Aki's Point Of View "Ano bang pinag-usapan ninyo kanina?" Tumingin ako sa kanya. Huminga ako nang malalim at umiwas ng tingin. Kanina pa ako nito kinukulit kung ano'ng pinag-usapan namin ni Hugo. Pero kanina ko pa siya hindi sinasagot. Wala akong maisip na sagot dahil hindi ko puwedeng sabihin sa kanya ang totoo. "Aren't you going to answer me, Akierra?" Napalingon ako rito. Masama niya akong tinignan at halata na sa kanyang mukha ang inis dahil hindi ko siya sinasagot. "Pasensiya na, Mina. May iniisip lang kasi," pagdadahilan ko. Tinaasan lang niya ako ng kanyang kilay. "But you should tell me, we're friends right?" Inirapan niya ako. Bumuntong-hininga ako at tinawag ang pangalan niya kaya napalingon naman ito sa akin. "Nagpapatulong lang si Hugo," sabi ko. Iyon naman ang totoo, nag

