Aki's Point Of View "Kailangan ko ba talagang dito tumira?" tanong ko sa kanya matapos nitong ipaliwanag ang sitwasyon. Hindi ko pa masyadong nakukuha dahil gulong-gulo ako sa lahat ng bagay. He never explained to me what's really the reason why he's hiding his son. Sinabi lang nito ang mga bagay tungkol sa pag-aalaga sa bata. "Yes because sometimes I may not be here kaya walang kasama ang anak ko," sagot niya. Pagkagaling namin sa eskwelahan ni Simon ay agad kaming dumiretso rito sa kanilang condo. Sinabi nito ang mga patakaran na mukhang siya lang ang nakakaintindi. Sinabi niya na sa umaga ay nasa eskwelahan ang bata hanggang hapon ito roon. Kaya ang kailangan ko lang gawin ay bantayan ito sa gabi sa tuwing wala siya rito sa kanilang condo. Hindi na rin naman daw problema pa ang uma

