Aki's Point Of View "Ikaw ba si Aki?" Hindi pa man ako nakakapagsalita ay tanong na agad ng isa sa kanila. Marami silang nandito at hindi ko alam kung bakit nila ako hinahanap. Ang alam ko lang naman noon ay wala silang pakialam sa existence ko na kahit maghubad pa 'ko sa harap nila'y hinding-hindi nila ako papansin. Pero bakit ngayon na halos lahat ng mga mata nila'y sa akin nakatuon? "Bakit ano'ng kailangan niyo sa kanya?" Napatingin ako rito. It was Mina na nakatayo na sa tabi ko at bigla akong inakbayan. Tinaasan pa niya ng kilay ang mga ito. "We just wanted to talk to him. May nakakita kasi sa kaniya na kasama ang mahal naming si Hugo," sagot ng isa. Kaya nasagot na ang katanungan sa isipan ko. "Ah-eh." Natigilan ako dahil hindi ko alam ang idadahilan ko. Hindi ko naman puwedeng

