agad ng mga luha ang aking mga mata. Agad akong tumalikod dahil ayaw kong makita kung ano ang kasunod nito. Hindi ko na mabilang kung ilang beses na akong umiyak. Ngunit ang alam ko ay hindi ko na kinaya ang aking nakita at wala sa sariling naglakad paalis ng restaurant. "Iha?" Napabalikwas ako at bumalik sa realidad nang marinig ko ang beses ni tita sa kabilang linya. "Naaabala ba kita, Lisa? Ayos ka lang, iha?" Tanong niya at napakagat labi naman agad ako sa tanong niya. No, tita, hindi ako maayos. "Ayos lang po ako, tita, hehe." Sabi ko. "P-Pero parang hindi po ako makakarating sainyo mamaya po." Napatingin ako sa gilid at nagpara nang taxi. Uuwi nalang ako, kesa makita pa si Yael mamaya, dahil alam ko sa sarili kong iiyak ako pag nakita ko siya at baka masabi ko pa ang nararamdaman ko. Alam ko namang wala akong estato at walang right upang sabihan siya na ayaw ko siyang nakikitang may kasamang iba. Kaso nga lang, hindi ko rin iyon kaya. And magagawa ko lang ay ang tumahimik at maging masaya sa kanya kahit ito ay pilit pa. Napaka supportive niya at ayaw kong balikan siya na para bang wala siyang ginawa sakin, kahit masakit ay dapat kong iendure. Ginusto ko eto eh, wala namang pumilit sakin na gustuhin siya at hindi ko rin naman eto inayawan. Maliban ngayon. "Bakit iha? May gagawin ka?" Nag aalalang tanong na naman ni tita. "Yes po tita, pasensya na po talaga, k-kailangan na kasi itong ipasa po bukas, k-kaya kailangan ko pong umuwi nang maaga." Pag-explain ko. Nauutal ko itong sinabi sahil ayaw kong magsinungaling kay tita, ngunit kailangan. "Ayos lang, iha, ano ka ba. Sa susunod nalang, may ibang araw din naman na pwede kang pumunta. Sa susunod, pupunta ka diba?" Baka hindi na po ako ang dadalhin nita po. "D-Depende po tita, pero pag may free time po ako, talagang bibisitahin po kita!" Masayang sabi ko at kahit hindi kami magkaharap, alam kong nakangiti si tita. "Aasahan ko yan, Lisa! Oh siya, ibababa ko na itong tawag." "Sige po tita, at pasensya ulit po." "Nako ayos lang, sige ingat ka, iha." Sabi ni tita, saka binaba ang tawag. Napahinga naman agad ako nang maluwag at timing namang may huminto na taxi. Pero napatigil ako, ayaw kong iwan nalang nang ganun-ganun si Yael. Kahit papano, kaibigan ko pa rin siya, kaya ayaw ko siyang pabayaan. Napakagat-labi ako at minasahe ang aking templo. Napakagat na rin ako nang aking mga kuko dahil hindi ko alam kung ano ba talaga ang aking gagawin. "Bwiset!" Narinig kong sabi ni manong driver ng taxi saka pumaharurot paalis. Hala gago, nakalimutan ko! Sign na ba 'yon? Napahinga ako ng malalim, tanginang love ito. Bumalik ako sa restaurant, alam kong masakit, ngunit ayaw ko siyang hayaang mag-isa dahil baka akalain niyang nagagalit ako sakanya. Baka magtimpi ako at biglang magconfess sa kanya dahil sa pangungulit niya. Napatawa naman agad ako sa iniisip ko, naalala ko nung nagalit ako sakanya, of course, hindi iyon umabot ng isang araw, ngunit gusto kong makita kung ano ang gagawin niya once makita niya akong galit. Ano bang ginawa niya? Edi nagpa-cute. Kalalaking tao, nagpapa-cute, aba ang tinde! Napahagikgik naman agad ako nang naalala ko ang mga ginawa niya nung minsan akong nagalit, hehe. "Hoy!" "Tangina!" Gulat kong sabi. Tiningnan ko si Yael na nanlalaki ang mata. "Aba gago!" Sabi ko sakanya at mahina siyang sinampal sa braso. Shet, antigas. "Aray! Nakarami ka na, ah!" Sabi niya at nilakihan ako nang mata na para bang nagbabanta nang tingin, ngunit ang kalabasan ay para lang iyong cute look, hihi. "Para kang tanga." Tiningnan ko siya nang masama. "Ano?!" Nawala naman agad ang mayabang niyang dating. "'Wag kang sumigaw, Lisa, daming tumitingin oh!" Napa, 'tch' naman ako. "Para ka kasing tanga, humahagikgik nang mag isa, kala ko nga sinapian ka na eh." Oo, sinapian ako. Sinapian ako nang pagmamahal. Agad akong napailing nang marahan, kaya napataas ang kanyang kilay. "Wala na, talagang sinapian ka na, tangina haha." At saka siya napatawa nang napakalakas, kahit napatingin na lahat nang madla sakanya, ay hindi siya tumigil. Potangina, ako daw ang maingay??? "Huy! Nakakahiya ka, tangina mo. Umayos ka nga." Sabi ko sakanya at humina ang kanyang tawa ngunit maya maya ay bumungisngis din ulit. Napatingin ako sa kanya habang tinatakpan niya ang kanyang tawa sa kaliwa niyang kamay. Gumagalaw ang dala iyang shoulders habang humahagikgik siya, at kahit na nakatakip ang kanyang kamay sa kanyang bibig, nakikita ko parin ang napakatamis niyang ngiti. Naka-squint ang kanyang mata habang tumatawa, at may nakikita rin akong para bang pusang linya sa kanyang cheeks dahil sa laki nang kanyang ngiti. Napunta naman agad ang aking paningin sa kanyang braso na para bang naf-flex dahil nga sa kanyang kamay. Habang nakatitig, napansin kong mas lumalapit na ang mukha ni Yael at imbes na tumatawa, nakangiti itong nakatitig saakin. Kitang-kita ko ang pagkislap bang kanyang mga mata dahil sa saya. Napatingin ako nang malalim sa kanyang mga mata na animo'y hinihila ako palapit at para bang nalulusaw ako dahil sa pagkalalim nito. Nabalik naman agad ako sa reyalidad nang hawakan niya ang aking ilong, tinapik niya ito na para bang nagda-dial bang numero dahil tatlong beses niya ito ginawa. "Earth to Lisa." Sabi niya nang pabulong habang nakangiti parin, at saka lumayo kaunti. "Huwag mo nga akong tingnan nang ganyan." Sabi niya at tumingin sa kanyang gilid. "H-ha? Nang ano?" Takang tanong ko at lumipas pa ang ilang mga minuto bago niya ako sinagot. "Nang ganyan." Tumingin siya sa akin at itinuro ang aking mga mata. Ha wtf? "Ano bang meron sa pagtingin ko sayo?" Tanong ko ulit. "Wala." Sabi niya at umalis. "Hoy! Hala ano ba?" Sabi ko at tumakbo at tumabi sa kanya habang naglalakad kami malapit sa beach. "Wala nga." "Di ako naniniwala, ano ba kase?" "Wala nga sabi, ang kulit mo." Sabi niya at patuloy na lumakad papunta sa dagat at hindi tumingin sakin. "Mas magiging makulit ako noh pag hindi mo sasabihin sakin." Sabi ko at nang hindi siya nagsalita ay napabuntong hininga ako. "Okay fi-" "It looks like..." pagstart niyang sabi at umupo sa dagat, interesado naman akong tumingin sa kanya at umupo rin katabi siya. "It looks like you have something you're hiding to me, and ayaw ko nun." Sabay tingin sakin pagkatapos nita itong sabihin. Napa-iwas naman agad ako nang tingin at tumingin sa tanawin. "Is there something you're hiding from me, Loisa?" Tanong niya at napalunok naman agad ako. "W-Wala no, haha." Maliban sa mahal kita, wala na. "Loisa.." "Uhmm... Yung pudding.. Oo! Yung pudding mo last time, kinain ko hehe, sensya ka na." Sabi ko at tumango naman agad si Yael pero ramdam kong hindi siya naniniwala, pero napa sigh in relief naman agad ako nang hindi siya nagtanong pa ulit. Tahimik kaming tumingin sa tanawin nang biglang bumuhos ang ulan at nakarinig kami nang malakas na kidlat. Gulat naman kaming nagtinginan at agad na lumayo at tumakbo. At sa pagka de-malas-malas nga naman, natapilok ako dahil sa bato na nakaharang. Punyeta! Natumba naman agad ako at nakaramdam nang sakit dahil sa pagkatapilok at pagkatumba. Tangina mo bato, I hate you! Sabi ko sa isip ko at tiningnan nang masama ang bato. Nabasa naman agad ako dahil nga napakalakas nang ulan at nanginig dahil sa malakas na simoy nang hangin. "Loisa! Loisa! Are you okay? Napano ka, Lisa?" Nagulat naman agad ako nang makita ko si Yael na basang basa sa ulan at bumabakat ang kanyang muscles sa kanyang damit. Shet. "Huy!!" "Ah! Ano?" Taka kong tanong nang wala akong narinig maskin isa sa sinabi niya. "Ayos ka lang ba kako? Di ka naman napano, ano? Halika na! Magkakasakit pa tayo dito." Sabi niya at binigay ang kanyang kamay saakin. Agad ko itong inabot at pinilit ang sariling tumayo, ngunit binigo ako nang aking paa. Huhu, bato, I hate you! "Argh!" Daing ko, yes hindi owch dahil wala akong time para magmukhang fancy sa harap ni Yael dahil sa sakit na aking nararamdaman. "Huy!" Sabi niya at hinawakan ang aking bewang at inalalayan ako patayo. "Napano ka?" "Ah, eh, natapilok kasi ako." Sabi ko at tumango siya. Mas pinalapit niya pa ako at kagat-labi naman ako dahil ayaw kong makita niya akong ngumingisi. "Grabe ka naman dumamoves, Yael" Biro ko at tumawa, napatawa rin siya at binatukan ako. "Aray." Pabiro kong daing at nagulat nang bigla niya akong inalsa nang para bang bago kaming kasal. Eyy, enebe. SHET, BATO, HINDI PALA KITA HATE, MAHAL NA ATA KITA CHAR, ILABYUUU. "Hawakan mo ako nang mahigpit." Bulong niya at hindi na ako nagdalawang isip at pinulupot ang aking dalawang kamay sa kanyang nape nang mahigpit. Shet, chance na to no, sino ba naman ako para lagpasan ang chance na to. Bago pa man ako makasalita nang, "dabolyuu" ay agad siyang tumakbo habang hawak-hawak ako. Shet, ano 'to, elope? Mas humigpit pa ang hawak ko at mas lumapit ako sa kanya. Bale dinikit ko ang aking ulo sa kanyang chest. Putcha, kyaaaaaaa. >~< Agad naman kaming nakarating as restaurant at naramdaman ko na napabaling ang tingin nang mga customers sa amin ni Yael. Namula naman agad ako sa kilig dahil nga sa ginawa ni Yael at sa mga tinginan nang mga madla saakin habang inaalsa niya ako nang parang bagong kasal. Bababa na sana ako nang humigpit ang hawak niya sakin, lito naman akong napatingin sa kanya. "Ako na sasakay sayo sa kotse." Sabi niya at napayuko naman agad ako sa kilig. HOY, YAEL, IBA KA NA HUHU, FEEL KO LALABAS NA PUSO KO SAYO TANGINAAAA. "Ayos ka lang?" Sabi niya at naramdaman ko naman ang kanyang mainit na hininga. PUTCHA, HUHU WAG GANON, YAELLLL. Tumango nalang ako dahil alam kong hindi ako makakasalita sa kilig at naglakad si Yael papunta sa parking lot. Habang naglalakad, mas natauhan ako at napatingin sa paa ko. Hindi naman ito na sprain, ngunit nagkanda-sugat sugat ito at namaga kaunti dahil sa bato kanina. Naramdaman kong huminto siya bago kami makalapit sa kanyang sasakyan kaya napalingon ako kay Yael, nakatingin sa siya sa kanyang kanan at parang may tinititigan. Nilingon ko naman ang kanyang tinatanaw at hindi na nagulat nang makitang si Avie iyon. Lumapit sa amin si Avie at may inaboyt lkay Yael, nagdalawang isip naman agad si Yael na kunin ito dahil nga nasa kamay niya ako. Umakto ako na bababa na sana, nang mas hinigpitan ni Yael and hawak sakin. "Wag kang gumalaw, you're still hurt." Sabi niya, at ramdam at kita ko ang sinserong pagsabi niya nang mga katagang iyon. Ngumiti naman si Avie at binigay saakin ang kanyang hinahawakan. 'Payong?' "Here, kailangan niyo niyan. I know na basa na kayo, pero mas mabuti nang hindi na kayo lalong mabasa dahil baka magkasakit kayo." Alalang sabi ni Avie at napangiti naman agad ako sakanya. "Thank you." "Salamat." Sabay na sabi namin ni Yael at napatawa naman si Avie. "Haha, para kayong magkapatid." Ouchie naman po huhu. "Babalik na ako, let me know if may kailangan pa kayo sakin. Ingat kayo!" Sabi niya at kinawayan kami bago siya tumalikod at bumalik sa restaurant. Kinuha ko naman ang payong at in-open ito at pinayungan kaming dalawa ni Yael. Nang makarating sa kanyang sasakyan, pinasok niya ako sa passenger seat at ni-lock ang door pagkatapos. Agad din siyang tumakbo at sumakay sa driver's seat, may inabot siya sa back seat at agad akong binigyan nang t-shirt. "Oh, dry yourself with these." Sabi niya at kinuha ko naman agad ito at pinunasan ang sarili ko. Kumuha din siya nang isa pang shirt at pinunasan ang sarili bago ini-start ang kotse. "Sa bahay ka na muna magpasilong, Loisa. Masyadong malakas ang ulan at mas malapit sa amin kesa sa inyo." Tumango ako sakanya at pinagpatuloy ang pagpunas sa aking sarili. "Ay hala." Walang malay kong sabi nang maalala ko ang sinabi ko kay tita. "Ano? What happened?" Tanong ni Yael kaya sinabi ko sakanya ang nasabi ko kay tita, excluding the reason, of course. "Ahh." "Yes." "What were you thinking?" Sabi niya habang sumusulyap sa akin habang nagda-drive. "Ha? Anong what were you thinking? Ikaw, kanina ka pa! Ba't ka ba nag e-english masyado?" Taray kong tanong at tumahimik naman siya. Pero makalipas ang ilang mga minuto ay nagsalita siya, "I-It was.." start niya, at nakita ko naman siyang lumunok nang ilang beses. Whut? "It w-was because of Avie." Napatigil naman agad ako. 'Di ka nalang sana nagtanong, self. "Avie?" Patanong kong sabi habang tinitingnan siya na nagni-niyerbos at nakahawak nang mahigpit sa manubela. Cute. "Yes. G-Gusto ko kasi siyang mapa-amaze sa... sa e-english ko." Pilit kong tinigilan ang tawa ko ngunit lumabas ito. "Hahahhaha, potangina?" tawa-tawa kong sabi at nakahawak pa sa aking tyan. Napaka-cute, punyeta! At saka anong klaseng rason yan? Hahaha! "Hoy!" Sabi niya bago marahang tinigil ang sasakyan. "Aray!" Daing ko at napahawak sa ulo kong natama sa gilid nang sasakyan. Lalapit na sana si Yael saakin na puno nang pag-alala ang mga mata ngunit napatawa ulit ako. "Hahahha! Pota! Hahahah!" "Baliw! Hmp!" Inis niyang sabi kaya mas napatawa ako. "Panget mo kabonding!" Sabi niya at mas natawa ako. Lumisan ang ilang mga minuto at nalisan na ang mga tawa ko, dahil nakatago muna ito huehuehue! "Oh, ano ba-hahah- yung sasabihin mo?" Pilit na tawang tanong ko at nakanguso naman siyang tumingin sa akin at halatang naiinis sa ginagawa ko, ngunit hindi ko rin mapigilan. "Wala! Wala na! Tch!" Sabi niya at nagstart na sa engine ng kotse. "Anong tch-tch! Tch!" Sabi ko din at napatawa naman siya. "Ay, nga pala, may sasabihin ako sayo mamaya~" Sabi ko nang nakarating na kami sa bahay ni Yael. Malaki yung bahay nila Yael, mansion kumbaga. Rich boi tong si Yael, kahit di halata, charot. Maputi yung exterior nila, mga marbles ang fencing. Malaki din ang kanilang gate, ngunit makikita mo pa din kung gaano kalaki ang bahay, may mga puno din sila kung saan sila kumukuha nang kanilang kinakain dahil gustong-gusto ni Tita Macy ng gardening at magplant nang kahit ano-anong mga plants and fruits tas herbs. Napakakinis din nang kanilang floor once nasa loob ka na nang gate, at maraming bushes sa gilid at lights para mailawan ang mga paths, may mga maids din sila, ngunit wala sila rito sa labas dahil sa lakas ng ulan. Nag-park si Yael sa loob ng garage nila at sabay kaming lumabas. Dumaing ako nang matapakan ko ang sahig ngunit hindi ako nagpahalata na nasaktan ako. Kinuha ko ang bag ko sa kotse at pumasok kami sa bahay nila Yael. Bale konektado ang garage at ang bahay ngunit hindi ito malapit, mga ilang lakad pa ang gagawin mo bago ka makapunta sa kanilang bahay sa main building. Nang makapasok, pinuntahan kami ni Ma'am Esther na Head Maid nang kanilang bahay. Binigyan niya kami nang tig-isa isang roba at agad namin itong sinuot, sakto namang nakita kong bumaba si Tita Macy na puno nang pag alala ang mukha. "El! How are you? I heard na may bagyo daw, kaya nag alala ako saiyo, and- Lisa! I thought you wouldn't come! Nice to see you both safe!" Sabi ni Tita at ningitian ko naman siya at agad niya akong niyakap. "It must have been scary! Nakita ko news report kanina lang, they said it'll be sunny, and look! Does this look something near sunny? No!" Ramdam ang disappointment sa kanyang boses kaya napangiti ako kay tita. Ganito talaga si Tita, masyadong worry wart pagdating sa amin ni Yael kaya ganoon nalang siya kung mainis. "Ayos lang po kami ni Yael, Tita Macy." Sabi ko nang hindi magsalita si Yael. "El, why aren't you saying anything? Are you hurt? Should I-" "Where's mine, ma?" Napatahimik naman si Tita at napuno nang lito ang kanyang mukha. "Yours? Anong yours? What do you mean, anak?" Litong tanong ni Tita. Napa-pout naman si Yael. Mommy's boy. "Yung ano ko..." Nakapout niyang sabi at tiningnan naman siya ni Tita na para bang naghihintay kung ano ang sasabihin ni Yael. "Yung hug ko! Ba't si Loisa lang hin-ug mo? Ako yung anak mo, ma!" Inis niyang sabi at napatawa naman si Tita Macy, aleng Esther, at pati na rin ako. "Hahaha! Kalokong bata to! Kala ko kung ano na ang nangyari sayo. Halika." At agad niyakap ni Tita Macy si Yael nang mahigpit. "Napakalaking tao, ngunit nanghihingi parin nang yakap!" Kunwaring inis na sabi ni Tita Macy habang yakap-yakap si Yael. Napangiti ko naman silang tiningnan. Ganyan talaga silang dalawa, napaka childish ni Yael once makaharap niya ang kanyang magulang kaya boyfriend material ang kakoy dahil hindi lang siya gentleman, he knows how to treat people right din. "Umakyat muna kayong dalawa at maligo. Uminom din kayo nang tubig para hindi kayo lagnatin!" Sabi ni Tita at 'opo' naman ang sinagot namin ni Yael sakanya bago kami tumungo sa second floor. "Dito ka sa room ko, sa master's bedroom ako magsha-shower." Sabi niya at kumuha nang mga damit sa kanyang closet. Nilabas din niya yung bag ng mga damit na binili ni Tita Macy para may suotin ako basta gusto ni Tita na magsleep over ako. Siyempre, tabi kami ni Aleng Esther. "Sige, hintayin lang kita dito." Sabi ko bago siya umalis, tinangoan niya ako at dinala ko ang mga damit at pumasok sa shower. Wag mag isip nang iba, Loisa. #NoToDirtyThoughts Dali dali akong naligo at nagbihis dahil baka multuhin ako nang dirty thoughts, ayaw kong maging creepy no! Lowkey love lang dapat ito. Wait. Wait... Waitt. Did I just..? Did I just called it love? Di ko na natapos yung sinasabi ko nang bumukas ang pintuan at lumabas ang bagong ligo na si Yael. Nakasuot siya nang black shirt at shorts. Napangiwi ako nang makitang basang basa pa rin ang kanyang buhok. "Tsk tsk tsk." Sabi ko at pumunta sa banyo para kumuha nang towel. Nang makabalik, nakaupo si Yael sa harap nang computer habang nag-aanswer. Tangina, workaholic ang kakoy. "Woy, punasan ko lang buhok mo ha?" pahintulot ko sa kanya at tinangoan lang niya ako. Agad kong pinunasan ang kanyang buhok at pati narin ang kanyang tainga. Habang nagpupunas, nakaramdam ako nang mabigat habang nagpupunas at napatingin ako kay Yael, hindi na siya nagtatype at tumahimik ang paligid. Paglingon ko sakanya ay nakita ko itong nakapikit at para bang pagod na pagod. Ngiti akong tiningnan siya at pinindot ang intercom matapos ang ilang minuto. Ilang minuto ang lumipas at may maid na pumasok sa room. "Hehe, pwede ba akong patawag nang ibang maids narin? Patulong sana akong dalhin si Yael sa kanyang higaan." Sabi ko at tinanguan niya naman ako. Bumalik yung maid at tinulungan nila akong dalhin siya sa kanyang higaan, kinumutan ko naman agad siya at di-nim ang lights dahil ayaw niya nang maliwanag ang lights habang natutulog, pero ayaw niya rin na sobrang dilim, kaya dim lights ang ginagamit niya once matulog siya. Ngiti ko siyang minasdan bago ako umalis sa kanyang kwarto. Nadatnan ko naman si Aleng Esther nang makarating ako sa silid sa second floor. "Oh, hija, bakit ikaw lang narito? Saan si El?" El tawag nila kay Yael na kinuha sa kanyang pangalan dahil cute daw eto. Meanwhile, I think, 'Ely' is cuter~ "Nandoon, natulog. Pano ba kasi, napagod siguro iyon dahil napaaga nang rating sa school kanina." Sabi ko at tumango naman si Aleng Esther. "Sige bumaba ka na muna at kumain, malapit nang kumain kaya mag meryenda ka muna." Nginitian ko naman si Aleng Esther. "Babalik na ako sa trabaho, dun ka muna sa baba at magtamasa ka muna habang natutulog pa si Yael." At saka siya umalis. Bumaba naman ako at ningitian ang mga nakakasalubong kong mga maids na binalikan rin ako nang mga ngiti. Nang makarating sa living area, nakita ko si Tita Macy na nanonood nang pelikula. "Hi po Tita Macy, hehe." pagbati ko kay tita Macy, lumingon naman siya sakin at inihinto ang kanyang pagtingin sa TV. Ningitian niya naman agad ako at binati rin, "Oh, Lisa, ba't ikaw nlang narito? Nasan si El?" "Ay nakatulog po tita." Sabi ko. Nakita ko naman na napuno nang alala ang mukha ni Tita. "Ay, hehe, baka napagod yun dahil maaga pong nandoon sa eskwelahan." "Oh, at bakit naman siya nasa eskwelahan? Diba exempted siya?" Litong tanong ni Tita kaya nagtaka akong nakatingin sa kanya. "Po? Diba pinapunta-" hindi na ako nakatanong pa nang bumaba si Yael. "Ma, you forgot na naman, pinapunta mo ako, diba?" "Did I? I don't remember. I probably did, hehe."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD